Zara's Po'V
NGAYONG ARAW ang simula ng training ko.Nandito kami ngayon sa open field para mag-ensayo ng pana at baril—mga long range—.Kasama ko ngayon dito si Soyer, Sebastian, at Rix.Mga pinagkakatiwalaang tao niyan ni Soyer, at sila rin ang magtuturo sa akin.
"Unahin muna natin ang baril ma'am Zara. But first, kailangan mo munang matutunan kung paano mag reload ng baril at pag palit ng magazine. Okay?"
Tumango ako kay Sebastian.Nakaupo lang si Soyer at Rix habang pinapanuod kami ni Sebastian na mag-ensayo.Nang matapos na siya sa pagpapaliwanag sa akin ay sinimulan na namin ang pag assemble ng baril.
Sebastian only took a minute to complete the gun.But for me, it took more than an hour to finally complete.Muntik pa akong maipit.
"Pag baguhan, umaabot talaga iyan ng ilang oras. Pero kapag natutunan mo na iyan ng maigi, magagawa mo na lang ito ng ilang minuto o sigundo."
Tumango ako kay Sebastian sabay puwesto ko.Kailangan ko lang tamaan ang papel na tao o kung ano man yun.
"Okay. Straight your arms. Paghiwalayin mo nang kaunti ang paa mo."
Sinunod ko ang mga sinabi ni Sebastian.Nandiyan naman siya para i-guide ako.
"Anong sunod Sebastian?"
Tanong ko habang umaasinta.Napakunot ang noo ko nang walang Sebastian na sumagot.Sa halip ay boses ni Soyer ang narinig ko.
"This."
Kasabay nun ay ang paghawak niya sa kamay ko.
"Gamitin mo muna ang isang mata mo para umasinta. Pagkatapos ay puwede nang dalawa para maka sigurado ka."
Damang-dama ko ang hininga niya sa tainga ko.Nakahawak na din siya ngayon sa magkabilang beywang ko.Parang sinusuportahan ako.Halos hindi na ako makahinga ng maayos sa ginawa niya.Damang-dama ko ang init ng katawan niya.Sobrang lapit niya.Nanginginig na din ang kamay ko.
"Zara?"
"Hmm?"
"Shoot. Now."
Pagkasabi niya nun ay ang pagbaril ko nang sunod-sunod.Hindi naman gaanong kalakas dahil naka headphone ako, pero maririnig mo parin ito.
Natamaan ko ang hugis tao na kung ano man yun.Pero hindi sa gitna, atleast natamaan ko.Mas lalo pa tuloy niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa beywang ko.Mas inilapit pa niya sa akin ang katawan niya.
Holy Shit
Nang may tumikhim ay dali-dali akong lumayo sa kanya.God.Parang kinakapos ako ng hininga.Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.Ito namang si Soyer na loko-loko ay ngumiti lang.
"P-puwedeng break muna? Ka-kailangan ko lang."
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dali-dali na akong pumasok sa loob ng mansion.Dumeretso ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig.Hinubad ko ang jacket ko dahil naiinitan ako.
Ilang baso na ng malamig na tubig ang naubos ko pero wa epek parin.Napaigtad pa ako sa gulat ng may humawak sa beywang ko.Handa na sana akong bigwasan ito nang magsalita ang pangahas na may-ari ng boses na nakapagpapabilis ng tibok ng puso ko.Hindi ko man lang narinig ang yapak niya.
"Bakit ka umalis." bulong niya sa tainga ko.
"Baliw ka ba? Bakit mo yun ginawa? Ayan tuloy hindi ako makapag focus."
Shit
Mas lalo lang tuloy niyang idiniin ang katawan ko sa kanya.
Holy shit.Ano yung bumubukol?Damn.Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano yun.
"Am I make you uncomfortable? Bakit kong si Sebastian ang gumawa nun, makakapag focus ka ba? Hmm....."
Ano bang pinagpuputok ng butchi nitong kay Soyer.Paano napasok si Sebastian sa usapan.Anong connect?May sayad din itong si Soyer eh.
Binaklas ko ang kamay niyang nakahawak sa beywang ko at hinarap siya.
"Ano bang problema mo? Anong connect ni Sebastian?"
"May gusto ka ba kay Sebastian?"
Napahawak nalang ako sa sentido ko.Sumasakit ang ulo ko.His voice is full of.....jealousy?Bakit naman siya magseselos?
Sinalubong ko ang titig niya.At yun siguro ang pagkakamali ko.Halos gahibla nalang ang mga labi namin.Titig na titig siya sa akin bago sa labi ko.Bumuga muna siya ng frustrated na hininga bago nagsalita.
Mint mouth wash
"Fuck. Hindi ko na kayang magtimpi."
Pagkasabi niya nun ay hinalikan na niya ako sa labi.Natulos ako sa kinatatayuan sa sobrang gulat.Ang kaninang dilat kong mata ay unti-unting pumikit.He started moving his lips.It's passionate yet gentle.Nagsimula na ding gumalaw ang labi ko.Napakalambot ng labi niya.Sobrang sarap.
"Owts. Porn."
______________________________________________
A/N:Hehehehe.Bitin muna guys
Enjoy reading guys
💜
BINABASA MO ANG
Black Mafia 1: Soyer Gavilla
FanfictionPinangarap mo bang maging prinsesa? Pinangarap mo bang mabuhay na ikaw ang nasusunod? Kasi ako? HINDI Pinangarap kong maging normal Normal na buhay Normal na pamilya Gusto kong tumuklas ng bago.Ayoko ng makulong sa loob ng palasyo. Kung saam itinuri...