Chapter 10

5.4K 104 4
                                    

GUYS! Follow ninyo po ako sa Sweek 🧡 PicaaXa rin po username ko. Thank you, lovelots!

Chapter 10

ALAS-KWATRO pa lang ng umaga ay nakaluto na si Asyneth nang breakfast para sa kanyang amo at ng alas-singko na ay umalis na agad siya sa bahay. Wala ng lingon-lingon, hindi niya na hinintay ang paggising ng kanyang amo.

Dahil iniiwasan niya ito gawa noong nangyari sa pagitan nilang dalawa sa may sofa.

"Ma'am, ang aga niyo naman ho ata." Bungad sa kanya nang guwardiya ng kompanya.

Nginitian niya lang ito bago siya naglakad patungo sa opisina.

Napasalampak siya ng upo sa may swivel chair habang nakatingin sa labas ng glass window.

"Paano na ako nito mamaya?" Tanong niya sa sarili ng pumasok na naman sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ng amo niya.

Ako itong walang tama ng alak, pero ako itong nadarang ng husto sa nangyari sa aming dalawa..

Napasubsob na lamang siya sa mesa habang iniisip ang kanyang gagawin kapag nakaharap na niya mamaya ang boss niya.

Bumuntung-hininga siya, pagkatapos ay iniangat niya ng bahagya ang kanyang mukha sa mesa. At kumunot ang kanyang noo ng maaninag niya ang kanyang boss na namumungay ang mga mata habang nakatitig sa kanya.

Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata sa pag-aakala na namamalik-mata siya. Ngunit totoong nasa harap pala niya ang kanyang boss!

"Bakit ang aga mong pumasok?" Naninitang tanong nito sa kanya.

"Sir!" Bulalas niya at tumuwid siya ng pagkakaupo.

"B-bakit ang aga niyo pong pumasok?" Kinakaban niyang tanong dito.

"Ako ang unang nagtanong.. bakit ang aga mong pumasok?"

Lumikot ang kanyang mga mata. "Eh, kasi sir.."

"Is this because of what happened to us last night?"

Patay na ang naglason! Naaalala niya ang nangyari sa'min!

Pilit siyang ngumiti upang pagtakpan ang kaba na kanyang nararamdaman.

"S-sir wala lang po iyon, lasing po kayo.."

"Yeah, I know... Anyways, thank you for the breakfast." Pagkawika nito ay naupo ito sa swivel chair sa harap ng mesa niya.

Napatitig siya sa mukha nito na kahit pinagpala sa kagwapuhan ay may bahid ng kalungkutan.

Ang mga mata nito ay napaka-expressive.. sa sobrang expressive ay hindi nito magawang itago ang tunay na nararamdaman.

"Ahh, sir bakit po ang aga niyong pumasok?"

Humikab ito sa harapan niya. Gosh! Bakit siya pa lang yata ang taong nakita kong ang seksing humikab?

"Truth to be told, sinundan talaga kita. Akala ko kasi ng matapos kong ibigay sa'yo ang sahod mo ay iniwan mo na ako, ang trabaho mo.."

"Hindi ko po gagawin yun, sir. Sadya lang maaga akong pumasok dahil---"

"Gusto mo akong iwasan. Because of what happened in between us?"

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Pagkatapos ay tumango-tango siya.

"Sorry, Asy. Lasing lang ako kaya ko nagawa iyon."

Tipid niya itong nginitian. "O-okay lang sir, hindi ka naman umabot sa home based, eh."

"Yeah, you're right." Sabi nito pagkatapos ay mahina itong tumawa.

"Asy.."

"S-sir?"

"Alam kong alam mo na ang tungkol sa akin.. sa nakaraan ko."

"Sir.."

"Gusto ko ng mawala ang ex wife dito." Itinuro nito ang tapat ng dibdib. "Pati dito." Itinuro naman nito ang sentido. "Ngunit bakit hindi siya mawala sa sistema ko?"

