Chapter 6

5K 120 1
                                    

HAPPY MONDAY EVERYONE! christmas is coming 🌲⛄🎉 sa mga OFW kong readers, saludo po ako sa tibay at sakripisyo ninyo para sa pamilya niyo para may mai-noche buena sila ngayong pasko 🙂

Chapter 6

BAGO sumapit ang alas-singko ng umaga ay nagising na kaagad si Asyneth. Isinet niya ang alarm clock niya ng 4:30 am upang may pagkakataon pa siyang maligo.

And since, hindi na rin naman bago sa kanya ang gumising ng maaga ay hindi na siya nanibago.

Mabilis siyang kumilos. Naligo at nag-ayos lang siya ng sarili pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto.

Magaan niyang inihakbang sa sahig ang kanyang mga paa upang hindi iyon makalikha ng ingay na maaaring gumising sa natutulog niyang amo.

"Gosh! X! Deeper baby!"

"Oohh! Gosh! You are so really big!"

"Oh God! Oh God!" Nagdidileryong halinghing ng babaeng kaniig ng kanyang amo sa loob ng kwarto.

Naitakip niya ang kanyang palad sa bibig ng tumapat na siya sa tapat ng kwarto nito.

At mukhang nagkamali siya ng akala, dahil gising na gising pala ang kanyang amo. At kahit magtatakbo pa siya sa buong bahay, ay hindi siya nito mapapansin.

Napabuga siya ng hangin bago ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa may kusina.

"Ano kayang lulutuin ko?" Tanong niya sa kanyang sarili ng makarating na siya sa may kusina.

Binuksan niya ang fridge. At  bacon, ham, tocino, hotdog naroroon  All in all, processed food ang bumungad sa kanya.

"Maagang mamamatay nito si sir, kapag laging ganito ang kakainin." Usal niya at dahil wala pa namang bukas na tindahan sa palengke ngayon ay ito muna ang iluluto niya.

Mamaya na lang siya mamalengke pagkalabas niya sa trabaho.

Nang makatapos na siyang magluto ay naghain na siya sa mesa at hinintay ang paglabas ng kanyang amo.

Maya-maya naman ay lumabas na ito kasunod ang isang babae na ang tanging suot lamang ay bra at panty.

"Bagong muchacha mo, X?" Tanong nito sa kanyang amo.

Umikot ang eyeballs niya ng dahil sa tinuran ng babae. Nais niya sanang ihampas sa pagmumukha nitong punung-puno ng kolorete ang kawali na kanyang pinaglutuan. Ngunit hindi niya iyon ginawa, dahil siguradong mawawalan siya ng trabaho kapag ginawa niya iyon.

Hindi siya nakarinig ng sagot mula sa kanyang amo. Sa halip ay itinaboy nito papalabas ng kusina ang babae.

Buti nga sayo! Natatawang wika niya sa kanyang isipan.

Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ng mesa habang nakatingin sa kanyang amo na kasalukuyang kumakain. Nang bigla itong tumingin sa kanya.. matalim at nakakatakot ang uri ng pagkakatitig nito sa kanya.

Pakiramdam niya ay nangangatog na ang kanyang tuhod habang sinasalubong ang tingin nito.

"Katulong ang kailangan ko! Hindi tanod!" Bulyaw nito sa kanya at napatalon siya sa kinatatayuan niya ng dahil sa lakas ng boses nito.

"Ano pang ginagawa mo diyan?! Get out of my sight!" Dagdag pa nito.

Agad naman siyang umalis sa kusina at pumunta sa kanyang kwarto.

Nagkumahog na siyang magbihis ng damit pang-opisina pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang kwarto.

Ngunit bago siya tuluyang lumabas ng bahay ay pumunta muna siya sa may kusina kung saan nag-uumagahan ang kanyang amo.

"Sir, papasok na po ako ng opisina."

Inarkuhan siya nito ng kilay. "Pakialam ko?!"

Sa halip na patulan ang pagka-antipatiko ng amo ay nginitian niya na lamang ito tsaka siya tuluyang naglakad palabas ng bahay.

Matagal na siyang nakatayo sa harap ng gate nang bahay ngunit wala pa ring dumadaan na kahit anong uri ng sasakyan.

Hanggang sa naabutan na nga siya roon ng amo niyang nakasakay sa itim nitong BMW.

Akala niya ay yayayain siya nitong sumakay doon. Ngunit nagkamali siya ng akala, dahil nilampasan lang siya nito.

Napabuga siya ng hangin habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ng kanyang amo.

Kahit pumuti pa ang uwak, hindi ako iibig sa ganyang klase ng tao. Wika niya sa kanyang isipan.

Higit dalawampung-minuto pa ang dumaan at laking pasalamat niya ng may tumigil na cab sa kanyang harapan. Agad siyang sumakay doon at nagpahatid sa Montemayor.

Nang makarating siya sa kompanya ay nagmamadali siyang naglakad patungo sa opisina. At naabutan niya ang kanyang amo na nakakunot ang noo at naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Why are you late, Asy?!" Asik nito sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Sir, wala po kasi ako kaagad nasakyan."

"Sana mas inagahan mo ang gising mo para may nasakyan ka agad!"

Kung sana'y pinasakay mo ako sa kotse mo, sana'y maaga akong nakarating dito! Pagpoprotesta niya sa kanyang isipan at wala siyang balak na isatinig iyon dahil ang magiging kapalit noon ay ang kanyang trabaho.

"Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Magtrabaho ka na!" Bulyaw nito sa kanya kaya agad niyang tinungo ang kanyang mesa.

"Bakit ka naupo na diyan?!"

Nagugulumihan siyang tumingin sa kanyang amo. "P-po? Sabi niyo mag-umpisa na akong---"

"Kapag sinabi kong magtrabaho ka na, ang ibig sabihin noon ay ipagtimpla mo muna ako ng kape!" Asik nito sa kanya kaya agad siyang umalis mula sa pagkakaupo sa swivel chair.

Kung hindi lang talaga malaki ang pasahod nito! Kanina ko pang sinipa ang betlog nito!

"Okay po sir, copy po." Sabi niya at kahit inis na inis na siya ay nginitian niya pa rin ito.

"Pagkatapos mo akong ipagtimpla ng kape, simulan mo ng trabahuhin ang mga papeles na iniwan ni Viktoria." Sabi nito at itinuro ang patong-patong na folder na nakalagay sa ibabaw ng mesa.

"Sige po, sir."

"Good. And one more thing Asy, ayoko ng palpak na trabaho. Kasi kapag pumalpak ka, sisirain ko ang buhay mo.." Pagbabanta nito pagkatapos ay pumunta na ang antipatiko niyang amo sa table nito.

Napabuntung-hininga siya bago siya pumunta sa kitchen sa loob ng opisina.

"Tiis Asy, para sa anak mo ito." Wika niya sa sarili at muli siyang napabuntung-hininga ng marinig niya na nagtatatalak na naman ang kanyang amo.

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon