Ben’s POVFlashback(6 years ago)
Naglalaro kami ngayon sa park ng kambal ko na si Vanessa Daiki.Mas matanda ako ng 3 minutes sa kanya kaya kuya ang tawag niya sakin.
“Kuya habulin mo ako hahah”sabi ni Vanessa natumatakbo na palayo sakin
“Heto na ako Van!”sigaw ko at hinabol na siya.
Ilang mga minuto din kaming naghabulan ng tawagin kami ng mama namin
“Ban!Van!Meryenda muna!”tawag samin ni mama habang may dala siyang tray ng cookies at gatas
“Yehey!Cookies”tuwang tuwang sabi ni Vanessa habang patakbong pumunta kay mama
“Mm ang sarap naman neto Hon”malambing na sabi ni papa kay mama.
“Sobrang sarap po ma”sabay na sabi namin ni Vanessa
“Kayo talaga napakasweet niyo.Group hug nga”sabi ni mama at nagyakapan na kaming lahat.
We were one big happy family pero dumating ang araw ng apocalypse.Nasa sasakyan kami at takot na takot
“Kuya”tawag sakin ni Van habang umiiyak
“Shhh nandito lang ako”sabi ko at niyakap siya.
Biglang may zombie na humarang sa kotse namin kaya naipaliko ni papa ang kotse.Nagpagewang gewang kami hanggang sa bumangga kami sa isang puno.May mga patakbong zombies ang lumalapit samin.Agad agad kaming bumaba at tumakbo ni Van pero si mama at papa ay nakatayo lang at nakaharap sa mga zombies.
“Ma!Pa!”tawag ko sa kanila.
Lumingon lang sila samin at malungkot na ngumiti
“Takbo mga anak takbo!Pipigilan namin sila!Diretsyohin niyo lang ang daan na yan.Bilisan niyo dahil magsasara na ang Z Academy”naiiyak na sabi ni mama
“Sige na Ban umalis na kayo ng kapatid mo”sabi ni papa sakin kaya hinila ko si Van at nagsimula nang tumakbo.
Pero nakita ko kung paano lumaban at patayin ng mga zombies ang magulang namin
“Kuya sila mama!”umiiyak na sigaw ni Van
“Wala na sila Van mas mahalagang makaligtas tayo yun ang kagustuhan nila!”sabi ko kay Van at binitbit na siya para mas mabilis kaming makapunta sa Z Academy.
Di nagtagal ay may natanaw akong napakalaking mga pader na konti na lang ay aabot na sa langit mayroon ring isang gate na may isang libong tao ang pumapasok at papasara na iyon.Mabilis akong tumakbo habang bitbit bitbit si Van pero malapit nang sumara ang gate.Ibinaba ko si Vanessa at hinarap siya
“Tatakbo tayo ng mabilis ha Van”sabi ko sa kanya at tumango naman siya.
Kaya mabilis kaming tumakbo papunta sa gate at medyo nahuhuli sa Van
“Van kaya mo yan!”sabi ko sa kanya.
At tumango naman siya malapit na kami sa gate at konting konti na lang ay sasara na ito
“Teka lang po!”sigaw ko sa mga nagbabantay sa gate.
Napansin naman nila ako at pinatigil ang pagsara
“Bilisan niyo mga bata”sigaw samin ng isa sa kanila.
Nilingon ko si Van at nagulat ako sa nakita ko maraming mga zombies ang tumatakbo papunta saamin.
“Van!Bilis!”sigaw ko at hinila siya patakbo noong makakapasok na sana kami biglang may humila kay Van
“VAAANNN!!!”sigaw ko pero wala na.
Natabunan na siya ng mga zombies.Biglang tumigil ang mundo ko at di ako makagalaw.Hindi!Patay na si Van hindi to totoo.Bumalik na lang ako sa katotohanan noong hinila ako ng isang lalaki.Pinatira ako ng lalaki sa tahanan niya at tinuring na anak.Pero lagi ko paring naaalala ang kambal ko na si Vanessa Daiki.
End of Flashback
Oh my!!!!!May kambal si Ben!?!?!?At akala niya namatay ito!?!?!?Pano kaya nabuhay si Vanessa????Abangan po natin sa susunod na chappyyyyyyy
Hindi daw naeexcite pero medyo lang,
Author

BINABASA MO ANG
Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie Apocalypse
De TodoAkira Shioto ay isang student ng isang academy na nakatayo parin inspite na may zombie apocalypse.Sa sobrang pagkadesperado ng mga tao para lang makasurvive.Isinacrifice nila si Akira na di nila alam ay may kakaibang kapangyarihan na siyang makakali...