Mapait siyang ngumiti. "Kasi mahal mo sir."

Napahinga siya ng malalim ng maalala niya bigla si Lux. Ang lalaking nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang puso. Akala niya ay hindi niya na ito magagawang kalimutan. Pero sa paglipas ng panahon, ay naghilom rin ang sugat na idinulot nito sa kanyang puso.

Napatitig siya sa malamlam na mga mata ng kanyang amo na ngayon ay direktang nakatingin sa mga mata niya. "Sir.."

Nagulat siya ng lumuha ang mga mata nito. Tahimik itong umiiyak sa harapan niya at pakiramdam niya ay maiiyak na din siya dahil hindi siya sanay makakita ng lalaki na umiiyak ng dahil lang sa isang babae.

"Sir! Wag ka namang umiyak. Nasasaktan ako para sayo, eh." Pagbibiro niya at laking pasasalamat niya ng pinahid na nito ang pisnging basang-basa ng luha.

"Sorry Asy, nakita mo 'yung soft side ko."

Hinawakan niya ang kanang kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Okay lang yun sir, dagdagan mo na lang ang sahod ko-- charot lang!" Biro niya.

"Okay. Dagdagan ko ng five thousand."

Nanlaki ang mga mata niya. "Charot lang sir! Ano ka ba?!"

"It's okay Asy. Isipin mo na lang na bayad ko yun sa'yo kasi napagaan mo ang pakiramdam ko." Sabi nito pagkatapos ay matamis siya nitong nginitian.

Eratikong tumibok ang kanyang puso. "S-sir, hindi mo kailangang---"

"I said, it's okay." Pagdidiin nito.

Alam niyang hindi niya na mababali ang sinabing iyon ng kanyang amo. Kaya sumang-ayon na lang siya tutal ay pabor naman iyon sa kanya.

Nang tumayo na ito mula sa pagkakaupo ay may pumitik na ideya sa kanyang isipan na hindi niya alam kung saan nagmula.

"Wag kang mag-alala sir, hindi kita iiwan.." Sabi niya at natutop niya ang sariling bibig dahil sa sinabing iyon.

"Paano mo naman nasabi? Secretary at katulong kita... I'm sure na kapag napagod ka sa ugali ko. Iiwan mo din ako."

"Then do something else sir, para hindi kita iwan." Sabi niya at ang nais niyang iparating sa kanyang amo ay sana'y maging mabait na ito sa kanya. Hindi na siya bulyawan at pagalitan.

"Ano namang gagawin ko?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya.

"Ewan ko sir, mag-isip ka."

Tumingin ito sa kisame ng opisina. Animo'y nag-iisip.

"Ano na sir?" Naiinip niyang tanong dito.

Tumingin ito sa kanya. "Be my crying shoulder to lean on.."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Sigurado ka sir?"

"Yes."

Crying shoulder lang naman, eh. Parang friend ganon, so why not? Tanong niya sa isipan.

"Sige sir. Basta wag mo na akong sisigawan ha? Be good to me."

Mahina itong tumawa. "Sure. Baka mamaya pag sinungitan kita ay ibulgar mo sa ibang empleyado dito na umiyak ako sa harapan mo. Kaya magiging mabait ako sa'yo."

"Gagawin ko nga 'yan sir-- charot!" Biro niya.

Sumeryoso ang mukha ng kanyang amo. "Don't fall in love with me, Asy. Hold your fragile heart.. masasaktan ka lang sa'kin." Paalala nito.

"As if namang mangyayari iyon, you bet!"

"We'll see." Nakangisi nitong wika sa kanya at lumakad na ito patungo sa table nito.

"And by the way, call me X, Asy." Dagdag pa nito.

"Okay s---X." Sabi niya at tinanguan niya ang amo na ngayon ay nakaupo na sa sarili nitong mesa.

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon