I recommend you to play the music, for you to be able to feel the scenario.
Prologue
MISTULANG wala nang balak si Asyneth gumising kinabukasan dahil sa ginagawa nito sa kanyang sarili. Wala kasing patid sa pag-inom ng alak ang dalaga sa loob ng bar dahil sa tingin niya ay iyon ang mainam gawin upang mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Another glass of blow job, please," pakiusap niya sa bartender at pakiramdam niya ay parang ayaw na siya nitong bigyan ng alak.
Nakailang baso na ba ako? Isa? Dalawa? Ahh, hindi ko na mabilang.
Simula nang mawala sa buhay niya si Lux ay naging daily routine na niya ang pag-inom ng alak.
Well, ito lang kasi ang paraan niya upang kahit sandali. . . malimutan niya ang kanyang mapait na karanasan sa pag-ibig.
"Ano ba?! Give me another shot of blow job!" singhal niya sa bartender at nagmamadaling inabutan siya nito ng isang shot ng blow job.
Walang pakundangan na ininom niya iyon at ng wala na muling laman ang baso ay muli siyang umorder ng alak.
SAMANTALANG si Xenon naman ay kalalabas lamang galing sa kanyang opisina at dumiretsyo sa isang bar na pinaka-malapit sa building ng kan'yang kompanya.
Pinaluwag muna niya ang kurbatang suot bago siya tuluyang pumasok sa loob niyon.
"Welcome back, Sir," magiliw na pagbati sa kanya ng manager ng bar.
Simula nang mawala sa buhay niya ang kanyang asawa ay palagi na siyang umiinom ng alak. Hanggang sa naging regular costumer na siya roon.
"My spot," sabi niya at iginiya siya nito patungo sa may harapan ng counter.
Kaagad siyang naupo sa bar stool at handa na niyang orderin ang paborito niyang alak ngunit may umagaw sa kan'yang atensyon.
Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa isang petite na babae na nakaupo sa may kabilang dulo ng stool sa harapan ng counter. Wala kasi itong pakundangan sa pag-inom ng alak at hindi siya sanay na makakita ng ganoong klase ng babae.
"Sir, halos magkasabay po kayo ni ma'am naging regular costumer dito." Sabi sa kanya ng manager nang mapansin nito na nakatingin siya sa babae.
"Bakit siya ganyan?"
Nagkibit-balikat ang manager. "Ewan ko po, sir." Nagpaalam na ito sa kanya dahil may iba pa raw itong aasikasuhin.
Hindi niya magawang alisin ang kanyang paningin sa babae na patuloy pa ring umiinom ng alak.
Inalis niya lang ang kanyang paningin dito nang dumako ang paningin nito sa kanya.
"Bacardi 151, please."
"Hindi niyo po imi-mix sa cocktail?" nagtatakang tanong sa kanya ng bartender.
"Nope. I'd love to drink it pure."
"Sige sir, pero gusto ko lang pong sabihin na --- nakakademonyo ang alak na iyan," ani bartender pagkatapos ay iniabot na nito sa kanya ang alak.
Ngisi na lamang ang naging tugon niya rito.
So this is the taste of hell huh? sambit niya sa kan'yang isipan at hindi sinasadya na muli siyang mapatingin sa babae.
Nakatingin din ito sa kanya at hindi na siya nagulat nang bigla itong umalis mula sa kinauupuan upang lumapit ito sa kanya.
"Kanina ka pang tingin nang tingin? Trip mo ako?" taas noo nitong tanong sa kaniya.
Tumaas ang isang sulok ng kan'yang labi. "You ain't my type, bi*ch."
"Masakit 'yang sinabi mo. Pero mas masakit pa rin ang sinabi ng ex ko." Naupo ito sa stool na bakante sa tabi niya.
"Why? What did he say to you?" pag-usisa niya.
"Na hindi niya ako mahal, na mahal niya pa rin ang ex niya."
Mapakla siyang tumawa. Tingnan mo nga naman, akala ko ako lang ang nakakaranas ng ganito. . . meron pa palang iba.
"We are on the same boat," aniya at hindi niya alam kung bakit sinabi niya iyon dito.
Ahh, maybe because of Bacardi.
"Talaga? Ginago ka ng girlfriend mo?"
"Wife. Correction," pagtatama niya saka muling sumimsim ng alak.
"Oh. Sa guwapo mong 'yan? Nagawa ka pang lokohin?" Hindi kumbinsidong tanong nito sa kan'ya.
"She loves her ex."
"Anong pangalan ng ex wife mo?"
"I won't tell you her name." Umiling-iling pa siya.
Sumimangot ang babae. "Why? Curious lang naman ako. And I am pretty sure na hindi ko kilala ang ex wife mo na tumarantado sa iyo. . . ."
"Ayoko," Mariin niyang wika saka muling uminom ng alak.
"Please? Sabihin mo na, Pangalan lang naman, eh," pangungulit nito.
Napahinga siya nang malalim. Mukhang hindi naman siya titigilan ng babae hangga't hindi niya sinasabi ang pangalan ng kanyang ex wife.
"She is, Light. . . Light Russo," aniya at nanlaki ang mga mata ng babae saka walang sabi-sabi'y inagaw ang bote ng alak na hawak niya.
Saka iyon ininom.
"We are really on the same boat."
"W-what do you mean?" Nagsalubong ang kilay niya.
Tumingin ito sa kaniya saka ngumisi. "Ang asawa mo ang kinabaliwan ng boyfriend ko."
Pagak siyang tumawa. "Really? You're really drunk, woman."
"No, I'm not."
"Then, tell me the name of your — "
"Lux Zervoullakos."
Napasabunot siya sa buhok dahil sa kaniyang narinig.
"F*ck," hindi sinasadya na mapatingin siya sa mga mata nito. Nangingilid ang luha nito at hindi niya maiwasan ang malungkot para rito.
Alam niya ang nararamdaman nito dahil ang pinagdadaanan nilang dalawa ay magkapareho.
Pareho silang iniwan dahil hindi sila mahal ng mga taong mahal nila.
Hays.
"H'wag mong sayangin ang luha mo para sa kaniya." Pinahid niya ng dulo ng kanyang daliri ang isang sulok ng mata nito.
"Saan ko dapat sayangin ito? Sa iyo?" sarkastiko nitong tanong.
"If you want." He smirk.
Hinawakan nito ang isa niyang kamay saka naka-aakit na tumingin sa kaniya.
"What if, maghiganti tayo?"
Nagsalubong ang kan'yang mga kilay. "What kind of revenge?"
Ngumisi sa kanya ang babae. "Plok-plok tayo, eight rounds."
Nag-init ang katawan niya sa narinig. Hindi niya alam kung dahil iyon sa alak na ininom niya, o sadyang na-de-demonyo na siya. Walang sabi-sabi'y kinabig niya ang beywang nito saka agad na sinunggaban ng halik ang mapula nitong labi at agad din naman nitong tinugon ang maalab niyang paglamukos sa labi nito.
"I'll make sure that you will cry, in pleasure. . . . " His breath is almost panting.
"Let's see."
When he led her out of the bar, their lips were still touching.
I already tasted the hell, and I wanted to taste the heaven now. . . .
BINABASA MO ANG
Her Indecent Proposal (COMPLETED)
RomanceNAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang...