Umalis na ako doon at umuwi sa bahay.Nagpalit ako ng damit,kulay ng buhok at mata,kumuha rin ako ng isang travelling backpack at naglagay ng mga damit ko roon uniforms,pangalis at pangbahay.Pumunta ako sa garahe at sumakay sa isang black na motor at pinaharurot ko iyon ng napakabilis.Mabilis parin akong nagpapatakbo ng motor hanggang makarating na ako sa parte ng city na wala na akong masyadong madaanang mga bahay at puro gubat na lang ang meron.Naging paakyat ang daan hanggang sa makarating ako sa isang lugar na tagong tago.Meron isang 2 storey house rito,malaparaiso ang tanawin at makikita mo mula rito ang buong city.Ang bahay ay parang gawa sa kahoy ngunit gawa ito sa semento.Kulay green at brown ang kulay ng kabuuan ng bahay,matataas at malalago ang mga dahon ng puno rito kaya halos natatakpan na nito ang bahay.Pumasok na ako sa loob at bumungad sakin ang isang maganda at sosyal na bahay na maaari mo nang maicompare sa isang mansion.Halos lahat ng kagamitan dito ay mahahalata mong mahal at mataas ang kalidad.Malinis ang buong bahay na para bang may isang dosenang mga tao ang naglilinis rito araw araw.Pero,sa katunayan lang ay matagal nang walang nakatirang tao rito dahil ako lang naman ang nakakaalam ng lugar na ito.Ito ang pinakaunang bahay na nagawa ko gamit ang mga kapangyarihan ko.Oo MGA kapangyarihan ko.Hindi lang ang eternal fire ang kapangyarihan ko dahil marami akong kapangyarihan.Isa na doon ang dahilan kung bakit nanatiling malinis at mukhang bago ang bahay na ito.Ito ay dahil ang lugar na ito ay accidentally,napapalibutan ng isang time barrier.May kapangyarihan akong itigil,pabagalin,at pabilisin ang oras pero di ko pa iyon kontrolado kaya accidentally na nagkaroon ng barrier ang bahay na ito dahil dito ako nagpractice gamitin ang iba ko pang kapangyarihan.Sa tuwing nandito ako magpapatuloy ang oras sa bahay na ito at pagwala ako ay tumitigil.Kaya walang alikabok pagkabalik ko at parang bago ang lahat ng bagay.Ang dahilan naman kung bakit wala pang nakakakita o nakakahanap sa bahay na ito ay dahil ang bundok na kinakatayuan nito ay napapalibutan naman ng isang illusion barrier.Ang buong bundok ay may illusion at maaari kang maligaw rito kaya may pagkadelikado ang lugar na ito.Kaya ginamitan ko ulit ng isang kapangyarihan ko ang bundok na ito para sa kaligtasan ng mga maliligaw dito at iyon ay ang teleportation holes sa mga lugar na delikado.Ang mga teleportation holes ay natatakpan ng illusion kaya pagdumaan sa lugar na iyon ang isang tao ay maibabalik siya sa paanan ng bundok.Ang tanging daan lang papasok at palabas ng bundok ay ang dinaanan ko kaninang daanan.At mga may mabubuting intensyon lang sa bundok at gubat ang tanging makakalabas pasok rito ngunit wala paring makakakita sa bahay ko.Saka lang nila ito makikita pag naramdaman ng mga kapangyarihan ko rito na nangangailangan ng masisilungan ang taong may mabuting intensyon at puso.Ngunit di pa iyon nangyayari at ako pa lang ang nakakalabas pasok sa bundok na ito.Tinawag na nila itong Mystic Mountain sapagkat mala paraiso ito ngunit maraming kababalaghan ang nangyayari.Pumunta na ako sa kwarto ko at humiga hmmmm kamusta na kaya sila.Sana mabasa nila ang letter ko.Humiga na ako at natulog.Hala!Naglayas si Akame!?!?!?Hehehe OA noh???Parang di ko nalaman alam yung nakatype heheheh peaceeeee
Nababaliw na nga,
Author

BINABASA MO ANG
Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie Apocalypse
OverigAkira Shioto ay isang student ng isang academy na nakatayo parin inspite na may zombie apocalypse.Sa sobrang pagkadesperado ng mga tao para lang makasurvive.Isinacrifice nila si Akira na di nila alam ay may kakaibang kapangyarihan na siyang makakali...