Chapter Z22:Feelings

114 9 0
                                    


Pumikit na lang ako at inintay na makaramdam ng sakit pero lumipas ang 10 seconds at di ko naramdaman ang hagdan at sahig na paghuhulugan ko sana

“Open your eyes”sabi ni Ben.

Nung imulat ko ang mga mata ko napansin kong bitbit bitbit niya parin ako at nakatitig siya sakin ng seryoso pero yung mga mata niya parang may ibang sinasabi.

“Hinding hindi kita bibitawan at hahayaang masaktan lang.Kung bibitawan man kita wala kang mararamdamang sakit dahil dahan dahan kitang ilalapag sa lupa kung saan ka magpapatuloy ng wala ako”sabi niya habang punong puno ng emosyon ang kanyang mga mata namalayan ko na lang na nakatayo na ako sa harap niya.

Dahan dahan niya pala akong ibinababa habang sinasabi ang mga sinabi niya kanina.Di ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at hinalikan ko siya sa pisngi.Nung marealize ko ang ginawa ko dali dali akong tumakbo sa dining room.

“Goodmorning”mahinhing sabi ko pagkarating at nagbow.

Napansin kong tahimik at parang walang gana silang kumakain kanina bago ako bumati sa kanila pero bigla rin iyon nagliwanag at nagbago noong bumati na ako.

“Goodmorning Ame!”sabay sabay at napakasigla nilang bati sakin at doon na nagsimula ang ingay.

Ang normal na ingay sa tuwing makakasama kaming lahat.Nagkwentuhan na kami,nagkulitan,nagasaran,at kumain ng kumain.Saturday kasi ngayon kaya bonding bonding lang pag may time.Umalis na yung lima at may sari sariling pinuntahan.Si Dom ay pinilit ni Reya na isama sa mall.Si Gemini pumunta sa school at may inasikaso,sumama naman si Eya sa kanya para tumulong.At si Ed naman ay may pinuntahang concert.Kaya kami lang ni Ben ang naiwan sa bahay

“What is that kiss for hmmmm?”pabulong na sinabi ni Ben sa tenga ko.

Kinilabutan ako dun at halos tumayo lahat ng balahibo ko dahil naramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko.Hindi ko siya hinarap at nagkunwaring naghuhugas ng kamay.Bigla na lang niya akong iniharap sa kanya at kinulong gamit ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

“Answer me”sabi niya sa may tenga ko tapos inilayo na niya ang mukha niya sakin pero nakakulong parin ako sa dalawang kamay niya na nasa magkabilang gilid ko.

Napalunok ako ng maraming beses.

“Um............ahh.....ano.....kasi......”di mapakaling sabi ko habang di makatingin sa mga mata niya.

“Hmmmm whats that???”sabi niya habang papalapit ng papalapit ang mukha niya sakin

Dug dug dug dug dug

Napapikit na lang ako nang biglang maramdaman ko na lumapat sa noo ko ang labi niya.

“I respect you and everything that you do im gonna wait for your answer Aki but i want your permission for what im going to do”mahinahon niyang sinabi

“Im not too good at words so may i make you feel what i feel towards you Aki?”alam kong di siya nakakapagspeak up sa mga nararamdaman niya kaya sa mga kilos niya lang iyon naipaparamdam.

Tumango na lang ako and before i knew it,his lips are pressed on mine pinulupot niya ang kamay niya sa may bewang ko  at hinila pa ako papalapit sa kanya pakiramdam ko habang yakap yakap niya ako ligtas ako.Puno ng pagiingat at pagmamahal ang bawat paghalik niya sakin parang hinihigop niya ang lakas ko unti unti akong pumipikit hanggang sa sobrang bigat na ng pakiramdam ko at anumang oras ay makakatulog na ako sa bisig niya habang patuloy niya akong hinahalikan.Noong tinapos na niya ang halik ay halos di ko na maimulat ang mga mata ko.

“I want to sleep Ben”i said.

Mukhang nahalata niya iyon kaya binuhat na niya ako papunta sa kwarto niya at inilapag ng dahan dahan sa kama.Humiga na rin siya at niyakap ako,kaya niyakap ko rin siya.

“I love you too Ben”yun ang tugon ko sa pinaramdam niya sakin kanina.

Nakita kong ngumiti siya ng malawak bago ako tuluyang nakatulog.

Hindi po ako magaling sa sweet moments kaya po bear with me guys heheheh thankieee parin po sa dalawang nakabasa hanggang sa dulo ng story ko po.Kung pwede po lang ay ipraprivate message ko po sila para magpasalamat.

Nakangiti parin,

Author

Z Academy:The Last Academy Standing During The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon