Chapter 8

5K 106 2
                                    

Merry christmas everyone! 🎄🎊 Akala ko hindi ako makakapag-update ngayon, pero dahil love ko kayo! Nag-update ako. Ayiee! Pa-vote and comment naman mga kumare!

Chapter 8

"UHMM.." Ungol ni Asyneth habang isinisiksik ang kanyang mukha sa unan na yakap niya. Sa sobrang pagod niya kahapon ay parang gusto niyang buong araw na lamang na mahiga sa kama ng bigla na lang...

"Hoy unano! Gumising ka na!"

"Gutom na ako! Ipagluto mo na ako !"

"May trabaho ka hoy! Hindi ka prinsesa!"

Pabalikwas siyang bumangon sa kama at tinungo ang pintuan kung saan nakatayo ang nangangalit niyang amo.

"Sorry sir! Napasarap po kasi ang tulog ko.. pasensya na po." Paghingi niya ng paumanhin dito.

"Hindi ko na kasalanan 'yan! Ipagluto mo na ako!" Asik nito pagkatapos ay mabibigat ang yapak nito sa sahig lumakad ito papalayo sa kanya.

Humikab at iniunat niya ang kanyang braso bago siya naglakad patungo sa may kusina.

"Pritong itlog na lang, tsaka sinangag na kanin ang lulutuin ko para mabilis." Sabi niya sa sarili habang nilalamas ang bahaw na kanin na kanyang isasangag.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakatapos na siyang magluto.

Inilapag niya ang kanyang mga niluto sa ibabaw ng mesa kung saan inip ng naghihintay ang kanyang amo.

"Bakit ito lang?!" Asik nito sa kanya.

"Sir, pasensya na po. Hindi ko po alam kung ano'ng mga gusto niyong kainin, eh." Sabi niya ngunit sa isip-isip niya ay gusto na niya itong batukan dahil sa tinataglay nitong  kahambugan.

"Dapat inaalam mo! Trabaho mo iyon! Nak ng--- kumilos ka nga ng maayos, Asy!"

Huminga siya ng malalim at pilit na isiniksik sa utak niya na kailangan niya itong pagpasensyahan. Na kailangan na mas habaan niya pa ang pisi ng kanyang pasensya.

"Sorry sir.."

"Ano pa bang magagawa ko?! Ipagluto mo na lang ako bukas ng--- chopsuey." Sabi nito at lihim siyang napangiti.

Aysus! Chopsuey pala ang gusto, kaya nagmamaktol. Pagbibiro niya sa kanyang isip.

"Oh? Ano na namang tinatayo-tayo mo d'yan? Umalis ka na sa harapan ko! Pumasok ka na sa trabaho!" Asik nito sa kanya. Kaya nagkukumahog siyang umalis sa harapan nito at nagtungo sa kanyang silid upang maligo na at mag-ayos na ng kanyang sarili para makapasok na siya sa opisina.

Ngunit kahit mabilis ang naging kilos niya, ay naunahan pa rin siya nitong pumasok sa trabaho.

Papasok na sana siya sa opisina ng marinig niya ang dumadagundong na boses ng amo niya mula sa loob noon.

"Naku Asyneth! Mamaya ka na pumasok." Anang katrabaho niyang si Jennifer na naabutan niyang nasa labas ng pintuan ng opisina. At mukhang hinihintay nito ang pagkalma ng kanilang boss bago pumasok doon.

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit naman? Bakit mukhang nagwawala si sir?"

"Atin-atin lang 'to ha? Ang alam ko kasi ay nakita ni sir sa Facebook yung post ng ex wife niya.. na masayang-masaya na sa piling ng ipinalit nito sa kanya, kaya hayan ang nangyari kay sir. Wasak na wasak at durog na durog na naman."

"Nagka-asawa na si sir?" Hindi niya makapaniwalang tanong dito.

"Oo be. Mahal na mahal nga yun ni sir, eh. Kaso sa sobrang kabaitan ni sir.. nagawa siyang lokohin ng dating asawa nito. Wala namang nagawa si sir, kundi ang magparaya. Kawawa nga, eh. Tssk."

Napailing-iling siya at nakaramdam bigla ng simpatya sa kanyang amo.

"Hindi naman ganyan si sir dati, eh. Actually, mabait yan tsaka palaging nakangiti. Hindi rin yan marunong magtaas ng boses. Nagbago lang ang ugali ni sir ng masaktan siya."

Kawawa naman pala si sir. Naisip niya.

"Oh hayan! Mukhang kumalma na, pasok na tayo sa loob." Pag-anyaya nito sa kanya.

Pumasok na sila ni Jennifer sa loob at naabutan niya ang kanilang boss na magulo ang buhok, tagilid ang kurbata at namumungay ang mga mata habang nakatingin sa screen ng hawak nitong commercial phone.

"What?!" Angil nito sa kanilang dalawa ni Jennifer.

Lumapit si Jennifer dito. "Ipapasa ko lang po itong sales report for the month of November."

Nang maibigay na ni Jennifer ang folder sa kanilang boss ay lumabas na rin kaagad ito. Kaya naman, siya lang at ang boss niya ang naiwan sa loob.

Matalim itong tumingin sa kanya. "Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan?"

Nginitian niya ito. "Mag-uumpisa na po ako ng trabaho. Ipagtitimpla ko po kayo ng iced coffee, dahil--- mukhang iyon ang kailangan niyo ngayon." Sabi niya pagkatapos ay tinalikuran niya na ito.

Nasaktan na rin siya dati. And what her ex boyfriend brought to her was a wound..

But as she can see right now on her boss wasn't a simple wound. But a scars, and scars doesn't heal..

Hindi iyon basta-basta nawawala, hindi kaagad nabubura.

Kaya hangga't hindi pa nawawala ang pilat na dulot ng malungkot nitong kahapon ay uunawain niya ang sitwasyon nito. Dahil iyon ang higit na kailangan nito ngayon..

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon