Chapter 24

7.7K 129 14
                                    

Chapter 24

ILANG araw na nanatili sa bahay nila Asyneth si Xenon sa kadahilanang gusto nitong maka-bonding ang anak na matagal na panahong hindi nakasama. At sa loob ng ilang araw na iyon, napunan nito ang pagkukulang sa anak bilang isang ama.

Napuno ng kasiyahan ang loob ng kanilang bahay at kahit siya ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi sa t'wing pagmamasdan ang kanyang mag-ama.

At ngayon naman, papunta sila sa bahay ng nanay ni Xenon upang pormal silang ipakilala ng anak niya sa nanay nito. And she's hoping na hindi siya singhalan ng kanyang magiging biyenan.

"Baka naman kagatin ako ng nanay mo kapag nakita ako?" Kinakabahan niyang tanong sa kasintahan na ngayon ay buhat-buhat ang anak nila.

Mahina itong tumawa. "Hindi 'yun gagawin ni mommy sa ina ng anak ko, sa babaeng mahal ko."

Napahinga siya ng malalim, kinakabahan talaga siya ngayon dahil makikita na naman niya ang nanay nito. Hindi kasi maganda ang una nilang pagkikita at natatakot siya na baka maulit iyon.

Mukhang napansin ng kasintahan niya na kinakabahan siya, inabot nito ang kanang kamay niya at pinisil-pisil iyon. "Remember sweetheart, I always got you..."

Napangiti siya sa tinuran nito at naisip niya na ang swerte niya dahil palagi itong nasa tabi niya at anumang oras ay handang umalalay sa kanya. Wala na talaga siyang mahihiling pa, gwapo na nga, mabait at responsable pa ang lalaking piniling mahalin ng kanyang puso.

At hindi niya pinagsisihan na inalok niya ito dati ng ibang klaseng paghihiganti. Dahil ang naging bunga naman noon ay maganda.

"Sakay na sweetheart, kanina pa tayo hinihintay ni mommy." Sabi nito kaya natigil ang kanyang pagmumuni-muni.

Kukuhanin niya sana si Xiana sa bisig nito ngunit ayaw sumama sa kanya ng bata.

"Anak, hindi makakapagdrive si taytay mo kapag buhat ka niya." Sabi niya sa bata.

Tumulis ang nguso ng bata at sumimangot din ito. "Eh, naynay naman, eh! Baka kasi umalis si taytay kapag di ako kapit sa kanya."

Nagkatitigan sila ni Xenon at kapwa napangiti. "Anak, hindi aalis si taytay mo. Isasama niya nga tayo sa lola mo, eh."

"Your naynay is right." Sabi naman ni Xenon at nagsalubong ang kilay ng bata.

"Nagsalita ka na naman po ng hindi ko intindihan, eh." Pagmamaktol nito.

Hinaplos niya ang mukha ng bata. "Ang sabi ni taytay mo, dito ka muna sa'kin para makapag-drive siya at wag kang mag-alala anak, hindi tayo iiwan ni taytay mo. Diba?" Sabi niya at tumingin siya kay Xenon.

"Hindi ko kayo iiwan.. kayo ang pinakamagandang pangyayari na nangyari sa buhay ko at hindi ko hahayaang mawala ka, kayo ng anak ko sa piling ko. Mahal na mahal kita."

"Mahal din kita Xenon." Tugon niya at saglit na naglapat ang kanilang mga labi pagkatapos ay kinuha na niya ang kanyang anak at sumama naman ito sa kanya.

"Mom is excited to see the both of you." Nakangiting wika ni Xenon at pinagbukasan sila nito ng pinto ng sasakyan.

Sana nga. Kinakabahan niyang wika sa kanyang isipan bago siya tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

Habang nasa byahe ay nagkukulitan silang tatlo kaya kahit inabot sila nang  mabagal na pag-usad ng trapiko ay hindi sila nainip. Bagkus ay na-enjoy pa nila iyon.

May isang oras ang ginugol nila sa byahe bago sila nakarating sa magarang bahay ng magulang ni Xenon sa may Makati. At hindi niya maitatanggi na kinakabahan na naman siya dahil sa takot na baka nga, sigaw-sigawan na naman siya ng nanay nito.

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon