Zara's Po'V
NAGPAGULONG-GULONG lang ako sa kama ko.Hindi ko parin makalimutan iyong nangyari kanina.Nakita pa kami ni Sebastian at Rix na naghahalikan.Shocks.Nakakahiya talaga.
Bumangon nalang ako sa kama at dumeretso sa kusina.Iinom nalang ako ng gatas para makatulog na ako.Nang makarating ako sa kusina ay nagsimula na akong magtimpla ng gatas.Nasa kalagitnaan ako ng paghahalo ng makarinig ako ng yapak.Nilingon ko ito at nakita ko si Sebastian na papasok din sa kusina.
"Oh. Sebastian. Hindi karin ba makatulog?"
Tinitigan lang niya ako ng nanunuri.Agad naman akong umiwas ng tingin dahil naalala ko naman ang halikan namin ni Soyer kanina.
"Alam mo ma'am Zara, nang dahil sayo malaki na ang pinagbago ni Soyer."
Agad akong napatigil sa paghalo ng gatas saka ako bumaling sa kanya.
"Bakit? Anong ibig mong sabihin?"
Huminga muna siya ng malalim at tumigil sa harap ko.Malayo naman ang distansiya namin kaya okay lang.
"Nang dumating ka dito sa mansion, malaki na ang pinagbago ni Soyer. Kung noon palagi siyang walang emosyon. Ngayon naman nag-iiba na. Ngayon ko lang siya nakitang nag-alala, natakot at nangamba. Kung nagtataka ka sa naging reaksiyon namin du'on sa gusali, ay dahil narinig namin siyang humingi ng tawad. After a decade. Nakita na din niya sa wakas ang katapat niya."
Naguguluhang napatitig ako sa kanya.Oo pansin ko ang pagbabago ni Soyer nitong nakaraang araw.Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit nagyon lang?Anong after a decade? Saka anong nahanap na din niya ang katapat niya?
"Anong after a decade ang sinasabi mo?"
"I don't know if I have the rights to tell you this. Pero.......", unti-unti siyang lumapit sa akin, ang seryoso ng mukha niya. "Soyer is now a desolate. Wala na siyang pamilya. Yan lang ang puwede kong sabihin sayo. But if your a smart woman, you'll understand", unti-unti siyang lumayo sa akin at ngumiti. "I have to go. Inaantok na ako." at tuluyan na siyang umalis.
Ulila na si Soyer?
Paano?
Anong nangyari sa pamilya niya?
Parang nadagdagan yata ang mga aalamin ko.Mas naging misteryoso si Soyer.Nawala na talaga yata ang antok ko.Ilang taon na bang ulila si Soyer?
Arrgghhh.Parang punong-puno na ang utak ko sa mga suliranin.Ang dami kong nalalaman.Hindi ko ma take.
Inubos ko nalang ang gatas na ginawa ko.Pagkatapos ay umakyat na ako.Nasa second floor na ako nang may marinig akong nag-uusap.Sinundan ko ito at natagpuan ko nalang sarili ko sa opisina ni Soyer.Nakaawang ang pintuan kaya dinig na dinig ko ang kanilang pag-uusap.
"Attorney, wala na bang ibang paraan?"
"As of now. Wala na talagang ibang paraan. As much as possible, kailangan mo nang makasal. You already twenty-seven. Nasa tamang edad kana. At kapag nakasal kana ay mapapasayo ang lahat ng pamana. And if you not married in this year, lahat ng pamana mo ay mailalagay lahat sa bangko. Hindi mo naman yun gusto diba?"
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila bago ulit nagsalita si Soyer.
"Gagawan ko iyan ng paraan."
Dali-dali akong tumakbo papuntang kuwarto.Hindi ko namalayan na namalisbis na pala ang luha ko.
Kasal?
Mag-aasawa na si Soyer?
Bakit parang pinipiga ang puso ko?Sana hindi nalang ako nakinig sa pag-uusap nila kanina.Maghahanap na ng katuwang sa buhay si Soyer.Paano ako?
Gaga, wala ka namang silbi sa kanya
No..
Kung saan mahal ko na siya?Oo, inaamin ko.Mahal ko na siya.Hindi ko yata kakayaning makita si Soyer na masaya sa iba.Hindi kakayanin ng puso ko kapag nawala siya sa piling ko.
Kahit sa konting panahon.Napamahal na ako sa kanya.Mas gusto ko pang malaman ang tungkol sa buhay niya.
Sana nga lang hindi unrequited ang love ko sa kanya.
Hindi ko talaga kakayanin.
Patuloy lang ako sa paghagulhol, hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Black Mafia 1: Soyer Gavilla
FanfictionPinangarap mo bang maging prinsesa? Pinangarap mo bang mabuhay na ikaw ang nasusunod? Kasi ako? HINDI Pinangarap kong maging normal Normal na buhay Normal na pamilya Gusto kong tumuklas ng bago.Ayoko ng makulong sa loob ng palasyo. Kung saam itinuri...