Chapter 9: annulment

11 0 0
                                    

Tam's Pov

Nandito ako ngayon sa isang restaurant kasama si Russ. Isang Oras na kaming nandito at naguusap tungkol sa girlfriend slash ex Niya na pala na si Callie.

Okay, aaminin ko dahil sa nalaman Kong dahilan Niya ay medyo nabawasan ang pagkairita ko sa lalaking Ito. Sino nga ba Naman Ang gustong madiktahan Ang lovelife diba? Sino ba Naman Ang gustong maikasal at matali sa babaeng Hindi Niya kailanman minahal. Poor girl, naiinis talaga ako sa babaeng Yun pero naawa ako bigla sa nalaman ko. Nagmahal Lang Naman kase siya and ginawa Niya lahat pero sa huli, talo parin siya. May mga bagay talaga na kahit sobrang binigay mo na lahat, nagpakatanga at binaba mo na pati sarili mong dignidad Hindi parin kayang suklian sa Kung anong deserve mo.  Sh*t that love!

Maya Maya pa ay tapos na kami magusap and tapos na din kaming kumain Kaya Naman nagdecide na kaming umalis at pumunta na sa parking lot Kung nasaan Ang sasakyan Niya.

" Ah, Russ thank you sa treat mo and I just wanted to say sorry Kasi pinagosapan Kita Ng masama." - nagsmile ako sakaniya para Makita Niya na I am now fine with him.

" Alam mo Tam, Hindi Naman lahat Ng lalaki manloloko." - after niyang sabihin yon nginitian ko na Lang siya uli para Hindi na kami magtalo. Good mood ako Kaya ayokong makipagtalo kahit na Hindi parin ako agree sa sinabi Niya.

" So, Pano iyan? Are we friends now?." - nakangiti niyang inabot sakin Yung kamay Niya . And should I say na sobrang gwapo Niya kapag nakangiti siya? Oo na, ayaw ko sa mga lalaki pero crush ko siya hihi and ang gwapo Niya kase And mukha siyang mabait. Pero hanggang dun Lang Yun. Mabait din tignan Yung gagong ex ko pero sinaktan at niloko Niya Lang din ako.

Matagal Kong tinitigan Ang kamay Niya na yon at biglang nagcross arms sa harap Niya at tinaasan siya Ng kilay.

" Paano Kung ayaw ko parin maging kaibigan mo?."

Imbis na magtaka siya at magulat sa sinabi ko ay ngumiti siya bigla. Anong trip nito?

" Edi, boyfriend mo na lang?." - nakangiti Niya yang sinabi sakin Kaya naman Ang puso ko? Ayun, nagtatatalon . Nakakainis Lang!

" Ewan ko sayo!." - inirapan ko siya para di Niya mahalatang sobrang nagwawala Ang puso ko at nagiinit na Ang mga mukha ko.

" Hahahaha, just kidding. Ano? Tara hatid na Kita?." - pinagbuksan niya ako Ng pinto SA sasakyan Niya and di na ako nagsalita pa at sumakay na. Tutal mabait naman siya sakin Kaya sige na nga.

Buong byahe nagkukwentuhan Lang kaming dalawa about sa mga bagay bagay and tinanong Niya sakin Kung ano bang meron sa Tula ko. Ang sinabi ko Lang is ginagawa ko Yun para makatulong . Maya Maya pa ay nakarating na Rin kami sa bahay ko and agad Naman akong bumaba at nagpaalam sakaniya pero bago pa man ako makapasok sa loob Ng gate namin ay tinawag Niya ako Mula sa window Ng sasakyan Niya

" What?." - tanong ko sakaniya.

" Goodnight and also seryoso ako nung sinabi ko na gusto Kita maging kaibigan ." - pagkasabi niya non ay ngumiti Lang siya tapos sinara na Ang window Ng sasakyan Niya at umalis na.

And ako? I was left hanging dahil nakakainis napaka paasa Ng ngiti Niya bwiset! Maya Maya pa ay buti Naman naisipan ko na Rin pumasok Ng bahay namin. Paakyat na Sana ako sa kwarto ko Ng bigla akong tawagin Ng mom ko galing kusina. Hindi ko siya nilingon at dire-diretso Lang na umakyat Ng kwarto. Again, ayokong masira Ang Gabi ko Kaya ayaw Kong makipagusap sakaniya.

Ano pa bang gusto nila? Ang pagusapan pa namin Ang bagay na kailanman kahit Alam na Alam ko na , ayaw ko parin marinig. Ayaw ko pain pagusapan kahit halatang halata Naman na dun dun papunta.

Nung isang araw kinausap ako Ng father ko about sa annulment nila Ng mom ko. I saw it coming, swear. But it's still fu*king hurtful to hear it from them directly. Ramdam ko Naman eh, simula Bata ako Alam ko Naman na may Ibang pamilya Ang father ko and Hindi Niya Mahal Ang mommy ko. And Ang mom ko? Imbis na pagtuunan Niya ako Ng panahon, Wala siyang ginawa kundi umalis Ng bansa at magpakasaya sa buhay Niya. Naiintindihan ko naman eh! Masakit maloko Ng Asawa pero Ang kalimutan Ang anak? Isn't that too much for me to bear? Buti NGA ngayon naisipan niyang mapirmi sa bahay na Ito. Kase siyempre, tuluyan na silang maghihiwalay Ng tatay ko. Pero ano pa nga ba? Iiyak pa ba ako? Aawayin ko pa sila? Makikipag-usap pa ba ako? Eh magulang ko Lang Naman sila sa pera! Ni minsan Naman Hindi nila ako binigyan Ng oras at panahon! Puro sarili Lang nila iniisip nila. And sobrang sakit non. May magulang ako pero parang Wala. Palagi nila akong tinatanong how was my day . Noon masaya pa ako na naririnig sakanila Yan dahil akala ko may pakielam sila pero Everytime na hihingi ako Ng oras with them? Kung Hindi dahil sa letcherong business ay sa mga Ibat Iba nilang lakad Ang dahilan nila. Nasaan ako? Wala! Nandito ako sa bahay, para akong walang mga magulang.

Hindi ko na Naman mapigilang umiyak dahil sa mga naisip ko. Sobrang hirap and sobrang sakit Lang sa pakiramdam na Hindi ko mafeel Yung safety sa kamay Ng mga magulang ko. Na Hindi ko maramdaman na secure ako dahil feeling ko di naman nila ako matutulungan kapag may dumating na trahedya sa buhay ko. Wala nga silang Alam sa lahat Ng achievements ko sa school. Ni minsan hindi nila naisip pumunta sa school kapag may mga awards ako. Naaalala ko pa na nagmumukha akong kawawa kapag tatawagin sa stage dahil Yaya ko Lang lagi Ang kasama ko. Masakit sobra and I can't take it anymore Kaya I hate them. I just rather not talk to them kesa na makipagusap pa sakanila pero Wala din Naman magandang pupuntahan Ang usapan namin.

And Ang tanga ko pa para paniwalaan na Yung ex ko Ang taong makakakapagpakita sakin Ng totoong pagmamahal pero Hindi din pala. Pare-pareho silang makasarili at manloloko!

I hate them!

THE POETIC LOVE ADDICTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon