Akame's POVFlashback
"Ang tanga tanga mo naman Akira!"sabi ng may ari ng bahay na pinagtratrabuhan ko
"Wala nga kasi siyang alam ma"sabi ng anak niya
"Matalino nga sa school pero sa gawaing bahay ang bobo"sabi ng isa pa niyang anak
"Bata bata kasi ang isip may lahi din kasi silang may mental disabilities"sabi ng lola nila
"Anong akala mo gaganda ka pagnakaharap ka sa salamin?"sabi ng lolo nila
"Kahit anong gawin mo di ka gaganda.Panget ka nang ipinanganak kaya tatanda ka rin panget!"sigaw sakin ng mayari ng bahay
"Para kang namamatay gumalaw!"dagdag pa ng babae
"Tamad!"sabi ng inaalagaan ko bata
"Malandi!"dagdag pa niya
"Hindi ka pa kasi mamatay!"sigaw nila sakin
"Iplastic bag niyo na lang at itapon sa bangin!"sabi ng isa pang kamaganak nila.
Broken family kami at isa akong nagiisang anak.Di ako lumaki kasama ang tatay ko.Sa puder ng stepmom ko ako lumaki lagi siyang strikto gusto niya na laging perpekto.Lagi niya akong kinokontrola ni hindi ako makapili ng mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko.Lagi siya ang nasusunod kaya wala akong magawa kundi sundin na lang ang mga kagustuhan niya.Di nagtagal nagmahal ulit ang stepmom ko at pinalayas niya ako.Nagtrabaho ako sa isang mayaman na pamilya pero hindi alam ng kahit sino kung ano ang napagdadaanan ko sa pamamahay na iyon.Sila lagi ang tama at wala akong kakampi.Sila lang na magkakapamilya ang pinakikinggan wala akong karapatan na magexplain kung mageexplain naman ako hindi din sila maniniwala
"Hoy Akira!Bakit nagrereklamo ka na pagod ka na nga sa school tapos magtratrabaho ka pa dito!Eh kaya ka nga nakakapagaral dahil sa amin!Katulong ka lang dito!"sigaw sakin ng mayari ng bahay
"Wala po akong sinabing ganun"pagdedepensa ko sa sarili ko
"So ngayon pinagmumukha mong sinungaling ang nanay ko!?!?!"galit na sigaw niya.
Pak!Pakiramdam ko nagiinit ang magkabilang pisngi ko dahil sabay na sinampal ng amo ko ang pisngi ko.
"Ginawa mo akong sinungaling ha"sigaw niya sakin.
Naiiyak na ako pero alam kong walang tutulong sakin.Ginagawa ko naman ang mga trabaho na dapat kong gawin pero hindi iyon sapat sa kanila gusto nila ako na ang magaako ng lahat ng tratrabahuin sa bahay nila.Ang pagpasok araw araw ang tanging escape ko sa kanila.At ang naging sandalan ko ay si Nicolas.Siya ang pinagsasabihan ko ng problema he always comfort me,makes me smile and wipes the tears from my eyes he was my everything.Pero kahit pinapasaya niya ako kailangan ko paring itago ang totoong nararamdaman ko.I remembered one time noong sinuntok ko ang pader at nainjured ang kamay ko.
"Akin na kamay mo"sabi niya.
Binigay ko naman ang kamay ko at sinimulan niyang hilutin.Tinitiis ko ang sakit at di iyon pinapahalata sa kanya.Nang binigla niya idiniin
"NIC!"sigaw ko.Sobrang sakit at parang naiiyak na ako
"Kala ko manhid ka.Hindi pala,pag walang tao lumalabas ang totoong nararamdaman mo pero pag meron hindi mo pinapakita"sabi niya sakin habang hinihilot ang kamay ko.
Wala akong masabi dahil tama ang sinabi niya.Marami na akong naranasang sakit pero ngayon mas masakit ang nararamdaman ko.Dahil masakit na makita na iba ang gumagawa ng step para mailigtas ako sa impyernong ito
Awwww grabeh din pala nangyari kay Akame noh????Pero sayang at iniwan siya ni Nic noon.
Nalulungkot para kay Akame,
Author
BINABASA MO ANG
Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie Apocalypse
RastgeleAkira Shioto ay isang student ng isang academy na nakatayo parin inspite na may zombie apocalypse.Sa sobrang pagkadesperado ng mga tao para lang makasurvive.Isinacrifice nila si Akira na di nila alam ay may kakaibang kapangyarihan na siyang makakali...