Chimineya Suzare/Eya’s POV
Naaawa ako kay Ame pangapat na araw na siyang wala sa sarili kaya pinaabsent muna siya nila Gemini at Ben.Malaki ang utang na loob namin kay Ame.Pero,kahit kailan ay di niya pinaramdam na kailangan naming suklian iyon dahil ramdam namin na buong puso niya kaming tinutulungan,inaalagaan,iniintindi,at pinoprotektahan.Pamilya na ang turing niya saamin,lagi niya kaming pinapasaya at lagi siyang nandyan para samin pag kailangan namin siya.Katulad noong nalaman nila ang nagpagdaan ko noon bago ako isinacrifice.Napagexperimentuhan ako,may mga kagaya rin ako at ang kailangan naming gawin ay ang patayin ang isat isa.Flashback
Kinakalaban ko ngayon ang isa sa mga kaibigan ko simula noong dinali kami dito.Kami na ang magkakampi simula noon pero ngayon kailangan naming patayin ang isat isa.
“Dieeeeeeee”sigaw ni Yssa habang pasugod sakin.
Iniwasan ko lahat ng atake niya at hinawakan ang braso niya,pinilipit at ipinunta sa likod niya.Sinipa ko ang likod ng niya ng sobrang lakas habang malakas ring hinila ang braso niya kaya ang resulta ay natanggal ang braso niya.Sinakal ko siya at dinukot ang puso niya.Hinila ko ito at binitawan ko na si Yssa na ngayon ay naliligo na sa sarili niyang dugo.Hawak hawak ko ang puso ng aking kaibigan at pumunta na ako sa lalaking nagexperimento samin at inilagay sa isang plastic ang puso ni Yssa
“Magaling Canon,magaling.Maaari ka nang magpahinga.Malapit ka nang maging isang ganap na pinakamalakas na nilalang sa mundong ito”sabi ni Master N.
Nagpahinga na ako pagkatapos noon habang tinitignan ng mga scientist ang kalagayan ko.Kinabukasan pumasok ako sa Academy.Maraming mga nakaharang na estudyante sa harap ko.Nakayuko lang ako at iniintay na makadaan ako.May lalaking lumingon sa akin at noong nakita ako ay nanlaki ang mata niya at nagbow sakin
“Huy guys dadaan ang Academy saint tabiiiiiii”sigaw niya sa iba
“Hala oo nga bilis tabi!”sabi ng katabi niya.
Nagbigay sila ng daan para sakin kay nakayuko akong naglakad
“Ang ganda talaga niya.Ang sobrang inosente pa.Karapat dapat talaga siyang tawagin na Academy saint para siyang nabubuhay na santo galing sa langit”sabi ng isa pang lalaki habang parang nagniningning ang mga mata niya.
Nakayuko lang ako habang naglalakad.Tinatawag nila akong Academy saint dahil mabait daw ako,mahinhin at matulungin.Pero di nila alam ang nararanasan ko araw araw.Kung gaano kadumi ang aking mga kamay.Kung ilang mga buhay ang nakuha ng mga maliliit kong kamay.Walang nakikipagkaibigan sakin dahil nahihiya silang lapitan ang isang tulad kong parang isang santo.Kung alam lang nila.
“Hala!Yung buhok ni Canon nagiiba!”sigaw ng isang babae
“Freak!!!!”sigaw naman ng isa.
Di nagtagal ay nagsidatingan ang mga faculty at staff.Sobra akong natakot noong nilapitan nila ako at dinakip.Kinagabihan isinacrifice nila ako pero dumating sila Ame at Ben at iniligtas nila ako.Tinanggap nila ako kahit ano pa ang nakaraan ko.Mabuting tao si Ame at di niya deserve ang masaktan ng sobra sobra
Hey guys hope yah like it
Nawawalan ng gana,
Author
BINABASA MO ANG
Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie Apocalypse
RandomAkira Shioto ay isang student ng isang academy na nakatayo parin inspite na may zombie apocalypse.Sa sobrang pagkadesperado ng mga tao para lang makasurvive.Isinacrifice nila si Akira na di nila alam ay may kakaibang kapangyarihan na siyang makakali...