Chapter Z11:Not herself

171 14 1
                                    


Benjamin Omine/Ben’s POV

Ilang araw na simula noong umiyak si Aki.Di ko parin alam ang dahilan dahil di siya makausap ng maayos.Ilang araw na din siyang tulala at makikita ko na lang siya sa may garden umiiyak habang yakap yakap si Asul.Nahahalata rin namin na naging matamlay siya,kakaunti ang kinakain,at pinipilit tumawa at ngumiti.Mas maraming oras na din siyang naglilibot sa buong city simula 6:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga kaya 4 hours lang ang nagiging tulog niya.Ngayon ay pinagmamasdan ko siya mula sa rooftop ng academy,nasa bundok na naman siya magisa at niyayakap si Asul.Maya maya ay humiga siya at tinignan ang langit di nagtagal ay nakatulog na siya.Pinuntahan ko siya at inuwi na sa bahay kahit di naman to pumasok araw araw ay masasagutan niya lahat ng questions sa exam.Top one kaya tong babaeng to napangiti naman ako dahil sa naisip ko.Pinagmasdan ko siya habang natutulog.Nasa kwarto ko siya ngayon dahil ayaw niyang nagpapapasok sa kwarto niya kahit anong mangyari.Di ko namalayang nakatulog ako habang binabantayan siya.Nagising ako at gabi na.Tulog pa rin siya kaya bumaba ako para maghanda ng makakain niya dahil hindi pa siya kumain mula kaninang umaga.Nagluto ako ng chicken curry at naghanda rin ako ng frappuccino para sa kanya dahil mahilig siya sa mga frappe.Naaalala ko tuloy si Van ganito ang ginagawa ko sa kanya pag malungkot siya.Pero wala na siya ngayon,i miss her so much.Pumunta ako sa The Sectors Underground Head Quarters or TSUHQ(tsuk) for short.

“Guys can you hear me?”pagsasalita ko sa mic

“Affirmative”sabi nilang lahat

“We know the situation.Kami na ang bahala sa pagroronda sa sector mo at sa buong city kung kaya ni A kaya rin namin”sabi ni D

“We’ll take care of this”sabi naman ni G

“Ito lang ang magagawa natin para sa lahat ng ginawa ni A para satin”sabi naman ni F

“I agree”pagsasangayon naman ni C

“Simula pa lang marami na siyang nagawa para satin.Nagsakripisyo,Nagtiis,at inintindi niya tayo.Kaya kailangan nandyan tayo para sa kanya.Kaya alagaan mo siya, kami nang bahala dito”sabi ni E

“I will thanks guyz”sabi ko at bumalik na ako sa bahay.

Niligay ko sa tray ang pagkain niya at umakyat na.Pagbukas ko ng pinto ay nakatunganga na naman siya at yakap yakap ng mahigpit si Asul

“Aki kain na”sabi ko habang iniaayos ang pagkain sa may lamesa at tumabi sa kanya.

Napalingon naman siya at ngumiti ng matamlay

“Pwedeng sabayan mo akong kumain?”paos na tanong niya

“Ofcourse why wouldnt i Aki?”sabi ko sabay gulo ng tuktok ng buhok niya.

Napangiti naman siya ng konti dahil dun.Kumain na kami sa may mini dining table sa may balcony ng kwarto ko.Pagkatapos namin kumain ay nanood na siya ng Assassination Classroom sa may tv.Maganda ang anime na yun.Tungkol yun kay Korosensei na isang napakadelikadong nilalang at sinabing papasabugin niya ang Earth next year.Pero pinili niyang turuan ang isang end class ng isang academy.Doon nalaman ng mga estudyante na hindi naman masama si Korosensei.Pero sa huli ay kinailangan nilang patayin ito.Nakakalungkot na story pero maininspire ka rito.Kahit di ngumingiti si Aki ay halata kong masaya siya dahil nakikita ko sa mata niya ang tuwa.Hinugasan ko na ang pinagkainan namin at bumalik sa kwarto.Yakap yakap na naman niya si Asul at mata lang niya ang nakikita.Umupo ako sa tabi niya sa may kama at tinignan ko siya at parang inaantok na naman siya.

“Ben can i sleep here for a few weeks?”parang wala sa sarili niyang tanong

“Um........”wala akong masabi dahil sa sobrang gulat.

Tumingin siya sakin at kitang kita ko lahat ng nararamdaman niya pagkalungkot,sakit at pagiisa.Kaya napatango na lang ako.

“Salamat Ben”sabi niya sabay ngiti ng matamlay.

Isinandal niya sa balikat ko ang ulo niya at di nagtagal ay nakatulog na uli siya.Inayos ko ang pagkakahiga niya at matutulog na sa sofa nang hinawakan niya ang kamay ko.

“Please stay Ben.Stay beside me”sabi niya ng may pagmamakaawa na tono.

Kaya tinabihan ko siya at nagulat ako noong niyakap niya ako.Palihim naman akong napangiti at niyakap siya pabalik.

“Thank you Ben.Thank you so much”huling sabi niya hanggang tuluyan na kaming nakatulog.

Nakakabitter naman tong chappy na ito heheheh kay Lil bro SuenVenus7 sorry po kung napagkamalan po kitang babae.Peace po tayo.Please bear with me pooo

Matutulog na,

Author

Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon