CHAPTER 6

1.2K 43 0
                                    

5 month's later
Zara's Po'V

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko.Ang bigat ng pakiramdam ko.Feeling ko nakahimlay ako ng ilang taon.Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko para sapuin ang ulo ko.Buti at nagawa ko naman.Nang mamulat ko na nang tuluyan ang mga mata ko, bumungad sa akin ang isang estrangherong silid.

Balak ko na sanang bumangon dahil sa pagpanicked nang may marinig akong baritong boses.

"Rest. It's okay, you're safe and fine. Away from danger."

Napabaling ako sa kaliwang bahagi ng silid.Ang there.....a man wearing a simple denim t-shirt and a khaki short.He is now intently looking at me.Those tantalizing eyes....it's familiar.Ipinilig ko ang ulo ko at nag-iwas ng tingin.Parang nanghihipnotismo ang mga asul niyang mata.

At teka.Asan ako?Bakit ako nandito?Sino siya?At..

Sino ako?Bakit wala akong maalala?

"Nasan ako? Sino ka? Bakit ako nandito? At s-sino a-ako? B-bakit wala akong maalala?Anong nangyayari?"

"You should rest first. If your finally fine. I'll tell you. Ikukuha lang kita ng makakain mo."

WTF?

Marunong naman pala siyang mag tagalog.I smile with that thought.Bumangon na lang ako sa kama at hinintay siya.Napalingon ako sa pinto ng bumukas yun.Agad naman akong umupo ng maayos nang makita kong yung lalaki pala kanina.

Bakit ba kasi ang gwapo niya?Wait...?Gwapo?Totoo namang gwapo siya.Mukha din siyang mabuting tao.Ang cold nga lang niya.Mukha din siyang masungit.Hmmpp!

"Here's your food. Ubusin mo yan lahat. Five months karing tulog kaya siguradong gutom ka na." sabay lapag niya sa tray na dala niya.

Tinanguan ko lang siya bago nagsimulang kumain. Ang emotionless naman niya. Nang lumabas siya ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Bakit kasi nakakahipnotismo ang mata niya kahit wala yung emosyon? Baliw na siguro ako. Siguro mangkukulam siya?Ekk, di naman siguro. Ang gwapo kaya niya.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at tinapos na ang pagkain. Sakto namang may pumasok na babae na sa tansiya ko ay nasa mid 40's. May inilapag siyang paper bag bago bumaling sa akin.

"Mga damit po ito madam. Pinapasabi ni Señor na magbihis ka. Kung maaari pwede kang maglibot-libot dito. Sige po, mauna na ako."

Kahit naguguluhan sa mga pangyayari ay tinanguan ko na lang siya. Bago pa man ako makapag tanong kung sino ako, saan ako ay tuluyan na siyang umalis.

Napabuntong hininga nalang ako. Mamaya ko na siguro tatanungin pag nakita ko na ulit yung gwapong lalaki na mukhang masungit.

Tumayo na lang ako at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako.

Maraming pasikot-sikot dito sa hallway. Kanina pa ako paikot-ikot dito. Maya-maya pay may nakita akong kasambahay. Agad ko itong nilapitan.

"Uhmm. Excuse me."

Agad namang nag-angat ng tingin ang kasambahay. Mukhang mas matanda pa siya sa akin ng apat na taon. Mukha din siyang pinay.

"Ano ho iyon ma'am?"

"Uhmm. Asan ba tayo ngayon, exact place please?"

Tatanungin ko na lang mamaya yung lalaking mukhang masungit. Mukhang marami siyang alam.

"Nandito tayo ngayon sa Isla Gavilla ma'am. Nadito tayo ngayon sa Pilipinas."

Isla Gavilla?Pilipinas?

"Nasan pala yung amo mo? Kilala mo ba yung lalaking mukhang masungit na gwapo? Kailangan ko lang siyang makausap."

"Ah si señorito. Sumunod po kayo sa akin ma'am.."

Agad ko namang sinundan ang kasambahay. Ano ba kasi ang nangyayari. Clueless na ako sa lahat ng bagay. Feeling ko bagong panganak palang ako na sanggol.

"Nandito po siya ma'am."

Boses ng kasambahay ang pumukaw sa akin sa malalim kong pag-iisip. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami.

"Maraming salamat."

"Walang anuman ma'am."

Tuluyan nang umalis ang kasambahay. Huminga muna ako nang malalim bago pinihit pabukas ang pintuan.

Black Mafia 1: Soyer GavillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon