Chapter Z4:Childishness

408 13 5
                                    

Tango lang ako ng tango sa kanya dahil alam ko na ang buong kuwento kahit ang mga kuwentong di alam ni Maxine tungkol sa The Sector’s.

“Paano mo naman yun nalaman Maxi???”painosente kong tanong habang nakapatong ang baba ko sa medium size na teddy bear na nakapatong  sa lamesa ko at yakap yakap ko.

“Kasi ako yung babaeng nadapa”taas noo paring sabi niya kahit siya yung babaeng nadapa sa kuwento niya kanina

“Clumsy Maxi!Hihihihi”cute kong tawa sabay turo sa kanya

“Atleast nakita ko ang The Sector’s!”proud na proud na sabi niya habang nakatayo at nakaturo sa taas ang pointing finger ng kanang kamay niya

Nagsitinginan sa kanya ang mga classmates namin kaya nahiya siya at umupo habang nakayuko.

“1,2,3!!!”mahinang cute kong pagbibilang.Biglang tumingin sakin si Maxine at nagsimulang magkwento ulit tungkol sa The Sector’s.Sabi ko na nga ba eh....mahihiya ng 3 seconds pero biglang magdadaldal ulit.

“Oo nga pala Ame!Di ko pa nadescribe ang The Sectors.Simulan natin kay Sector B siya ay ang pinakamabait at friendly na lalaki.Kulay brown ang buhok at mata niya.Matipuno at maginoo.For short Binatang Pilipino yeah!!!”sigaw ni Maxine habang nakaturo na naman ang right hand pointing finger niya sa taas.Medyo natawa naman ako sa ginawa niya.

“Si C naman ay mala angel naman,masasabi mong nasa kanya na ang lahat.Kulay cream ang mata at buhok niya.At isa siyang dalagang pilipina yeahhhh!”sabay pose na parang nagdadalagang pilipina challenge.Napailing iling ako sa inaasta niya habang natatawa.

“Si D ang energetic,napakulit,at parang bata sa The Sectors kulay Dark Magenta ang kulay ng mata at buhok nun.Si E naman ay English Vermillion ang kulay ng eyes at hair niya.Sa The Sectors siya ang pinakamahilig sa music.Halata naman kasi lagi siyang nagpapamusic sa tuwing nakikita ng mga tao kahit pagpumapatay siya ng zombies.Si F naman ay bitchy ang attitude niya.Kulay Forest green ang mga mata at buhok niya.Si G naman ang tipid magsalita,cold pero mabait!Ang buhok at mata niya ay kulay grey naman.At ang huli....tentenenen!!!!!”pahuling sabi niya habang tinatanmbol ang mesa ng upuan niya

“Si A!!!!!Ang leader ng The Sectors siya ang pinaghalong mabait,cold,medyo bitchy,konting pagkadalagang pilipina,energetic PAGpumapatay lang ng zombies at mahilig din sa music lalo na pagpumapatay ng zombies.Ang kulay ng mata at buhok niya ay Azure parang pinsan ng kulay blue.”punong puno ng paghanga na sabi ni Maxine tungkol kay Sector A.Napangiti naman ako dahil doon.

Kringgggggg!!!!(tunog ng bell)

“Recess na!!!!”sabi ni Maxine habang nagaayos ng gamit niya.

“Ame di muna ako makakasabay sayo ha?May pupuntahan pa kasi ako saglit.Mauna ka na sa cafeteria, susunod ako okay?”sabi sakin ni Maxine habang patuloy siyang nagaayos ng gamit niya.

Tumingin siya sakin at tumango na lang ako sa kanya at umalis na siya.Ipinasok ko naman si Asul,yung teddy bear ko,sa loob ng bag ko at binitbit na ito ng lumapit ang class president namin na si Gemini Taurio.

“Akame Nagisa ilibas mo si Asul”cold na sabi niya.

Napayuko ako at bigla akong nalungkot.Dahan dahan kong binuksan ang bag ko at inilabas si Asul.Tinignan ko muna ito bago ibigay kay Gemini ng naiiyak.Ngumiti siya at ginulo ang tuktok ng buhok ko.

Hi guysss ulet hehehheeh sorry kung short lang yung mga chaps.

Humihingi ng paumanhin,

Author

Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon