Akame’s POVNoong iminulat ko ang mga mata ko isang lalaki ang nakita ko na may hawak na teddy bear
“Marry him already dont worry he’s going to love you,gonna control people you hate just so you will be just his queen.This is not an act.”sabi ni Gemini at binigay sakin si Azul.
Niyakap ko ito at natandaan ko ang taong pinanggalingan nito.
Flashback
Naghahanap kami ngayon ni Ban ng mga bagay na may tungkol sa kapangyarihan namin.Ngunit naabutan kami ng ulan.Nasa gubat kami ngayon kaya wala kaming mapagsilungan.Kaya magdamag kaming nabasa ng ulan at kinabukasan nilalagnat na ako kaya kahit pagod at nilalamig si Ben ay binitbit niya ako habang hinahanap ang daan papauwi.
“Hang on Aki”sabi niya sakin.
Inabot na kami ng gabi pero nasa gubat parin kami mukhang naliligaw na kami.
Bang!
Malakas na tunog na baril ang narinig ko at muntik nang madapa si Ben.Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit iika ika na siya maglakad
“Nandito!May zombie dito!”sigaw ng isang lalaki.Lumingon si Ben sa likod niya at nagsimula nang tumakbo.Natuwa naman kami nang may nakita kaming kweba pumasok si Ben doon at binaba na niya ako.Nakarinig kami ng mga kaluskos at papalapit iyon papalapit samin.Napayakap na lang ako kay Ben at naiyak dahil sa sugat niya sa may tuhoddahil iyon ang natamaan ng baril kanina.
“Shhh magiging okay lang tayo Aki”nakangiting sabi ni Ben kahit tinitiis ang sakit.
Nagulat na lang kami nang may pumasok na babae sa kweba at hinila kami papunta sa isang malaking bato sa sulok ng kweba kung nasaan kami.Sinenyasan niya kami na magtago sa likod ng bato at sinunod naman namin siya.Narinig namin ang kaluskos at mga boses ng nga kalalakihan
“Pare masyadong mabilis ang zombie na iyon ah”sabi ng lalaki sa kasama niya
“Oo nga”pagsasangayon ng isa
“Doon tayo baka nandoon yun”sabi ng isa at narinig namin ang mabilis na yabag ng mga paa papalayo kung nasan kami.
“Halika iho,iha sumama kayo sakin delikado kayo dito”sabi niya samin kahit hindi namin siya kilala ay sumama kami sa kanya pero hindi pa ako nakakahakbang noong nagdilim ang paningin ko.
“Naku mataas ang lagnat niya iho”sabi ng isang boses ng babae at naramdaman kong may kamay sa noo ko.
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sakin ang isang babaeng mga 30 years old na may blond na buhok at kulay brown na mga mata.
“Gising ka na pala iha.Ito uminom ka muna ng gamot masyadong mataas ang lagnat mo”sabi sakin ng babae at binigyan ako ng gamot.
Ininom ko naman iyon at ningitian siya
“Salamat po sa pagtulong po samin”pagpapasalamat ko sa kanya“Walang anuman iyon ako pala si Naomi Nagisa.Ikaw si Akira Shioto di ba?At ang lalaki ay si Ban Daiki kayong dalawa ay ang mga pinakaunang mga isininacrifice nila.”sabi niya samin.
“Paano niyo po nalaman?”tanong ko sa kaniya
“Isa ako sa mga tumutol sa pagsasacrifice ngunit di sila nakinig sakin.Pinalayas nila ako sa academy at pinalabas nilang namatay na ako.Isa ako sa mga doctor na nakadiskubre sa mga pagkaespesyal niyo at alam kong kayo ang magiging dahilan ng pagkaligtas ng buong city na ito.Itong librong ito ay tungkol sa mga kapangyarihan ninyo.Alam kong ito ang dahilan kung bakit kayo pumunta sa kagubatan di ba?Para makahanap ng impormasyon tungkol sa mga kapangyarihan niyo?”tanong niya samin.
Tumango na lang kami bilang sagot.Binigay niya samin ang libro at sinimulan naming basahin.Marami kaming natutunan at naging mabait samin si Doc Naomi.Siya ang naging nanay namin.Noong pumasok ako sa kwarto niya ay punong puno ito ng mga stufftoys.Ngunit may isang stufftoy ang pumukaw ng aking pansin.Kinuha ko ito at niyakap
“Hahah collection ko ang lahat ng ito.Oh!Mukhang nagustuhan mo yan ah sige sayo na yan”sabi niya habang nakangiti ng malawak
“Talaga po?”tanong ko habang nagniningning ang aking mga mata
“Oo naman marami pa naman akong stufftoys eh hahah”sabi niya at niyakap ako habang hinahaplos haplos ang buhok ko.
Boom!
Isang napakalakas na pagsabog ang narinig namin.Nagmamadali kaming lumabas at nadatnan namin si Ben na papunta samin
“May mga pumasok dito sa kuta mo Doc mga nasa 20 sila”sabi ni Ben
“Hindi!Ang mga info tungkol sa inyo!”natatarantang sabi niya at tumakbo
“Umalis na kayo!Susunod ako!”dagdag niya pa bago siya tuluyang naglaho sa paningin namin.
Nakalabas na kami nang malakas na sumabog ang buong kuta ni Doc Naomi.Napaiyak na lang ako sa aking nakita wala na siya wala na ang itinuring kong ina.Kahit saglit lang kami nagsama ay napalapit na siya sakin ng husto.Yakap yakap ko parin ang teddy bear na binigay niya
“Delikado kung mananatili pa tayo dito Aki halika na”sabi ni Ben at umalis na kami sa lugar na iyon.
Pagkabalik namin sa bahay ay nalaman namin na nahanap na ng mga pulis ang mga kaibigan namin.Nagulat na lang kami ng biglang bumukas ang pinto at kinuha kami ng mga pulis.Hindi nila kami nakilala kaya nagpalit kami ng mga pangalan upang maging ligtas kami.Ginamit ko ang apilyedo ni Doc Naomi upang mapanatiling buhay ang alaala niya.
End of flashback
I miss you Doc Naomi.Ipaghihiganti kita Doc pangako yan
And that is the story nehind bakit po napakahalaga kay Akame si Azul.Sana buhay pa si Doc Naomi noh????Meron pa kayang nasa 30 years old na mahilig parin sa teddy bears??????
Nagiisip,
Author
BINABASA MO ANG
Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie Apocalypse
RandomAkira Shioto ay isang student ng isang academy na nakatayo parin inspite na may zombie apocalypse.Sa sobrang pagkadesperado ng mga tao para lang makasurvive.Isinacrifice nila si Akira na di nila alam ay may kakaibang kapangyarihan na siyang makakali...