Chapter 4

5.3K 129 2
                                    

Chapter 4

MAS MAGULO pa sa isang abstract painting ang mukha ngayon ni Xenon habang nakatingin sa patong-patong na folder sa ibabaw ng kanyang office table.

"Lintik ka Viktoria!" Pagmumura niya at gusto na niyang ipagtatapon ang mga folder ngunit alam niyang siya lamang din naman ang mahihirapan sa huli.

Hindi naman niya masisisi si Viktoria kung bakit ito umayaw sa trabahong ibinigay niya. mukha kasing hindi sanay sa hirap ang babae eh.

Pero aba! Saan ba siya makakatala ng sahod na fifty thousand a month dito sa Pilipinas na pagiging secretary at katulong lang ang trabaho? Naisip niya.

Isang mabining katok ang narinig niya mula sa labas ng pinto ng kanyang opisina kaya natigil ang pag-iisip niya sa bwisit niyang sekretarya.

"Come in." Sabi niya at pumasok ang kanyang HR personnel.

"Sir, nandito na po ang mga applicant para sa pagiging secretary at katulong niyo po."

"Ilan sila?"

"They're five sir."

"Okay, let them in.. one by one." Maawtoridad niyang wika at tumango-tango ito sa kanya pagkatapos ay lumabas na ito ng kanyang opisina.

Maya-maya lang ay may pumasok ng babae sa loob ng opisina niya.

"Good morning sir, I am Celestina---"

"You're not qualified." Sabi niya sa babae at   namilog ang mga mata nito sa kanya.

"But sir, I can do---"

"Get out of my office now!" Sigaw niya at nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina ang babae.

He didn't hired Celestina because he's hundred percent sure na aayawan din nito ang trabaho. Mukha kasing mayaman ang babae at paniguradong hindi nito kakayanin ang mga ipagagawa niya.

Maya-maya ay may pumasok na muling babae at pinasadahan niya ito ng tingin. nakasuot ito ng itim na slacks at kulay puting long sleeves. Maganda at cute naman ang babae, 'yun nga lang petite ito at mukhang manang kung manamit.

At ito ang hinahanap niya, 'yung mukhang losyang.. dahil sigurado siya na workaholic ito.

"You're hired." Sabi niya at hindi niya na hinintay na makaupo pa ang babae.

"P-po?"

"Didn't you hear me? I said you are hired." Sabi niya at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya ang babae.

"Totoo po sir? Salamat po! Promise---"

"I hate promises, just do your duties. Period." Putol niya sa iba pang sasabihin nito at tumango-tango naman ang babae.

"What's your name?"

Matamis siyang nginitian ng babae. "Asyneth Miranda po."

"Too long, I will call you Asy. Is it okay?"

"S-sige po sir."

"Now, sign the contract." Sabi niya at iniabot niya ang kontrata sa babae at walang pag-aalinlangan na pinirmahan nito iyon.

"Okay Asy, leave my office now." Sabi niya at nginitian siya ng babae pagkatapos ay naglakad na ito papalabas ng kanyang opisina. Ngunit bago pa ito makalabas ay muli niya itong tinawag.

"Yes po sir?"

"I forgot to say that, you'll be starting your job tomorrow. And you'll be going to stay in my house.."

Mukhang nagulat ang babae sa sinabi niya. hindi niya alam kung sa simula ng trabaho nito o doon sa magi-stay ito sa bahay niya.

"Hah? Sir.. I can do both naman po kahit di ako---"

"You can't say no to me. You just signed the contract, Asy." Sabi niya at itinaas niya ang kontrata na pinirmahan nito.

"S-sige po, sir." Sabi nito at bagsak ang balikat nito ng naglakad palabas ng kanyang opisina.

Hayys. Mabuti na lang at naisipan kong papirmahin siya sa kontrata. Sambit niya sa kanyang isipan at itinuon niya na muli ang atensyon niya sa tambak na paper works sa kanyang harapan.

"ANG TANGA mo naman Asyneth! Bakit ka pumayag?" Tanong ni Asyneth sa kanyang sarili pagkalabas niya mula sa opisina ng gwapong CEO ng kompanya.

"Paano na ang anak ko nito? Si mama? Maiiwan ko sila?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong sa kanyang sarili.

"Miss Miranda, please proceed to the HR office now." Anang tinig mula sa speaker sa may kisame.

"Yang babae na yan ang na-hired? Yuck! Ang cheap namang pumili ng CEO ng kompanya na ito." Sabi ng babaeng naunang ininterview.

Inarkuhan niya ito ng kilay. "Yuck! Hindi na-hired, judgemental kasi!" Sabi niya pagkatapos ay inirapan niya ito bago ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa may HR office.

Nang makapasok na siya sa loob ng opisina ng HR ay nakangiting sinalubong siya ng magandang HR personnel.

"Have a seat." Sabi nito sa kanya kaya naupo siya sa may visitors chair.

"Congratulations Miss Miranda and goodluck!" Pagbati nito sa kanya pagkatapos ay may iniabot ito sa kanya na brown envelope.

"Open it." Utos nito.

Binuksan niya ang brown envelope at tumambad sa kanyang paningin ang xerox copy ng kontrata na pinirmahan niya kanina.

Pero itong hawak niya ngayon ay mayroong documentary stamp at documentary sealed.

"B-bakit niyo po ibinibigay ito sa akin?" Nagtataka niyang tanong sa babae.

"Para hindi mo makalimutan ang mga trabahong gagampanan mo." Sagot naman nito sa kanya.

Pinakatitigan niya ang hawak niyang kontrata at tahimik niyang binasa ang nakasulat doon.

As my secretary, you should be always on my side..

If I said you'll be going to accompany me in any business conference, you must say yes. okay?

Anang nakasulat sa papel at wala sa sariling napatango-tango siya.

As my maid, you should know how to clean the house.. know how to cook, know how to wash the clothes and know how to took care a drunk man.

Understood?

If you didn't obey me, I will ruin your life.

And, you'll be going to stay in my house.. so that I can easily reach you, when I need you as my secretary and as my maid.

Don't you dare to breach the contract, woman.

fifty thousand and overtime pay is not a joke, goodluck!

Your Good CEO,
X. Montemayor

Napabuga na lamang siya ng hangin ng dahil sa nabasa niya. Mukhang wala na siyang magagawa, nakapirma na siya ng kontrata at talaga namang napakalaki ng sahod.. kahit magpatuwad-tuwad pa siya sa kalsada, hindi niya kikitain ang ganoong kalaking pera.

"Welcome to Montemayor Advertising Company, Miss Miranda. Goodluck!" Nagagalak na wika sa kanya ng HR personnel.

Muli siyang napabuga ng hangin. Pinasok ko ito, kaya paninindigan ko na. Wika niya sa kanyang isipan habang inilalagay sa loob ng brown envelope ang pinirmahan niyang kontrata.

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon