Yay! Nakakatuwa 😊 ang dami ko palang reader na OFW hihi sana'y nakakatanggal nang lungkot kahit papano ang mga story na aking sinusulat. Alay ko ito sa inyo!
Sana minsan ay magsanga ang ating mga landas! Lubos akong matutuwa kapag naka-chikahan ko kayo 😉
Dedicated to MandieLee6
Chapter 20
ILANG beses na bumuntung-hininga si Asyneth ng tumigil na ang sasakyan ni Drake sa tapat ng kanilang bahay. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot niya sa kanyang ina kapag tinanong siya nito kung bakit siya umuwi.
"S-salamat Drake, at pasensya na rin.."
Nginitian siya nito. "Walang anuman, ayusin niyo 'yang gusot niyong dalawa, ha? Alam ko namang mahal niyo ang isa't isa, eh. At wag kang mag-alala, makakahanap rin ako ng trabaho."
"Salamat talaga, Drake. Pasensya ka na at nadamay ka pa sa gulo naming dalawa."
"Wala 'yun."
"Ingat ka sa pagmamaneho." Sabi niya at umibis na siya ng sasakyan.
Nang pinausad na ni Drake ang sasakyan nito ay inihakbang na niya ang kanyang paa papasok sa bakuran ng kanilang bahay.
Huminga muna siya ng malalim bago kinatok ang pinto ng salas ng kanilang bahay.
Nakakailang katok pa lamang siya ay bumukas na ang pinto at gulat na gulat ang kanyang ina nang makita siya nito.
"Oh? Bakit ka napauwi agad anak?" Maang na tanong nito sa kanya.
Umiwas siya ng tingin. "Ah, kasi ma——"
"Wag mo nang subukang magsinungaling Asyneth, magkadugtong ang bituka natin." Sabi ng kanyang ina at napakagat na lamang siya sa kanyang labi.
"Anong nangyari at umuwi ka ng walang pasabi?" Tanong nito sa kanya habang naglalakad sila papasok sa loob ng bahay.
Ibinaba niya ang dalang bag sa ibabaw ng lamesita. Pagkatapos ay naupo siya sa upuang kahoy sa tabi noon.
"Eh, kasi ma..."
"Ano nga kasi'ng nangyari?" Naiinip na tanong nito sa kanya.
Nilaro-laro niya ang kanyang daliri. "Umalis na ako sa bahay ni X.. at mag-re-resign na rin ako sa trabaho."
Lalong nagulat ang kanyang ina sa kanyang sinabi. "Aba! At bakit mo naman iyon ginawa? Anong dahilan mo Asyneth, ha?"
"Wala na akong dahilan upang manatili pa sa tabi niya.. hindi niya ako gaanong kamahal ma, at hindi ko kakayanin kung palagi ko siyang makikita."
"Hindi mo ba kayang ihiwalay ang iyong damdamin sa iyong trabaho?"
"Ma, parang sinabi mong tanggalin ko ang puso ko sa aking dibdib." Mapakla niyang sagot.
Nagpameywang ang kanyang ina. "Oh, eh. Paano ka na niyan ngayon? Hindi mo na inisip ang sinasahod mo sa pagtatrabaho sa kompanya niya! Aba, sa panahon ngayon utak na ang pinaiiral at hindi——"
"Ma, utang na loob.. wag niyo akong sermonan."
"Asyneth, iniisip ko lang kayong dalawa ni Xiana.. ang nais ko lang naman ay gumanda ang inyong buhay at sa laki ng sahod mo doon ay hindi na kayo maghihikahos——"

BINABASA MO ANG
Her Indecent Proposal (COMPLETED)
RomansaNAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang...