Chapter 16
"GANDA nang ngiti mo ngayon Ma'am Asyneth, ah." Bati sa kanya ng guwardiya ng kompanya.
"Salamat..." Tipid niyang sabi at nagmamadali siyang naglakad patungo sa may opisina kung saan naghihintay ang kanyang prince charming.
Hindi sila magkasabay na pumasok ni Xenon dahil ayaw niyang malaman ng mga katrabaho niya ang tungkol sa kanilang dalawa. Magtataka kasi sigurado ang mga ito kapag nakita silang magkasama. Ayaw niya kasi ng tsismis, lalo na at isang malaking kompanya ang pinagtatrabahuhan niya. Pero kung si Xenon ang masusunod, ay gusto na nitong i-anunsyo ang pagbabago ng estado ng kanilang relasyon.
"Sweetheart..." Pagpasok niya sa loob ng opisina ay sinalubong siya ng mainit na halik ni Xenon.
"Baka may makakita sa'tin." Sabi niya at bahagya siyang dumistansya dito ngunit ipininid siya nito sa may dingding ng opisina.
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Xenon! Madami pa akong gawain. Mamaya mo na ako akitin." Sabi niya at binitiwan na nito ang kanyang kamay.
"Okay, asahan mong aakitin kita after work." Sabi ni Xenon at muli nitong hinalikan ang kanyang labi bago ito pumunta sa sarili nitong mesa.
Lihim naman siyang napangiti ng pagkaupo niya ay may nakapatong na Japanese cake sa ibabaw ng mesa at may nakadikit pa doong sticky note na may nakasulat na;
Good morning, sweetheart :)
Pagkabasa niya ng nakasulat doon ay sinulyapan niya si Xenon at nakita niyang nakatitig ito sa kanya.
"S-salamat, hihi." Kinikilig niyang sabi at mas lalo siyang kinilig nang kindatan siya nito. Enebe!
Trabaho na Asyneth. Mamaya na ang harot! Sigaw nang isang bahagi ng kanyang utak kaya sinimulan na niyang bawasan ang patong-patong na folder sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Sweetheart?" Tinawag siya ni Xenon at dahil wala namang tao sa loob bukod sa kanilang dalawa ay hindi niya na sinita ang paggamit nito sa kanilang endearment.
"Hmm?"
"Yung coffee ko? Hmm."
Bigla siyang napatayo. "Ayy! Oo nga pala, I'm sorry.. nakalimutan ko. Wait lang." Sabi niya at nainis siya sa kanyang sarili nang malimutan niya na ang umpisa nga pala ng kanyang trabaho ay ang ipagtimpla muna ito ng kape.
Nang makapagtimpla na siya ng kape ay dinala niya na iyon patungo sa mesa nito. "Kape ka muna, sorry nakalimutan ko.. hindi kasi kumpleto ang tulog ko kagabi."
"I'm sorry about that sweetheart. Hindi na kita masyadong pupuyatin, promise." Tukso nito sa kanya.
"Ewan ko sa'yo." Sabi niya at namula ang kanyang pisngi ng maalala niya ang mga nangyari sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya nga ay bumagsak ng kaunti ang kanyang katawan dahil sobrang active ng s3x life niya ngayon. Pero okay lang, dahil bet na bet niya rin naman ang mga nangyaring iyon.
"Balik na ako sa table ko." Paalam niya kay Xenon ngunit bago pa siya makahakbang ay ikinawit nito ang braso sa kanyang beywang.
"Kiss muna?" Parang isang bata na sabi nito sa kanya.
Napailing-iling siya. Ngunit sa huli ay yumuko siya upang pagdikitin ang labi nilang dalawa.
"Oh yan, napagbigyan na kita. Magtrabaho muna ako ha?" Pakiusap niya dito at bago ito sumang-ayon sa sinabi niya ay niyakap muna siya nito nang mahigpit.
Juskoday! Paano ba kakalma ang pempem ko kung palagi siyang magiging ganitong ka-clingy sa akin?

BINABASA MO ANG
Her Indecent Proposal (COMPLETED)
RomanceNAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang...