CHAPTER 14

1K 50 0
                                    

Zara's Po'V

ISANG BUWAN na ang nakalipas.Tapos na ako sa training.Pasok na ako si big circle na Black Mafia.Nakakalabas na ako ng mansion.At hanggang ngayon wala paring nahahanap si Soyer na puwede niyang pakasalan.

Hello?Nandito ako oh?Ano ako display?Pero hindi naman ako ganyan ka desperadang babae.Gusto ko yung parehas kami ng nararamdaman.Sa case namin ngayon ni Soyer ay mukhang malabo.Palagi siyang labas pasok sa Isla.Nagiging busy na siya.

"Gumala kaya tayo? Matagal-tagal na din akong hindi nakapagbar." ani Sebastian.

Nandito kami ngayon sa training room.Naglalaro si Sebastian ng dart, habang si Rix ay naglalaro ng billiard—serious type siya—habang ako, nakaupo lang sa sofa at umiinom ng wine.Pinapanuod ko lang sila.

"Nah. Pass muna ako.Kakagala ko lang nu'ong nagdaang gabi." tanggi ko.

"Kasi nandito ka lang naman sa Isla. Wala kang ginagawa. Hindi pa naman nagpabigay ng misyon sayo ang Black Mafia Organization. Habang kami ni Sebastian, ngayon lang ang day off. Buti nga nakapag day off pa kami." ani Rix na tumigil na sa paglalaro.

"Kung gusto niyong gumala, edeh gumala kayo. Tss. Wag niyo akong idamay."

"Sumama kana kasi Zara. Malay mo, makahanap ka ng lalaking mamahalin mo dun." binuntunan pa niya iyun ng mahinang tawa.

My ass

Tumayo ako at lumapit sa mini bar.Nagsalin ng wine sa baso.Bago bumalik sa pagkakaupo.

I frowned when I saw Sebastian and Rix doing a 'bato bato pick'.Si Rix ay may hawak na 1.5 mineral bottle.

"Bato-bato pick." they said in unison.

Sebastian got a scissor one, while Rix got a stone.

Nagtatakang pinanuod ko sila.Para silang mga bata.

Lunatics indeed

Napaigtad ako sa gulat ng hampasin ni Rix si Sebastian ng 1.5 mineral bottle.Yung walang takip ang inihampas kaya hindi gaanong masakit.Siguro.

Ginawa nila yun ng ilang ulit.At nang si Sebastian na ang hahampas ay binaliktad niya ang mineral bottle.Kaya yung may takip ang tumama sa ulo ni Rix.

Ow.Ang sakit nun.

Kitang kita ko kung paano namula si Rix.Hindi ko alam kung sa galit ba o sa sakit.Habang si Sebastian naman ay nagpipigil ng tawa.Ako naman ay kagat-kagat ang labi.

Ghad.Ang epic ng mukha ni Rix.

"You brute!! Are you aware that it was so painful!!? You dimwit!! Come back here!!"

At  ayun na nga sila.Naghabulan.Si Sebastian na tatawa-tawa at si Rix na dala ang mineral bottle habang namumula sa galit.Nagpaikot-ikot lng sila sa billiard table.

"Alam mo ba kung gaano ka sakit yun!!?Huh!!?"

"Hahahahaha..... s-sorry. Gusto ko lang naman ma try." Sebastian habang nakahawak sa tiyan at tumatawa.

Nagyon naman ay nasa magkabilang dulo na sila.Si Sebastian na nasa kanang bahagi, at si Rix na nasa kaliwang bahagi.

At dahil siguro sa sobrang galit ay ibinato ng pagkalakas-lakas ni Rix ang mineral bottle kay Sebastian.Pero dahil nakaiwas si Sebastian ay hindi siya natamaan.Sa halip ay ang taong biglang pumasok sa training room.

Soyer

Kitang-kita ko ang pagpikit niya, pamumula at pagtulo ng dugo sa kanyang ilong.

Oh God

Lahat natahimik.Pati si Sebastian na kanina ay nagpagulong-gulong sa sobrang tawa ay natigil.Si Rix naman ay natulos sa kanyang kinatatayuan.Habang ako ay napatayo sa sobrang gulat.

Hinawakan ni Soyer ang dumudugong ilong.Lalapitan ko na sana siya para daluhan nang biglang humugot siya ng baril at itinutok ito kay Rix.

"Soyer!!"

Alam kong sanay na ako na makita si Soyer na pumatay ng tao.Pero iba ito.Naging pamilya ko na si Rix.Ibang usapan na kapag pamilya.

"Are you fvcking insane!!? Alam mo ba kung gaano ka sakit?"

Tinakbo ko ang pagitan namin at hinila siya.Buti naman ay hindi siya nagpumiglas.Dinala ko siya sa second floor ng bahay, sa kanyang opisina.Baka kung mananatili pa kami doon ay mapatay pa niya si Rix.

Pangalawang beses ko na siyang nakitang magalit.At sinasabi ko, talagang nakakatakot siya pag galit.

"Umupo ka diyan.Wag kang gagalaw at gagamutin kita." mariing sabi ko.

Kinuha ko kaagad ang first aid kit at bumalik kay Soyer.Habang ginagamot ko naman siya ay ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit iyon nangyari.

Black Mafia 1: Soyer GavillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon