Chapter Z13:Behind the smiles Part 2

147 13 0
                                    

“Sa tingin ko nalaman mo na ang kapangyarihan at weapon mo.Pwede pa natin yan palakasin.Sumama ka samin,mapagkakatiwalaan mo kami”sabi ng may axe habang naglalakad papalapit sakin at inilahad niya ang kamay niya sakin.

Di ko alam kung bakit ko yun tinanggap at sumama sa kanila.Pagkadating namin sa isang underground base,tinanggal na nila ang mga hoods nila.Dalawang babae at isang lalaki ang nakita ko.Ang nakahawak sa axe ay isang babae na may kulay asul na buhok at mata.Ang lalaki ay may kulay brown na mga mata at buhok.Ang may dalang parang latigo ay isang babaeng kulay cream ang kanyang mga mata at buhok.Nalaman ko ang mga pangalan nila.Ang may axe ay si Akira,yung lalaki ay si Ban,at ang isa pang babae ay si Canon.Kinuwento nila sakin ang pagkaparehas ng naransan nila sa nangyari sakin pero nanatili akong tahimik.Ilang mga linggo at di ko sila kinakausap dahil ayokong magtiwala sa kanila.Pero si Akira di niya ako sinukuan.Kinausap niya ako kahit di ko siya kinakausap,di niya nakakalimutan na kasama nila ako,lagi siyang nasa tabi ko at ginagawa ang lahat para pangitiin ako.Isang araw lumabas silang tatlo at sinundan ko sila.Tatakas ako dahil baka sasabihin nila kung nasaan ako at isusumbong sa mga tao na buhay ako.Tapos sa huli ipapakain din nila ako sa zombies.Pumunta sila sa Z Academy,tss sabi ko na nga ba tratraydorin din nila ako.Pero napansin kong parang pamilyar ang dinadaanan namin,papunta ito sa likod ng school kung saan ako itinali noon.Nagtago ako sa likod ng isang puno pero may nakita akong taong nakatali rin sa poste kung saan ako itinali noon.Tinatanggal ni Ban ang tali na nakatali sa lalaki habang kinakalaban nila Canon at Akira ang mga zombies.Nakonsensya ako dahil habang nang liligtas sila ng mga kagaya namin,pinagiisipan ko sila ng masama.Hindi pa nga ako nakapagpasalamat sa kanila,lalo na kay Akira na kahit gaano ko siya itinuturing na hangin,itinuturing niya pa rin ako bilang isang napakalapit na kaibigan.Papalapit na sana ako para tumulong noong nakita kong may zombie sa likod ni Akira at akmang kakalmutin nito ang likod niya mabilis akong tumakbo ngunit parang huli na ang lahat pero buti at naagapan ito ni Ban.Nakaalalay sa lalaking sinagip nila Akira at si Canon kaya nailigtas ni Ban si Akira.Ilang mga apak lang ang layo ko sa kanila.Noong lumingon sakin si Akira ay biglang lumaki ang mga mata niya,mabilis siyang tumakbo papunta sakin at malakas akong itinulak pagilid.Nagulat ako dahil doon,noong tinignan ko si Akira.Nakasaksak ang mahahabang kuko ng isang zombie sa kaniyang tyan at tumagos pa ito hanggang sa likod niya.Bigla namang nilamon ng asul na apoy ang zombie at naging abo.Napaluhod si Akira at nagsuka ng dugo.Ipinahiga ni Ban sa lap niya ang ulo ni Akira at halata sa mukha ni Ban ang takot at pagaalala.
“Ban,whats with that face huh?”nakangiti paring sabi ni Akira,isang nanghihinang ngiti.

Lumapit ako sa kanila habang naginginig ang aking kamay.

“Diego buti at okay ka.Nasaktan ka ba sa pagkakatulak ko?Sorry ha”nagaalalang sabi ni Akira ngunit halatang nanghihina siya at nasa bingit na ng kamatayan

“BAKIT KA BA NAGAALALA SAKIN IKAW ANG NASAKSAK KASALANAN KO TO SIGE SISIHIN NIYO NA AKO!”halos naiiyak na sigaw ko.

Umiling iling naman si Akira

“Kaibigan kita at handa akong isakripisyo ang buhay ko para sa mga kaibigan ko”sabi niya habang nakangiti ng sincere walang halong kasinungalingan o pagpapanggap.

“Uwi na tayo guys”sabi niya at nagsipagtango na lang kami.

Nakatingin lang samin ang lalaking kakasagip lang nila Akira habang akay akay siya ni Canon.Umuwi kami at mabuti naman at nagkusang gumaling ang sugat ni Akira dahil sa asul na apoy na kapangyarihan niya.Tinawag itong eternal fire.Isang apoy na hindi namamatay.Dahil sa nangyari ay nagtiwala na ako sa kanila.Di nagtagal,bumalik ako sa dati at sila na ang tinuring kong bagong pamilya.Ako ang nagpapasaya sa kanila hanggang mas lumaki pa ng lumaki ang aming munting pamilya.Ngayon ito na ang The Sectors na ang pinakapuso ng pamilyang ito ay si Akira o Akame na ngayon ay nasa mahirap na kalagayan.Kaya ito ang oras ko pa makabawi sa kanya sa lahat ng tulong niya sakin.

Awwww how sweet of Dom noh?Sana all.Hope you guys like this chappy!Kaway kaway po kay SuenVenus7  hehehe hi!

Medyo sinisipag,

Author

Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon