Dedicated to RodaFabrig thank you for reading my story!
Chapter 15
PABALIKWAS na bumangon sa kama si Asyneth nang marinig niya ang tahol nang aso ng kanyang amo. Tinanghali kasi siya nang gising sa kadahilanang halos buong magdamag niyang kausap ang kanyang ina at anak. Kaya naman ang kilos niya ngayon ay doble ang bilis kaysa karaniwan. Mahirap na, baka talakan pa siya ni Xenon kapag nagising ito na wala pang pagkain.
Kasalukuyang nagpiprito siya ng itlog nang may kumatok mula sa pintuan sa may maindoor. Patakbo siyang lumapit doon upang pagbuksan ang taong kumakatok.
Ngunit dapat pala ay hindi niya na binuksan ang pinto. Dahil ang taong kumakatok doon ay walang iba kundi si Amanda, the see-through bitch.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya kay Amanda at pinagmasdan nito ang hitsura niya mula ulo hanggang paa.
"Where's Xenon low class bitch?" Maarteng tanong rin nito sa kanya at tila nagpanting ang kanyang pandinig.
Inarkuhan niya ito ng kilay. "I don't know." Pagsisinungaling niya pagkatapos ay iniwan niya itong nakatayo sa may pintuan dahil kailangan niyang puntahan ang kanyang niluluto. Mahirap na baka masunog pa.
Ngunit natulos siya sa kanyang kinatatayuan nang makita niya sa kusina na nagluluto ang kanyang amo na hubad-baro at tanging itim na boxer shorts lang ang suot na pang-ibaba. Muntik na siyang himatayin ng dumako ang kanyang paningin sa pagitan ng mga hita nito.
"Asy, yung itlog?" Pukaw nito sa kanya nang maramdaman nito ang kanyang presensya.
"Ha? Malaki yung itlog." Nasabi niya at natampal niya ang kanyang bibig na umaga pa lang ay nagkakasala na. "Ahh, yung itlog na niluto ko, malaki kako." Bawi niya sa una niyang sinabi.
"Maupo ka na lang muna Asy, ako na ang bahala sa break——"
"Gosh X! I thought you were not here?!" Hindi na natapos ni Xenon ang nais sabihin dahil nakapasok na pala sa loob nang bahay ang intrimidang si Amanda.
"Who told you I'm not here?" Kunot-noong tanong ni Xenon kay Amanda at nakagat niya ang kanyang labi ng tumingin sa kanya si Amanda.
Paktay.
"That low class bitch! She told me——"
"Don't you dare call her bitch.. and don't you dare point your fvcking index finger on her." Nangangalit na wika ni Xenon at hindi niya maunawaan kung saan nagmula ang emosyon nitong ganoon.
Gusto mang magbunyi ng kanyang puso sa isipin na may pakialam ito sa kanya ay hindi niya magawa. Baka kasi maling akala na naman siya, eh. Edi, ngalngal na naman ang beauty niya?
"Why all of a sudden you cared for that whore huh? Is she the reason, that's why you doesn't want to have s3x with me huh?!"
Kitang-kita niya kung paano hinilot ni Xenon ang sariling sentido at kung paano lumitid ang ugat sa leeg ni Amanda. Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon niya, walang iba kundi ang binitawang salita ni Amanda na tinanggihan ito ni Xenon na makipagtalik.
Kilala niya ang amo niya, basta may bagong putahe. Titikim kaagad ito. Ngunit paanong nangyari na tinanggihan nito si Amanda na may malaking dibdib at pwet?
"Amanda.. leave my house now." Madiing utos ni Xenon sa babae ngunit nanatili lang ito sa kinatatayuan.
"You want me to leave now because you'll be going to fvck this itchy bitch?!" Gigil na gigil na sabi ni Amanda at humahangos itong lumapit sa kanya at walang anu-ano'y sinabunutan siya nito.
Napaigik siya nang sabunutan siya ng babae. Wala naman siyang magawa dahil hindi niya maabot ang buhok nito sa kadahilanang hindi siya biniyayaan ng panginoon nang katangkaran.
"Amanda! Don't you dare lay your hands on the woman I like!" Sigaw ni Xenon at hinatak siya nito papalayo kay Amanda.
Akmang muling susugurin siya ni Amanda ng muling magsalita si Xenon. "The next time you lay your filthy hands again on her, I will make your whole life like a living hell..."
Namutla si Amanda sa sinabi nito at sa takot siguro na totohanin ni Xenon ang sinabi ay nagmamadali itong lumabas nang bahay.
"Are you okay?" Tanong sa kanya ni Xenon pagkatapos ay sinuklay nito nang daliri nang kamay ang kanyang buhok.
"O-okay lang ako." Sabi niya at ilang minuto nang katahimikan ang dumaan sa kanila bago niya naisipang itanong ang bagay na gumugulo ngayon sa kanyang isipan.
"S—sir.. gusto ko lang itanong, yung tungkol sa sinabi niyo kanina kay Amanda." Nahihiya niyang sabi.
"Alin doon? Yung sinabi kong, kung handa na siyang mamatay o 'yung gusto kita?"
Hindi kaagad siya nakasagot. Sigurado ba ako sa aking narinig? Tanong niya sa kanyang isipan.
"I like you, Asyneth Miranda..." Mahina nitong wika at napatulala na lamang siya sa mukha nito. Habang inaabsorb pa ng kanyang utak ang kanyang narinig.
"A-anong sinabi mo?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang narinig.
Huminga ng malalim si Xenon. "Ang sabi ko, gusto kita..."
"Sigurado ka ba?"
"Yes. I am very much sure.. simula ng may mangyari sa atin sa may isla naramdaman ko na ito. Natatakot lang akong aminin sa sarili ko, dahil baka masaktan na naman ako." Sagot nito pagkatapos ay mapungay ang mga mata nito nang tumitig sa kanya. "At kahapon, niyaya ako ni Amanda na mag-s3x. But I refused her, kasi sa'yo na lang sumasaludo ang junior ko at ikaw lang ang babaeng tumatakbo sa isip ko..."
Nanatili lang siyang nakatingin kay Xenon at tila ba'y hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Believe me or not, pero gusto talaga kita Asyneth.. I like everything about you, the way you talk, the way you smile.. I hope you'll give me a chance. Takot ako na akong sumugal sa larong ito, pero para sa'yo susubukan kong muli.."
Napaluha si Asyneth at hindi niya maunawaan kung bakit nag-iinarte pa siya ngayon. Eh, gayong bet na rin nga siya ng papabol niyang boss.
"Handa ka ba na muling itaya ang puso mo para sa akin?"
Tumango-tango si Xenon.
"Paano kung masaktan kang muli?" Tanong muli niya.
"Naniniwala akong hindi ako masasaktan sa piling mo..." Pagkasagot ni Xenon ay nauwi sa isang hagulhol ang simpleng pagluha niya.
"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Because the feeling is mutual..." Pagkasabi niya ay niyakap siya ni Xenon at dinampian nito ng halik ang kanyang noo.
"Sabi ko sa'yo hindi ako nangangako.. pero ngayon, mangangako na ako.. aalagaan kita at hindi ko hahayaang masaktan ka sa piling ko."
Napangiti siya sa tinuran ni Xenon at kasabay noon ay ang pagyakap niya ng mahigpit dito.
A/N: Yeeey! Abang-abang sa mga susunod pang kabanata 😊 marami pang pasabog!
At sa mga readers ko naman diyan na di pa ako napa-follow, follow niyo ako mga kumare huy! HAHAHA

BINABASA MO ANG
Her Indecent Proposal (COMPLETED)
RomanceNAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang...