CHAPTER 9

1K 41 0
                                    

Zara's Po'V

NAALIMPUNGATAN ako nang may marinig akong kalabog.Sumilip muna ako sa bintana bago sa orasan na nasa bedside table.

2:00 A.M

Madaling araw na pala.Bumangon na ako sa kama, sa kadahilanang nawala na ang antok ko.Lumabas ako sa kuwarto ko.Balak ko sanang pumunta sa kusina nang may marinig akong nag-uusap.

I don't want to eavesdrop.But curiousity always bother me.Nagtago muna ako sa pader nang may makita akong dalawang lalaki.

Men in black

"Ano daw ba ang balak ni boss?"

"Sabi niya sasama raw siya."

"Lagot yun kay boss. Malaki pa naman atraso nun."

"Oo nga. Hindi yun hahayaan ni boss na mabuhay. Kaya tara na hanggat hindi pa lumalabas si boss sa kaniyang opisina. Baka tayo pa ang hindi masikatan ng araw."

Unti-unting nawala yung boses, kaya sumilip na ako.Papalayo na sila.

Anong balak gawin ni Soyer?May papatayin na naman ba siya?

Sa kadahilanang yun ay dali-dali akong bumalik sa kuwarto.Sumilip sa bintana, at du'on ko nakita ang napakaraming sasakyan.

Saan naman kaya galing ang kalabog kanina?At tiyaka.Bakit ang daming sasakyan?Ano ba ang nangyayari?

Bahala na.Kailangan ko itong masaksihan.Nasa poder mo ako Soyer.Kaya kong anong ginagawa mo.Kailangan kong malaman.

Dali-dali akong lumapit sa walk in closet at kumuha ng jacket.Binilhan na ako ni Soyer ng damit para raw hindi na ako nanghihiram ng damit sa mga kasambahay.

Pagkalabas ko nang kuwarto ay dire-diretso na ako.Wala namang tao sa hallway dahil mamaya pang alas singko gigising ang mga kasambahay.Pag may dumadaan naman na mga men in black ay agad naman akong nagtatago.

Nang makarating ako sa labas ay nagtago muna ako sa mga halaman.Mas marami pa ang mga men in black dito kaysa sa loob ng mansion.

Kailangang hindi ako makita

Luminga-linga muna ako para makahanap ng malapit na sasakyan.Balak kong sumakay sa back compartment.Kailangan ko itong masaksihan.

Nang makahanap na ako ay lumakad na ako ng dahan-dahan habang nakayuko.Mas binilisan ko pa ang paglalakad nang may makita akong lalaking titingin sana sa direksiyon ko.

That was close

Nang makarating ako sa sasakyan ay agad kong binuksan ang back compartment.Luminga-linga muna ako sa paligid, baka merong makakita sa akin.

Nang makita kong papalabas na si Soyer sa mansion ay pumasok na ako sa back compartment at dali-dali itong sinarado.

Nang maramdaman kong gumalaw na ang sasakyan ay huminga muna ako ng malalim.

Mag sampung minuto din ang aming binyahe bago tumigil ang sasakyan.Binuksan ko naman ng kaunti ang back compartment bago sumilip.Nagsilabasan na ang mga 'men in black' pati na rin si Soyer.Hindi ko makita kung saan sila papunta.Kaya hinintay ko munang wala na silang lahat bago ako lumabas.

Walang naiwan dito maliban sa akin.Hindi parin nag-uumaga kaya madilim pa ang paligid.

Sa Isla pa ba ito?O sa labas na nang Isla?

Nilibot ko ang paningin sa paligid.Huminto lang ako sa malaking abandonadong gusali.Parang pang horror movie lang ang peg.

Dali-dali akong pumasok sa nakakatakot na gusali.May limang palapag ito at halos lahat ay sira na.

Abandonado na nga diba

Tss

Pumasok na ako sa loob.At kahit nandito pa ako sa unang palapag ay dinig na dinig ko na ang malakas na kalabog.Mga sigaw na umiinda sa sakit.Mga hataw ng kung anong bagay, at mga tawanan.

Agad kong sinundan ang ingay.Hindi ko na alintana kung madapa man ako.Nangangapa pa ako sa dilim dahil hindi ko makita ang hagdan.Nang makaabot ako sa huling palapag ay mas lumakas ang ingay.Sinundan ko pa ito hanggang sa napunta ako sa nag-iisang kuwarto na may ilaw.

Unti-unti akong humakbang papunta sa pinto.Nakaawang ito ng kaunti kaya dinig na dinig ko pa ang kanilang sigawan.

"Damn you!! Nang dahil sayo namatay ang kapatid ko!! Hindi niya yun sinadya kaya wala kang karapatan na patayin din siya!!"

Dinig na dinig ko ang sigaw ni Soyer.At kasabay nun ay ang malakas na paghampas ng kung ano at ang napakalakas na sigaw.

Kapatid?

Patay?

Nang hindi ko na matiis ay tinulak ko na ang pinto at isinigaw ang pangalan niya.

"Soyer!!"

Black Mafia 1: Soyer GavillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon