Hello to Criskendall13 happy reading kumare!
Chapter 22
MAGKAYAKAP si Asyneth at Xenon habang nakaupo sa gilid ng kama. Totoo ang sinabi ni Xenon na mag-uusap lang silang dalawa, matapos kasi ang ilang minutong pag-e-eskrimahan nang kanilang mga dila ay hindi na iyon nasundan pa.
At heto silang dalawa ngayon, kuntento na habang magkayakap, habang pinagsasaluhan ang red wine at ang litsong manok.
"Anong katangian ang minahal mo sa akin X?" Tanong niya sa kasintahan habang sinasalinan niya ng red wine ang hawak nitong baso.
Tinitigan ni Xenon ang kanyang mukha. "Lahat naman sayo, mahal ko, eh."
"Aysus! Nambola ka pa." Sabi niya at pinanggigilan niya ang makinis nitong pisngi.
"Eh, ikaw? Anong nagustuhan mo sa'kin?"
Tumulis ang kanyang nguso, anyong nag-iisip. "Hmm, lahat din.. kahit pa nga sinungitan mo ako noong una, kahit madalas mo akong sermonan at kahit ginahasa mo ako sa isla."
"Sorry about that, sweetheart. But correction, I didn't raped you." Natatawa nitong sabi.
"Ginahasa mo kaya ako! Bigla mo na lang kasi akong hinalikan, eh. Tapos bet na bet na kita noon, kaya di na ako pumalag."
"See? Ikaw pa pala ang nag-take advantage sa akin, eh." Natatawa nitong sabi.
"Baliw ka!" Sabi niya at pareho na silang tumatawa ngayon.
"Ahm, Xenon.. maaari ko bang malaman kung bakit naghiwalay kayo ng ex wife mo?" Tanong niya at tumigil sa pagtawa si Xenon.
Huminga ito ng malalim pagkatapos ay hinalikan ang kanyang noo. "Dahil mahal pa rin niya 'yung ex boyfriend niya, yung first love niya."
"N-nasaktan ka ba?"
"Of course. Minahal ko siya, eh. I gave her everything and I never imagined that we will end up our relationship because of her shallow reason."
Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili kung bakit nainis siya dito gayong, sinagot lamang nito ang kanyang katanungan.
Umalis siya sa bisig ni Xenon, mabigat ang kanyang pakiramdam kaya padabog niyang nilisan ang kwarto.
Sinundan naman siya ni Xenon at alam niyang nagtaka ito sa kanyang naging kilos. "Sweetheart, anong problema mo?" Tanong nito sa kanya at sabay silang naupo sa upuang kawayan sa likod ng kanilang bahay.
"Bakit mo ba kasi sinagot ng maayos ang tanong ko? Para ano? Iparamdam sa'kin na sobra mong minahal 'yung babae na iyon?" Naiinis niyang sabi at lalo siyang nainis nang ngumiti ang kanyang kasintahan, ngiting nang-aasar.
Inarkuhan niya ito ng kilay. "Oh? Anong iningingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Umiling-iling ito.
"Wala naman pala, eh. Doon ka na sa ex-wife mo!" Pagtataboy niya dito pagkatapos ay iniwasan niya ito ng tingin kaya hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa tabi niya.
"Kayo talagang mga babae, gumagawa kayo ng ikasasakit nang damdamin niyo.. wala ka namang dapat ipagselos, eh. Yes, I admit na minahal ko siya. Pero yung pagmamahal ko sa'yo, mas malalim at mas matindi." Paglalambing nito sa kanya at naramdaman niyang inihilig nito ang ulo sa kanyang balikat.
"Mahal kita Asyneth, at kung anuman ang nangyari sa amin dati.. wala na iyon, tapos na. Matagal na akong nakalaya sa nakaraan, at handang-handa na akong salubungin ang kasalukuyan at ang mga susunod pang panahon na kasama kita..." Dagdag pa nito at humarap na siya sa kasintahan niya na ngayon ay nakangiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Indecent Proposal (COMPLETED)
DragosteNAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang...