Someones POVNakita namin ang lahat.Ililigtas sana namin siya pero naunahan kami.Di ako nagkakamali.Buhay pa siya.Babalik ka sakin Aki.Babalik ka rin sa akin.Sana di kita pinakawalan.Ikaw pala ang matagal ko nang hinahanap para makamit ang aking pangarap.Magiging makapangyarihan ako at tayo ang mamumuno sa mundong ito.
Ben’s POV
Buti at nasalo ko si Aki.Mukhang ito na ang epekto sa kanya ng pagkain niya ng konti.Inuwi ko na siya at nagdoorbell.Binuksan naman ito ni Reya
“Hala anong nangyari kay Ame?”tanong niya na punong puno ng pagaaalala
“Naligaw siya,saka ko lang napansin noong naramdaman kong wala ang aura niya.Hinanap ko at buti nakita ko siya pumasok siya sa isang eskinita at may mga lalaking sumunod sa kanya.Binilisan ko ang pagtakbo at buti di pa siya nahahawakan ng lalaki.Ayun pinagbubog ko.Tss walang pwedeng gumalaw sa prinsesa ko”pagkwekwento ko habang ipinasok si Aki sa bahay at inihiga sa sofa.
Ipinatong ko ang ulo niya sa lap ko at hinaplos haplos ang buhok niya
Blag!!!
Tinumba ni Reya ang couch na malapit sa kanya
“Anong mga itsura reresbakan natin yan!”sabi ni Reya na halatang galit na galit na
Crack!Pagpapatunog ni Dom sa kamao niya
“Dodoblehin natin ang sakit na ginawa ni Ben”napakaseryosong sabi ni Dom
“Kulang times 5 dapat”malamig na sabi ni Gemini habang napakadilim na aura ang bumabalot sa kanya
“Mmmmm”gumalaw si Aki at unti unting iminulat ang mga mata niya
“Alam ko plano niyo”nanghihinang sabi ni Aki
“Wag niyo nang ituloy kawawa naman sila”pagdudugtong niya sa sinabi niya.
Napatango na lang kaming lahat at pinikit na ni Aki ang mga mata niya.Ilang mga minuto ay nakatulog na ulit siya kaya napagpasyahan kong dalhin na siya sa kwarto ko.Pagkahiga ko sa kanya sa kama ay pupunta na sana ako sa sofa noong hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.Hindi ko matanggal kaya no choice kundi tabihan siya.Nagulat naman ako noong niyakap niya ako at nagpatuloy na sa pagtulog.Mukhang hobby na niya ang biglang pagyakap sakin hahahah.Tinitigan ko muna siya ng ilang mga oras hanggang nakatulog na rin ako.Mga madaling araw ay nagising ako dahil mas humigpit ang yakap niya.Yun pala ay nilalamig siya.Kukuha sana ako ng isa pang kumot pero masyadong mahigpit ang yakap niya.Nagisip ako ng solusyon pero wala eh......Pero may bigla akong naalala.
Flashback
“Hala!Ang init mo Ben!May lagnat ka ba ha?”nagaalalang tanong niya habang hinahanawakan ang noo at leeg ko.
Nanood kasi kami ng movie noong magkadikit ang mga braso namin
“Wala akong lagnat ganito talaga ang temperature ko ikaw kaya ang malamig”sabi ko habang iniiwas ang leeg at noo ko sa kanya
“Normal ang temperature ko noh!”sabi niya at hinampas hampas ako
End of flashback
Mainit ako yun ang sabi niya kaya niyakap ko siya at mas siniksik naman niya ang sarili niya sakin.Nakatulog na ulit na kami ng mahimbing.
Nakakgutom magedit ay tss
Nagugutom,
Author

BINABASA MO ANG
Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie Apocalypse
AlteleAkira Shioto ay isang student ng isang academy na nakatayo parin inspite na may zombie apocalypse.Sa sobrang pagkadesperado ng mga tao para lang makasurvive.Isinacrifice nila si Akira na di nila alam ay may kakaibang kapangyarihan na siyang makakali...