CHAPTER 2

1.5K 55 0
                                    

Zara's Po'V

ANG BILIS ng panahon.Ngayong araw na ako ba-biyahe patungong Germany.Nakasakay ako ngayon sa limousine kasama si Ina at Ama.One week akong mag-i-istay sa palace nila Jerson.Sila Ina naman ay uuwi.

Papunta kami ngayon sa airport, actually malapit na kami.Nag-search nga ako sa google kagabi about prince of Germany, pero haayyy, wala ni isang picture ni Jerson Matterazo ang lumabas.Ang konti lang ng tungkol sa kanya.

"Sweetheart, let's go."

Napaigtad ako sa tumawag sa akin.It was mom.Hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa airport.Ang lalim pala ng iniisip ko.Pagkalabas ko palang sa limousine ay sumalubong sa aking paningin ang napakaraming pulis.Nothing's new.

Lumakad na kami papuntang private plane namin.Katabi ko si Ina sa upuan, si kuya Titan at Max ang magkatabi.Si kuya Jhames at Bently ang magkatabi.Si ama naman ay mag-isa lang habang umiinom ng kape.

Nang umangat na ang eroplano ay sumandal ako sa bintana, habang tinitingnan ang magandang tanawin ng Englatera.Sa sobrang pagod siguro ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

NAGISING AKO nang may yumuyogyog sa akin.I felt something dizzy when I woke up.Sumalubong sa akin ang mukha ni Ina.Mukhang nakarating na kami sa Germany.

"Zara, let's go."

Tumango ako bago tumayo.Pagkalabas namin galing eroplano, sumalubong sa amin ang napakagandang tanawin ng Germany.May nakaparada ding patrol car at motorcycle.Nang may humintong limousine sa aming pagbaba ay inalalayan muna kami bago pumasok sa loob.

Hanggang ngayon tahimik lang ako.Si Ina at ama naman ay pinag-uusapan ang tungkol sa kasal.Na hindi ko naman gusto.

Ilang minuto lang ang binyahe namin papuntang Germany palace.Mas malaki toh sa inaakala ko.Pero mas malaki ang sa amin sa Englatera.

Pagpasok palang namin, ay sinalubong na kami ng heli-helirang mga kasambahay at men in black.Sa gitna ng palace ay namumutawi ang ganda ng pagkalaki-laking chandelier.May grand staircase din kung saan magkasalubong.Naputol lang ang pag-mumuni-muni ko ng may tumawag sa amin.

"Your majesty. The king and queen of Germany is in the living room",

Nang lumakad ang lalaking men in black ay sumunod kami sa kanya.Pagpunta namin sa living room ay agad tumayo ang may edad na lalaki't babae.Ito siguro ang hari't reyna.Pero ang guwapo at ganda parin nila.

"Welcome to our country.Have a seat",

Umupo kami sa mahabang sofa habang kaharap namin sila.Wait....asan na yung pakakasalan ko 'raw'.

"What a warm welcome." bulong ko, pero mukhang narinig yata ni Ina yun.

"Zara, umayos ka nga."

Hindi ko na lang sinagot si Ina dahil tama naman siya.Hay saklap talaga.

"Is this you're beautiful daughter Rodrique? The one who was arrangely married to Jerson." tanong nung lalaki.Shutang iners, hindi man lang magpakilala? O sadyang alam nila ang pangalan at ako lang ang walang alam?

"Yeah. This is Zara. Zara this is king Jacob and Queen Stephanie",

Nakipagkamay at ngumiti ako sa hari't reyna.Ayoko namang maging bastos sa harapan nila.

"Anyway, where is your son?" tanong ni ama.

"Oh, I forgot. Jerson!"

Napalingon kami sa entrance papunta rito sa living room.Doon lumabas ang napakakisig na lalaki.Nakasuot siya ng navy blue na tuxedo.Clean cut ang buhok niya at may ash siyang mga mata.Kulay ash rin ang buhok niya.Perfectly handsome.Pero hindi papasa sa panlasa ko.

"Good morning your majesty." bati niya kay Ina at Ama.Nang mapatingin siya sa akin at ngumiti ay nginitian ko siya.

"Hello beautiful lady. I'm Jerson. Jerson Matterazo."

Eh?

Black Mafia 1: Soyer GavillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon