CHAPTER 11

1.1K 44 1
                                    

Zara's Po'V

NAKARATING NA kami ngayon sa mansion.Parte parin pala iyong gusali na pinuntahan namin kanina sa Isla.Gaano ba kalaki itong Isla?Mukhang bigatin itong si Soyer.Sumisilip na rin ang araw at mas lalo lang guminaw ang paligid.

"Mauna kana sa kusina. Make me some coffee. I will follow you later. Pupunta muna ako sa opisina."

"Okay."

Dumeretso na nga si Soyer sa taas.Ako naman ay dumeretso sa kusina para gumawa ng kape.Naabutan ko lang duon si Maria na naglilinis.Siya yung kasambahay na napagtanungan ko nuon—nang muntik na akong mawala—naglilinis lang siya ng sahig bago bumaling sa akin.

"Goodmorning Señora."

"Goodmorning. Uhmm, wag mo na akong tawaging Señora. I prefer Zara."

"I insist Señora." at tuluyan na siyang umalis.

Napabuntong hininga nalang ako at dumeretso na sa coffee maker.Kung hindi 'maam' ay 'señora' ang tawag nila sa akin.Sinabihan ko naman sila na Zara na lang ang itawag nila sa akin.But they always said 'I insist'.

Inilagay ko na sa baso ang nagawa kong kape.Lumapit muna ako sa Island counter at inilapag ang dalawang baso.Hinubad ko muna ang jacket ko at inilapag sa isang stool.Kumuha ng kape at sumimsim.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom nang biglang sumigaw si Soyer.

"What the fuck!!"

Dali-dali kong inilapag ang baso at lumingon sa pinaggalingan ng boses.Naka v-neck shirt nalang siya ngayon at black slacks.

Oh boy.

Ang guwapo niya.Tumulo yata yung kapeng ininom ko kanina.Napakurap-kurap ako ng pinatalikod niya ako at may sinuri sa braso ko.

"T-teka Soyer. Ano bang ginagawa mo?"

"Ang dami mong sugat. Dahil ito sa paghawak ko kanina sayo noh? Nung nasa abandonadong gusali pa tayo."

Nagtataka kong tiningnan ang braso ko.Napanganga ako sa nakita ko.Ang dami kong sugat, mga bakat ng kuko.Kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo.Yung iba ay natutuyo na.Ngayon ko lang din naramdaman ang hapdi nito.

"Damn. I'm just angry on that time. It's not my intention to hurt you. Damn. Damn. Damn."

Napabaling ako sa kanya nang magmura siya ng sunod-sunod.He look so frustrated and worried.Napailing nalang ako at sinapo ang mukha niya.

"It's okay. It's not your fault. Aksidente lang ang nangyari. As you was saying. Your angry on that time. Wala kang kasalanan. At tiyaka hindi naman masakit."

I smiled genuinely at him.Ngayon ko lang din pala narealize ang ginawa ko.Mas lalo lang tuloy lumakas ang pagtibok ng puso ko.He look at me intently, and drop to my lips.Napalunok siya ng wala sa oras.Bibitaw na sana ako sa pagkakasapo sa mukha niya nang bigla niya akong hinapit sa bewang palapit sa kanya.

Oh my god

Unti-unti siyang lumapit sa akin kaya unti-unti rin akong pumikit.Hahalikan niya ba ako?Ito na ba ang first kiss ko?Nang walang lumapat sa akin na labi ay minulat ko na ang mata ko.Nakataas ang sulok ng kanyang labi bago may pinunasan sa gilid ng labi ko.

Shocks.

Nakakahiya.

"Dito ka lang. Kukuha lang ako ng first aid kit para gamutin iyang sugat mo. Tutal ako naman ang may gawa niyan ay ako nalang ang gagamot."

Tumango nalang ako at tuluyan na siyang umalis.Ilang minuto lang ay bumalik na siya dala-dala ang first aid kit.

"Umupo ka muna."

Sinunod ko ang kanyang sinabi.Umupo nga ako at sinimulan na niyang gamutin ang sugat ko.Titig na titig ako sa kanya habang nag-gagamot siya.Hindi siya ngayon ang nakilala kong Soyer na emotionless.Ngayon ang nasa harapan ko ay ang Soyer na maalalahanin, maalaga at may bahid na......guilty?

"Soyer?"

"Hmm?"

Patuloy parin siya sa ginagawa niya.

"Guilty ka?"

Ngayon ay tumigil na siya sa ginagawa niya.Tumingin muna siya sa akin bago sumagot.

"Yes."

"Bakit? Hindi mo naman yun kasalanan. Wala lang itong sugat ko.Mawawala rin ito."

Huminga muna siya ng malalim bago ibinaba ang bulak, tiyaka siya tumitig sa akin.

"Oo. Guilty ako dahil ginawa ko ito sayo. Pero mas guilty ako dahil ipinasok kita sa mundong ginagalawan ko."

Napabuntong hininga nalang ako.Walang saysay kung pag-aawayan pa namin ito.Mukhang ipapakita ko nalang sa kanya na deserving ako.

Black Mafia 1: Soyer GavillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon