Zara's Po'V
NANDITO ako ngayon sa may fountain.Nagpapakain ako ng mga gansa.Gusto ko ngang lumabas eh.Pero bantay sarado ang buong mansiyon.Maraming nakakalat na men in black kaya ito ako ngayon.Nagpapakain ng mga gansa.
Balak ko sanang kausapin si Soyer, pero umalis pala siya.Siguro mamaya makakabalik rin siya.Nag-iisip lang naman ako.Gusto ko nang maka-alala.Parang may nanghihikayat sa akin na maka-alala.Kung ano man yun.Hindi ko alam.
"Ma'am, pinapatawag po kayo ni señorito."
Boses ni manang Fe ang napabalik sa akin.Sinaboy ko muna ang natirang pagkain ng gansa bago humarap kay manang.
"Susunod nalang ako manang."
Tumango naman ang matanda.Mamaya ko na muna siya haharapin.Gusto ko pang mag-isip-isip.Kung tama ba itong magiging desisyon ko.Napabuntong hininga nalang ako.
Tumayo na ako bago pumanhik sa opisina ni Soyer.Nang makarating ako sa harap ng pinto ng kanyang opisina ay napatigil ako.Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya na curious ako.
Curiousity always kills the cat ani ng isip ko.
Sumilip ako ng bahagya upang may makita.Para kasing may kausap si Soyer.
"..... ano pong gagawin namin boss?"
"Simple. Patayin niyo."
"Masusunod po boss."
Agad-agad akong nagtago sa kabilang hallway.Parang nanlamig ang katawan ko.
Patayin?
Ano ka ba talaga Soyer?Sino ka ba talaga?Bakit may pinagsasasabi kang ganyan?Isa ka bang mamamatay tao?
Nang hindi ko na makita ang lalaki kanina ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko.Kumatok muna ako sa pinto bago huminga ng malalim.Hindi ko yata ma take ang narinig ko kanina.
"Come in."
Pinihit ko pabukas ang pintuan.Nang makapasok ako ay lumapit ako sa kanya.Parang slow motion na nag-angat siya ng tingin.Nakasuot siya ngayon ng reading glass and oh boy.Mas lalo lang siyang naging hot.
"Have a sit. Kanina pa kita pinatawag. Nakalimutan ko na ang sasabihin ko. Need anything?"
Napakurap-kurap ako.Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.Tumaas ang sulok ng kanyang labi.Mukhang nakita yata niya ang pagtitig ko sa kanya.Umupo muna ako sa visitors chair niya bago siya kinausap.
"Tulungan mo ako."
Tumakas ang kanyang kilay sa nasabi ko.Nang hindi siya sumagot ay inulit ko.
"Tulungan mo ako."
"Help what?"
Huminga muna ako ng malalim bago sinabi sa kanya.
"Tulungan mo akong makabuo ulit ng magagandang memorya. Baka sa paraang yun, maalala ko na ang lahat-lahat. I want to make a new memory now. A new one. But now, we're together to make my own memory.Baka makatulong ito."
"And if it's not helping?"
"Let's just try. Ayoko nang makulong dito Soyer. Gusto kong makatuklas ng bago. And I have a question for you."
"What."
"Sinong ipapatay mo?"
Halata ang gulat sa mukha ni Soyer, pero agad din itong naglaho.Nag-igting ang kanyang mga panga at nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"It's none of your business."
"Just tell me Soyer. Makikinig ako sayo. Just let me. And if you don't trust me, it's okay. Pero pag-isipan mo iyang mabuti Soyer." tumayo na ako at tumalikod sa kanya.Hindi pa man ako tuluyang nakalabas ay nagsalita siya.
"Pag-iisipan ko."
Thanks God, piping hiling ko.
Tuluyan na akong lumabas sa kanyang opisina at dumeretso na ako sa kuwarto ko.
Nang una palagi akong nawawala dito.Hanggang kalaunan ay nasanay na ako.Isang linggo na akong naglulungga dito.Para akong nasa isang hawla na nakakulong.
And it's De javú.
Parang nangyari na dati.Parang nuon ay nakulong na ako.Nakulong sa isang hawla.
Nang makapasok ako sa aking kuwarto ay agad akong huminga.Siguro dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ako.
BINABASA MO ANG
Black Mafia 1: Soyer Gavilla
FanfictionPinangarap mo bang maging prinsesa? Pinangarap mo bang mabuhay na ikaw ang nasusunod? Kasi ako? HINDI Pinangarap kong maging normal Normal na buhay Normal na pamilya Gusto kong tumuklas ng bago.Ayoko ng makulong sa loob ng palasyo. Kung saam itinuri...