Chapter 11
NAKATULALA si Asyneth kay Xenon na kasalukuyang abala sa pagtipa sa keyboard ng computer sa harap nito.
Ang fresh niya. Sambit niya sa isipan habang nakatitig pa rin sa kanyang amo na kahit stress na sa trabaho ay hindi man lang tinutubuan ng pimples ang mukha.
Nagbaling lang siya ng tingin sa ibang bagay ng tumingin ito sa kanya.
Muntik na ako doon ah!
Nasampal niya ang kanyang pisngi ng biglang pumasok sa isipan niya ang naudlot na tsuktsakan nila ng kanyang amo.
Simula kasi ng mangyari iyon ay parang may kakaibang nararamdaman na siya para dito. Na dapat ay kailangan niyang pigilan hangga't maaga pa. Dahil alam naman niya na ikakasakit lang ng damdamin niya iyon.
"Asy!"
"Ayy utin ng kalabaw!" Naibulalas niya ng tawagin siya ni Xenon.
Napailing-iling si Xenon. "Bibig mo Asy. Kung anu-ano ang lumalabas d'yan."
"Sorry." Sabi niya at bahagya siyang napayuko.
Lumapit ito sa kanya at naupo sa gilid ng kanyang mesa. "May kailangan tayong puntahan."
"Saan?"
"Sa Batanes, treat ko lahat at tsaka peace offering ko na din." Nakangiting wika nito sa kanya.
Naghurumentado ang kanyang puso habang nakatingin kay Xenon na nakangiti sa kanya.. totoong nakangiti sa kanya.
"May dumi ba sa mukha ko?"
Napamulagat siya. "Ha?"
"Kasi titig na titig ka sa'kin, eh." Natatawang sabi nito sa kanya.
Lumikot ang kanyang mga mata pagkatapos ay huminga siya ng malalim. "Eh, kasi.. naninibago ako sa'yo. Hindi mo na ako inaangilan, mabait ka na sa'kin."
"Syempre, gusto kong bumawi sa iyo. Ikaw pa lang kasi ang sekretarya na tumagal sa ugali ko, eh."
Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang kanyang ngiti na nagnanais sumilay.
"Tsaka kaya isasama kita doon kasi ichecheck natin ang location ng hotel and resort na ia-advertise ng company. At ikaw ang makikipag-usap sa kliyente natin."
Nalungkot siya bigla. Akali niya kasi ay gagawin nito iyon para bumawi talaga. Ngunit business related pala sadya ang pakay nila doon.
"Bakit ako ang makikipag-usap?"
Nawala ang maaliwalas na mukha ni Xenon. "Because I do have a glossophobia."
"Ano 'yon?'
"Fear of speaking in public, hindi ko kayang magsalita sa harap ng kliyente natin kapag lima na sila pataas." Malungkot nitong wika.
Kaya pala, kaya pala ako ang madalas na pinahaharap nito sa aming kliyente.. Naisip niya at lumungkot ang kanyang mukha.
"Bakit? Bakit ka nagkaroon ng ganyang phobia?"
"Malalaman mo din, pagdating ng panahon." Sagot nito at hindi na siya muling nag-usisa pa.
"Lahat naman tayo sir, ayy! X pala.. may kinatatakutan. Iba't ibang level nga lang." Sabi niya at tipid niya itong nginitian.
"At ang level ng akin ang level na hindi kaagad mawawala.."
"Hindi mawawala kung hindi mo haharapin." Sabi niya at malungkot silang tumitig sa mukha ng isa't isa.
Nabasag ang katahimikan na bumabalot sa pagitan nilang dalawa ng tumunog ang cellphone ni Xenon.
"Tara na sa helipad, nakahanda na ang chopper." Pag-imbita nito sa kanya.
"Teka lang, yung mga gamit ko?" Tanong niya.
Syempre malayo-layo ang Batanes kaya tiyak na kakailangan niya talaga ng gamit. Especially yung mga personal niyang gamit.
"Okay na Asy. Ipinakuha ko na mga gamit mo sa driver ko kanina." Sagot nito at muli siyang niyaya patungo sa may helipad ngunit nanatili pa rin siyang nakaupo sa may swivel chair.
"Ano na Asy? Tara na!" Untag nito.
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "Ahm, kasi.. takot ako sa heights, may acrophobia ako." Pag-amin niya.
Nagkaroon siya ng acrophobia noong nahulog siya mula sa second floor ng kanilang bahay noong edad dose siya. Sinuwerte lang siya noon dahil sa couch siya sa salas nalaglag.
Tipid siyang nginitian ni Xenon at malamlam itong tumingin sa kanya. "Sabi mo kailangang harapin ang takot upang mawala ito.."
"Oo nga, pero..."
"Wag kang matakot, nandito lang ako. I will kiss away your fears." Sabi nito at inilahad nito ang kanang kamay sa harapan niya.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatingin siya sa kamay ni Xenon na hindi niya alam kung tatanggapin niya ba ang nakalahad nitong kamay.
"Come on, Asy. Don't be afraid... I got you." Dagdag pa nito at tinanggap niya ang kamay nito.
Naglalakad na sila patungo sa may helipad ng building at hindi pa rin nagbabago ang tibok ng kanyang puso.
Nakatingin siya sa kamay niyang hawak ni Xenon at napahinga siya ng malalim.
Nararamdaman niya na unti-unti ng bumibigay ang kanyang puso para kay Xenon. At sana lang, saluhin din siya nito kagaya ng couch na sumalo sa kanya noong minsan ay mahulog siya.
Dahil kung hindi siya nito masasalo, siguradong sakit na tagos hanggang kaluluwa ang malalasap niya.
Nang makalapit na sila sa may chopper ay pinisil-pisil ni Xenon ang kanyang palad. "Wag kang matakot." Pagpapagaan nito sa kalooban niya.
At kahit may takot siyang nararamdaman sa kanyang puso ay sumakay siya ng chopper.
Sumunod na pumasok sa loob ng chopper si Xenon at muli nitong pinagsalikop ang kanilang mga kamay.
"I'm here Asy." Sabi nito at pinisil-pisil muli nito ang kanyang palad.
"S-salamat.." Nahihiya niyang sabi at ng maramdaman niya na umangat na ang sinasakyan nilang chopper ay hindi sinasadyang napayakap siya kay Xenon.
Nang mahimasmasan siya sa kanyang ginawa ay dumistansya siya dito. "S-sorry."
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. "Sus! Tanching ka lang, eh."
"Hindi, ah!" Sabi niya at inirapan niya ito pagkatapos ay tumingin siya sa maliit na bintana ng chopper na naging dahilan upang muli siyang matakot at mapayakap kay Xenon.
Naramdaman niya na sinuklian ni Xenon ang kanyang yakap na naging dahilan upang mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso..
"Kung natatakot ka talaga, sige lang. Yumakap ka lang.." Malambing nitong wika at tutal ay nakayakap na siya dito ay Lulubus-lubusin na niya.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa malapad nitong dibdib at hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap niya dito.
Ganito pala ang yakapsule.. ang sarap ulit-ulitin, nakakawala sa sarili. Pilya niyang wika sa kanyang isipan habang nakayakap sa kanyang gwapong boss..
A/N: Landeee alert si Asyneth! Huehue bumalik na ang sweet na Xenon 😍
Sa mga hindi pa nababasa ang Sinful Desire basahin niyo mga kumare. Para alam niyo pinagdaanan ng dalawang 'to.
BINABASA MO ANG
Her Indecent Proposal (COMPLETED)
RomanceNAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang...