A/ N Typographical and grammatical error ahead. Happy reading mga peeps...
“Coming back Rae? Hindi ako naniniwala!”
He slammed the table, begging me to tell him that yes it's too impossible.
“But it's happening, I can feel it.”
“Damn that!” He uttered under his breath. Hindi ko rin maiwasang mapaluha.
“You can overcome that, we will help you,” he assured me. Mahigpit akong kumapit sa upuan. He hugged me tightly as he could. He crashed his body against mine like this is the end of the world.
Life and death. Death? It is simply without having life at all. Every souls had life, but time taken it away from them. No matter how old, bad or good that soul is .
“Kahit wala si Aris gagawin ko ang lahat para maligtas ka. Ako naman Rae, ako naman ang magiging knight in shining armor mo.”
Pareho kaming napangiti sa sinabi niya. Umaasa rin ako na mananalo kami sa labang ito. Nang mahimasmasan siya ay binitawan niya ako at ngumiti siya sa akin na para bang hindi siya umiyak kanina.
“Gusto mo bang kausapin si Mama? Para kahit paano ay may marining kang maganda. Alam mo naman si Mama parang kasalanan sa kanya kapag nakakapagsalita siya ng hindi maganda sa kapwa.”
Mabilis akong sumang-ayon. Sabi niya ay malapit ako sa Mama niya at gusto kong malaman kung hanggang saan iyon. Gusto kong makilala ang mga taong nakasama ko sa mga oras na iyon.
“Huwag kang mag-alala nandito kami para sa'yo, kagaya ng dati.”
Nanatili si Montereal sa bahay hanggang hapon. Feeling close na rin siya kay Mama. Tinulungan niya pa nga si Mama sa pagluluto.
“Huwag mo akong tingnan ng ganyan,” untag ko nang makitang titig na titig siya sa akin.
“Hindi ako makapaniwalang nakakasama kita ngayon. Akala ko nga sa kabilang buhay na lang kita makakasama.”
Nabatukan ko siya nang malakas na ikinasigaw niya. Humaba rin ang nguso niya na ikinatuwa ko.
“Anyway highway may gusto akong itanong sa'yo.”
“Ano naman iyon?”
Umipon muna ako ng maraming lakas na loob bago magsalita. This is the most ridiculous idea I ever thought.
“Kung makikita mo ba ang ina ni Aris makikilala mo ba siya?” Pinilit kong maging maingat sa mga bibitiwang salita.
“Maari pero matagal na kasi iyon. Baka nga nagbago na ang mukha niya.”
“Pero alam mo ba ang apelyido nila? O ang Mama mo, alam niya ba?”
Mukhang naging interesado si Montereal sa sinasabi ko dahil tinigilan niya ang pag-iinom ng juice. Kain siya nang kain sa bahay namin ng kung ano anong matatamis. Mama spoiled him too and she's happy feeding this cute little sweets monster.
“Teka nga may alam ka ba na hindi ko alam?”
“Hindi lang naman ikaw ang nagsasabi sa akin na wala akong naalala Montereal. Even though she told me indirectly pero ang punto ganun pa rin. She knew Aris, me and my fears. Parang may malalim siyang alam. Naghihintay lang siya ng oras na malaman ko o baka naman may gusto siyang protektahan.”
From the first day I stepped inside that coffee shop and decided to be part of it, I know it will change my life. Kung may gusto siyang protektahan sana ay inilayo niya ako sa teritoryo niya o baka naman may iba pang dahilan.
“Sigurado ka ba riyan Rae?”
Nagpasimangot ako sa tanong niya.
“Totoo nga kasi.”
Sinandig niya ang katawan sa aming couch. Mukhang napaisip siya nang malalim, hindi ko rin mabasa ang mukha niya.
“Sino siya Rae?”
Aligaga kong kinuha ang cellphone. Pinakita ko sa kanya ang picture ni Ma'am Canerato. Kuha ito noong anibersaryo ng coffeeshop na swerteng naabutan ko pa.
“Hindi siya pamilyar,” saad niya.
Mapusok kong ibinagsak ang katawan sa sofa. Nahihilo ako sa mga iniisip, kung paano ko ba mapagtagpo-tagpo ang mga iniwang salita ni Ma'am Canerato.
“Pero pamilyar ang lalaking ito.”
Daig ko pa ang kabayo nang hinablot ko ang cellphone kay Montereal. Pinaturo ko ulit sa kanya ang sinabi niyang pamilyar sa kanya.
“Sigurado ka? Si Boy Canerato?”
Pinanliitan ko siya ng mata at sinuri ng mabuti ang imahe ng tinuro niya. Hindi ako pwedeng magkamali, si Boy Canerato ang tinuro niya.
“Hindi ko lang mawari kung saan ko siya makita.”
Napabuntong hininga ulit ako. Possible namang may kamukha lang si Canerato na kilala ni Montereal.
“Sino ba 'to? Pogi pa nga ako dito. Tingnan mo!”
Tinabi niya sa mukha ang picture ni Canerato. Napailing ako at hinablot sa kanya ang cellphone ko.
“Jowa mo?” Pangungulit niya. Marahan ko siyang tinulak.
“Asa ka pa.” Lumigwak ang matunog niyang tawa.
“Oo nga pala naalala ko na. Nakita ko siya sa nang kinausap ka niya sa coffeeshop.”
Mas lalong umasim ang mukha ko nang marinig iyon. Kahit sana sabihin niyang hindi ko na maalala ayos lang. Kasi may pag-asang baka may koneksyon si Canerato sa nakaraan ko.
“Sino itong nakikita ko na naman dito Rae?”
Mapang-asar na kumaway si Montereal kay Ador. Nakapagpalagayan na rin ng loob ang dalawa. Akala ko nga lalandiin ni bakla si Montereal, iba talaga ang tama ni Vanessa sa baklang ito kahit na bokya pa rin ito hanggang ngayon.
“Inaagawan mo ako ng pwesto dito, ha." May halong pagbabanta ni Ador nang makita ang garapong punong-puno ng sweets sa kandungan ni Montereal.
“Gusto mo?” Pang-aasar ni Montereal na mabilis niyang binawi nang subukan ni Ador na kumuha sa garapon niya. Para yatang second version sila ni Maximus at Vanessa. Palaging nag-aaway, kung wala lang ako sa gitna baka nasuntok? Nasabunutan? Nasampal? Ewan ko, basta nasaktan na ni Ador si Montereal.
“Pinagpapalit mo na ako Rae sa langgam na 'to?”
“Langgam? Ang macho ko naman para maging langgam.”
Mahina akong napabuntong hininga sa kanila. Ito na naman sila.
“Paalisin mo kasi 'yan may sasabihin ako sa'yo.”
“Tungkol na naman sa crush mong hindi ka kayang e crush back?”
Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Montereal. Ang daldal naman ng halimaw na ito.
“Rae?”
Nararamdaman ko na ang kadiliman sa paligid. May kakaibang presensya na gumugulo sa tahimik naming dimensyon. Mahina kong kinurot si Montereal, ang daldal talaga.
“Wala akong sinasabi sa kanya. Promise close my hear mamatay man si Montereal,” pagbibiro ko na naging dahilan sa malakas na paghampas sa akin ni Montereal sa balikat.
“Sinabi niya sa akin.” Mas lalong lumakas ang paghampas ko sa balikat niya. Pahamak talaga kahit kailan.
BINABASA MO ANG
The Day He Saw My Worth( Psyche Uno)
RomanceShe felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead her to claim the truth that prevails. Who is Aris? Psyche #1 @Nicaouise