Chapter Z33:Photo Album

74 6 0
                                    


Akame’s POV

Naging mahaba ang tulog ko kahapon pero nagising ako ng mga 7:30 pm dahil nagronda pa ako.Ngayon ay naglilinis ako sa sala.Plano ko kasing mag general cleaning kaya ito ako ngayon linis here,linis there and linis linis everywhere.Noong natapos na ako sa lahat ng parte ng bahay at pati narin sa garden at backyard,pumunta naman ako sa kwarto ko dahil iyon ang di ko pa nalilinisan.Pumunta ako sa bookshelf at tinanggal lahat ng libro doon nang may isang makapal na libro ang nakakuha ng atensyon ko.Nababalutan ito ng napaka kapal na alikabok kaya di mabasa kung ano ang title ng libro.Haysss ito kasing bookshelf ang halos mapabayaan ko kaya maalikabok na ito.Kinuha ko ang pamunas at pinunasan ang libro nang magulat ako kung ano ang nakasulat.

My New Family

Yun ang title ng libro..........hindi ito basta bastang libro dahil isa itong photo album na magkakasama kaming lahat ng The Sectors.At hindi nga ako nagkakamali pero sa unang page ay may nakasulat na

Members

Sa sumunod na page ay naroon ang solo pic ko na half body lang at nakasulat ang mga tungkol sakin bilang normal na tao ganun din sa mga iba na silang nasa sumusunod na pages.Pagkatapos noon ay mga picture namin na magkakasama sa harap ng bahay namin.Habang pinagmamasdan ko ang litrato ay napangiti ako dahil mukha kaming mga normal lang na magkakaibigan.Sa dulo sa may left side ay nandoon si Freya na nakacross arms na mukhang naiinis at nakatalikod mula kay Dom na nasa kanan niya at nangaasar na nakangiti kay Freya.Katabi naman ni Dom si Ed na nakapatong ang kamay sa may tuktok ng ulo ko at nakasuot ng earphone at ang isang pares nito ay nasa akin habang naka peace sign ang dalawa kong kamay at nakangiti ako ng malawak.Sa kanan ko naman ay nakaakbay sakin si Ben habang tinititigan ako at nakangiti ng malawak.Sa right side naman niya ay si Gemini na seryoso lang na nakatingin sa camera habang sa right naman niya ay si Chimineya na mukhang nahihiya.Si Dom at Freya ang pinakamatanda samin they’re 17 years old pero mas matanda ng isang month si Dom.Sumunod naman ay si Ed na 16 years old na.Si Gemini at Chimineya ay magkabirthday at 16 years old din sila mas matanda ng 3 months si Ed sa kanila.Mas bata naman ng dalawang months si Ben kay Gemini at Chimineya.At lastly ako ang pinakabata 16 years old din ako pero mas matanda ng one and a half month sakin si Ben.We looked like normal people just enjoying the time with their friends.Marami pa akong nakitang picture pero may nakita akong picture na nagpangiti na naman sakin.Nasa isang restaurant kami nito noong di pa kami nahanap ng mga pulis.Mga medyo magmamadaling araw na noon kaya walang masyadong tao.Masaya kaming kumakain noon nang may nagpicture samin dahil natuwa sila sa panonood saming kumain.Si Freya kasi ay inaabot yung fried chicken niya na kinuha ni Dom.Si Gemini naman ay inaalok si Chimineya ng french fries niya at mukhang nahihiya namang kumuha si Chimineya.At si Ben at Ed naman ay inaalok ako ng plato na may kanin,fried chicken,spaghetti,peach mango pie at ice cream dahil bitin yung kinain ko noong time na yun hahaha.Kung nagtataka kayo kung paano namin nakuha ang picture na to ay dahil sabay sabay din kaming lumingon na mukhang nagulat noong pangalawaang beses na pinicturan kami.Meron din yung picture na iyon dito sa photo album.Kinausap namin ang matanda oo matanda kasama ang asawa niya kung pwedeng kuhanin ang picture namin at pumayag naman sila.Humingi din naman ng tawad ang magasawa dahil sa walang pahintulot nilang pagpipicture samin pero ok lang naman samin yun.Marami na akong makitang pictures namin pero nung dumating ako sa kalahati ng photo album may iba na namang title

The Sectors

At kagaya ng kanina,sa susunod na page nun ay may nakasulat na members.Then sa mga susunod na page ay full body picture ng bawat isa at sa baba ay mga info tungkol samin bilang the sectors.Inilipat ko ang page nang makita ko ang isang picture.Lahat kami ay naka pang the sectors at nasa itaas kami ng rooftop ng school at seryosong nakatingin sa baba kung nasan ang camera.Simula sa kanan ay si Ben then si Chimeya sa left niya sumunod si Dom then ako sa kanan ko si Ed then Freya at si Gemini ang nasa dulo.Ang huling picture na nakakuha ng atensyon ko ay meron isang zombie sa harap ng camera habang kami ay parang nabigla at akmang susugurin ang zombie hahaha natatandaan ko ito.Plano sana naming magpicture nang may biglang sumulpot na zombie sa harap ng camera sa gulat namin ay susugurin namin ang zombie sakto namang nagflash ang camera.Dahil sa gulat ko sa zombie at sa flash ay nabato ko ang axe ko at napugutan ng ulo ang zombie ang problema nga lang ay pati yung camera natamaan ng axe ko kaya nasira.Pero buti na lang at hindi nasira yung memory card kaya nakuha namin ang picture.Hahahah i miss them already pero kailangan ko munang magpalamig.Ill be back guys.

Hehehe sorry ha sa mga hindi makaintindi ng pagdidiscribe ko ahhh.Mahina po kasi akong magexplain ng mga imagination ko po kasi ehh heheh peace po tayo dyan mga readers.

Peace be with you,

Author

Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon