Chapter Z1:Z Academy

1K 35 1
                                    


Hi guys!!!I need your help!!!Kung may kakilala kayong gumagawa ng book cover,paki sabi nga sakin pleaseee!!!Yung anime lover sana at marunong magdrawing ng anime kung pwepwede.Thanks guys!!!

Akira’s Point of view(POV)

“Decades ago every country, city, province and people evolved.It changed for the better but not all. As things changed,greed also grew more and more.Rulers wanted things for their own,for their people and their country.But one day,a virus spread like wild fire in different countries and no one knows where it came from.Half of the population in each country got infected.They became wild,their bloodlust to kill and feed is high,they killed on the spot and they become

zombies.....................

Other people have survived,for these zombies cant walk through daylight.Houses are not enough to protect any human so every hospital,prison,and schools became the home for the uninfected and because of that prisons stopped locking fugitives.Schools stopped teaching except for one......

Z Academy

It started at the same time the virus spread.Thousand of zombies got in before they had total lock down.Now students and the staffs are locked with these zombies.No choice but to hide in the night but this school is hoping that one day the virus will die and be gone.And everything can start again with the professionals that the school had taught and trained”Sabi ng lecturer

BLAG!!!(Padabog na pagbukas ng pintuan)

“Mr.Y-yu-yuan”nauutal na tawag ng lecturer namin sa kakapasok na lalaki sa classroom

Inilibot ng lalaki ang paningin niya sa buong klase at biglang tumigil ito sa akin.Tinignan niya ang folder na dala dala niya at mabilis na binuksan na tila nagbabasa at may hinahanap.Bigla siyang tumigil at tumingin ulit sa akin.

“Take her” malalim at nakakatakot na sabi niya at biglang may dalawang lalaking pumasok sa klase namin at lumapit sa akin,bigla akong kinabahan noong hinawakan nila ako.

“LET ME GO!!!BITAWAN NIYO AKO!!!” nagpupumiglas kong sigaw.Ngunit mabilis nila akong hinila papunta sa pintuan.

“BITAWAN NIYO AKO!!!”nagwawala kong sigaw.Tumingin ako sa mga kaklase ko at sa aking guro para sana ay humingi ng tulong pero lahat sila nakayuko at parang binabalewala nila ang pagsigaw ko.

“Shut her up” walang ka emo-emosyon at walang ganang sinabi ng lalaking kinikilala ng lahat bilang Mr. Yuan.

“Im sorry little missy” sabi ng isa sa mga nakahawak sakin at bigla akong nawalan ng malay.

Argh!Ang sakit ng katawan ko at ang bigat ng bawat parte nito kasama dun ang talukap ng aking mga mata.Unti unti ko itong iminulat at isang nakakatakot na senario ang aking nakita.Gabi na,madilim at malamig ang simoy ng hangin,maraming nagkalat na bangkay sa paligid at nasa isa akong malawak na lupain.Lagpas ito sa gubat sa likod ng school dahil nakikita ko ang academy mula dito.Bakit ako nandito?Anong nangyari?Inisip ko ng mabuti kung ano ang nangyari kanina.Ang pagkakatanda ko ay nakikinig ako sa teacher ko noong may pumasok na lalaki at kinuha nila ako.Oh no,bakit ako?Bakit ako ang isasacrifice nila?Anong nagawa ko?Unti unting tumulo ang luha ko dahil hindi ko matanggap na ako ang napili nilang isacrifice.Usap usapan sa school na may isasacrifice na isang estudyante pero walang may alam kung bakit.Nakaramdam ako ng sakit sa may wrists ko at ngayon ko lang napansin na nakasabit ang dalawa kong kamay sa taas ng isang poste.Malayo ang aking paa sa lupa at maraming zombies na pilit na inaabot ako.Sumigaw ako ng sumigaw alam kong naririnig nila ako ngunit wala nagbabalak na tulong ako.Bakit kailangan ko itong maranasan?Anong nagawa kong mali sa mundo?Iyak ako ng iyak at kitang kita ko ang kagustuhan ng mga zombies na kainin ako.Napatigil ako sa kakaiyak at mas nakaramdam ako ng natakot noong may nagsimula nang umakyat na zombies sa poste kung saan ako nakasabit.Pinilit kong paluwagin ang tali sa kamay ko pero masyado itong mahigpit at dahil doon ay nagkaroon na ng sugat ang wrist ko.

“MAAWA KAYO TULUNGAN NIYO AKO!!!”sigaw ko habang umiiyak nang biglang may humawak sa kanang paa ko na zombie

“TULONG!!!”malakas kong sigaw.Kakagatin na sana nito ang paa ko noong biglang nasunog ang mga zombies.

Nilalamon sila ng kulay asul na apoy na bigla na lang nagpakita.Isa isang nahulog mula sa poste ang mga zombies na umaakyat kanina na ngayon ay nasusunog na.Litong lito na ako at nagtataka kung saan nanggaling ang asul na apoy na sumunog sa mga zombies.Bigla naman akong nagulat  noong may lumitaw na isang axe ng mga vikings sa harap ko at nagliliyab ito sa kulay asul na apoy ngunit hindi ito nasisira.Biglang nasunog ang taling nakatali sa dalawa kong kamay ngunit hindi ako nahulog.Lumulutang ako at naroon parin sa harap ko ang nagliliyab na axe.Parang may nagtutulak sakin na hawakan iyon at noong hinawakan ko ang axe na iyon ay parang pumasok sa katawan ko ang asul na apoy.Masakit at mainit ang nararamdaman ko habang unti unti akong bumaba sa pagkakalutang at paluhod na nakababa.Noong tignan ko sa mala swimming pool na dugo ng zombies ang aking repleksyon ay nagulat ko sa aking nakita.Ang dating maitim na mga mata at buhok ay ngayon ay



kulay asul na.......

“Hey!Akame!Yuhoo!Akame Nagisa to Z Academy!You awake?”tawag sakin ni Maxine bestfriend ko
“Ah....sorry may naisip lang”sagot ko.

Natandaan ko na naman ang nangyari sakin dati

Hi guys!!!!Alam kong may ibang nagbabasa ng author's note at may iba din hindi kasi isa ako sa mga HINDI DIN nagbabasa ng authors notes ng mga ibang stories hehehe.Well back to what im supposed to say.Sorry kung short ang chapters ng story ko hehhe peace.Straight to the plan lang kasi ako heheh kaya peace guys but i hope na magugustuhan niyo story ko thats all see yah guys in the next chaptah hahahah.

Nangungulit,

Author

Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon