Chapter 17

4.5K 142 2
                                    

Say hello to Dec191979 thankyou for reading my story!

Chapter 17

HINDI mapakali sa kanyang kinatatayuan si Asyneth habang hinihintay si Xenon na kasalukuyang inaayos ang sarili sa harap ng salamin. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin dito ang tungkol sa anak niya. Baka kasi kapag nalaman nito, kung paano nabuo si Xiana ay isipin nito na isa siyang mababang uri ng babae. Which is hindi naman, sadya lang lasing siya ng mga panahong iyon kaya nakagawa siya ng bagay na hindi dapat.

"Sweetheart, are you okay? Mukha kasing mas kinakabahan ka pa kaysa sakin, eh." Natatawang sabi nito pagkatapos ay lumapit ito sa kanya.

Pilit siyang ngumiti. "O-okay lang ako, ikaw okay ka lang ba?"

"Kinakabahan, pero dahil nand'yan ka, nababawasan ang kabang nararamdaman ko."

Tipid lang siyang ngumiti pagkatapos ay niyakap niya ito.

"Wag na lang kaya tayong umalis Xenon, dito na lang tayo..." Pagkumbinsi niya dito.

Hinalikan nito ang kanyang noo. "I want to stay here, but I want to meet your family too.. come on sweetheart, umalis na tayo."

Napabuntung-hininga siya. "S-sige." Kinakabahan niyang wika at magkahawak -kamay silang dalawa nang lumabas ng bahay.

Nang sumakay sila ng kotse ay nagtriple na ang kanyang kaba. Wala na siyang magagawa, talagang makikilala na nito ang anak niya.

"Any problem sweetheart? Balisang-balisa ka." Puna sa kanya ni Xenon at pinisil-pisil nito ang kanyang palad.

Umiling-iling siya. "Mahal kita, Xenon Montemayor..." Nasabi niya. Hindi niya kasi alam kung pagkatapos ng araw na ito ay mamahalin pa rin siya nito. Kaya hangga't hindi pa nito nalalaman ang tungkol sa anak niya ay sasabihin niya nang sasabihin dito kung gaano niya ito kamahal.

"Mahal din kita, Asyneth Miranda." Tugon sa kanya ni Xenon at pinaandar na nito ang kanilang sasakyan.

Ilang oras lang ang lumipas ay nakarating na sila sa harap ng kanilang bahay. At halos mabingi na siya sa lakas nang kabog ng kanyang dibdib.

"I-ito ang bahay namin." Sabi niya at kulang na lang ay itali niya na ang seatbelt sa kanyang beywang upang may dahilan siya kaya hindi siya makalabas ng sasakyan.

Ngunit mukhang hindi umaayon sa kanya ang tadhana, mabilis niyang naalis ang kanyang seatbelt at wala na siyang rason upang hindi umibis sa loob ng sasakyan.

"So, this is your humble abode.. ang cute, parang ikaw lang sweetheart." Sabi ni Xenon habang nililibot nito nang tingin ang kanilang maliit na tahanan.

"Oo, ang liit, no? Parang kusina lang 'to ng bahay mo." Sabi niya.

"Hindi naman mahalaga sa'kin kung maliit ang bahay mo. Kasi hindi naman 'yan ang minahal ko sa iyo."

Napangiti na lamang siya at nagdasal na sana, pagkatapos ng araw na ito ay ganito pa rin sila.

"Anaaak!" Dinig niyang palahaw ng kanyang ina at patakbo itong lumapit sa kanilang dalawa ni Xenon.

Niyakap siya ng kanyang ina. "Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka, ha?"

"M-mama, biglaan po kasi..."

Tumingin ang ina niya kay Xenon. "Aba! At sino naman itong gwapong kasama mo, ha?"

"Good morning po, kasintahan po ako ng anak niyo." Pagpapakilala ni Xenon sa kanyang ina at matamis itong ngumiti.

Bumakas ang gulat sa mukha ng ina niya. "Akala ko boss ka ng anak ko, hijo. Boyfriend ka pala."

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon