Zara's Po'V
NGAYON ARAW na namin isasagawa ang plano. Nandito ako ngayon sa Black Tiger's Bar. Dito palaging tumatambay si Jerson. Maaraw man o gabi. Ipinalibot ko ang paningin ko sa loob ng bar. Wala pang gaanong tao kaya madali ko nalang nahanap si Jerson. Nakaupo sa isang couch at kasama yung higad na si Barbara. Totoong kaaway nga.
Agad ko itong nilapitan at nag-angat agad siya ng tingin. Napatayo naman si Jerson habang si Barbara naman ay nagtataka.
"Zara...."
Mangiyak-ngiyak akong lumapit sa kanya saka yumakap.
"Huhuhuhu. Iuwi mo na ako Jerson. Ayoko na dito. Gusto ko nang bumalik sa England. Diba ikakasal pa tayo?"
Accckkkkk
Para akong masusuka sa mga pinagsasasabi ko. Pero kailangan ko itong gawin.
"Shhh... It's okay. Dadalhin na kita at iuuwi. Tama ka. Ikakasal pa tayo." aniya habang hinahaplos ang buhok ko.
Isinubsob ko pa ang mukha ko sa leeg niya. May tumulo talagang luha galing sa mga mata ko. Wooaahhh. Best in actress na yata ako.
Hinila na ako ni Jerson palabas. Nilingon ko naman si Barbara na ngayon ay nanlilisik na sa galit.
Serves you right b1atch.
Pumapasok ako sa loob ng kotse ni Jerson na BMW. Siya naman ay umikot papuntang driver seat.
"Akala namin patay kana. But we're not truthfully believe. Only one body that police recovered on that incident. Kaya hinanap ka namin. Ngayon dito lang pala kita makikita. Ano bang nangyari sayo?"
Huminga muna ako ng malalim bago ikinuwento sa kanya ang lahat. Siyempre yung iba ay kasinungalingan lang. Baka mabuko pa ako. Nang matapos kong ikuwento sa kanya ang lahat ay hinawakan niya ang kamay ko saka pinagsiklop.
Gusto kong bawiin ang kamay ko. Gusto kong magpumiglas ng pisilin niya ito. Acckk. Baka mapatay ako ni Soyer nito. No, scratch that, siya pala ang mapapatay ni Soyer.
Nang makarating kami sa lungsod—tumawid kami gamit ang tulay sa likod ng Isla—ay dumeretso na kami sa airport. Nang makarating duon ay deretso lang kami aa pagpasok. Mukhang private plane ang gagamitin namin.
Nang makapasok kami sa sinasakyang eroplano ay iginiya ako ni Jerson para umupo—magkatabi kami—bago siya nagsalita.
"I'm sure your family will be very happy if they see you."
Ngumiti nalang ako kay Jerson bago isinandal ang katawan sa upuan. Inihilig naman ni Jerson ang ulo ko sa balikat niya.
"Yup. Miss na miss ko narin sila mommy at daddy.Lalo na sila kuya."
Talagang matutuwa ang pamilya ko kapag nakita nila ako. Miss na miss ko narin sila.
Hindi ko namalayan kung ilang oras na akong nakatulog.Basta pag-gising ko ay gabi na. Lumilipad parin ang eroplano. Nang lumingon ako sa tabi ko ay wala na si Jerson.
Tumayo na ako at lumakad sa kabilang bahagi ng eroplano. Balak kong maghanap ng pagkain. Nagugutom na ako. Nang malapit na sana ako sa may cr—balak ko sanang umihi muna bago maghanap ng pagkain—ay may narinig akong boses.
Boses ni Jerson?
Sinundan ko pa ang mahinang boses hanggang sa matagpuan ko ito.
"Oo, dederetso na kami diyan. Hindi na kami pupuntang England", paused "Don't worry, I think Zara is still inlove with me", paused "Yeah, I'm sure of that. Ako na ang bahala."
Lumayo muna ako ng kaunti para hindi ako mapaghalataan. And yucckk. I'm not inlove with you. I didn't know that your a boastful one.
Now you bite the bait.
"Oh, Zara. What are you doing here? Kanina kapa ba dito?" he looks so self-concerned.
"Ah. Hindi, nagyon-ngayon lang ako dito pagkalabas mo. Gusto ko sanang mag cr bago maghanap ng pagkain. Kanina pa kasi ako nagugutom."
"Oh sige. Ihahanap nalang kita ng makakain, bumalik ka nalang duon patapos kana."
Tumango nalang ako kay Jerson bago pumasok sa cr.Pagkatapos ay naghugas muna ako ng kamay bago bumalik sa kinauupuan ko kanina. Hindi pa bumabalik si Jerson kaya tumingin muna ako sa labas ng bintana.
Alam kong kaya niyo ito Soyer. May tiwala ako sa iyo, sa inyo.Alam kong hinding-hindi mo ako bibiguin.
Isinandal ko nalang ang katawan ko sa upuan. Nang dumating si Jerson dala ang pagkain ay kumain nalang ako.
BINABASA MO ANG
Black Mafia 1: Soyer Gavilla
FanfictionPinangarap mo bang maging prinsesa? Pinangarap mo bang mabuhay na ikaw ang nasusunod? Kasi ako? HINDI Pinangarap kong maging normal Normal na buhay Normal na pamilya Gusto kong tumuklas ng bago.Ayoko ng makulong sa loob ng palasyo. Kung saam itinuri...