Chapter 21

4.7K 105 12
                                    

Chapter 21

UMANGAT ang isang kilay ni Asyneth nang makita niya na nahihirapan si Xenon sa ipinagagawa ni Mang Ambo dito.

Pinagwawalis kasi ito ni Mang Ambo ng kulungan ng mga manok na may maraming dumi at halatang-halata na hindi ito sanay sa ganoong gawain.

Nang tumingin sa kanya si Xenon ay umakto siyang walang pakialam dito kahit ang totoo ay naaawa na siya sa hitsura nito.

"Pagkatapos mo d'yan poging bagsik, tulungan mo akong maghakot ng tubig mula doon sa poso!"

Namilog ang mapungay na mga mata ni Xenon. "H-ho?"

"Hindi mo ba ako susundin?" Tanong ni Mang Ambo at nagsisiga-sigaan ito sa harap ni Xenon kahit hanggang kili-kili lamang naman ito ng lalaki.

"Susundin ko po." Magalang na tugon ni Xenon at sinundan niya ito ng tingin nang maglakad na ang dalawa ni Mang Ambo patungo sa poso.

"Mahal ka talaga ng lalaking 'yan." Sabi ng kanyang ina na tumabi sa kanya upang pagmasdan rin ang ginagawa ni Xenon.

"Paano mo naman nasabi, ma?"

"Hindi naman kasi niya iyan kailangang gawin. Kung tutuusin, pwedeng hindi na siya bumalik dito.. pero bumalik pa din siya, at hayan, nagpapakitang gilas sa iyo ngayon."

"Kulang pa nga 'yang ginagawa niya ngayon ma, dapat sa kanya ibinabala sa kanyon."

"Asyneth anak, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'yo. Pero sana, mahanap mo ang pagpapatawad diyan sa puso mo.. mabuting tao si Xenon, nararamdaman ko iyon."

Sana nga ma, sana nga..

"Anak, may sasabihin nga pala ako sa'yo." Sambit ng ina niya.

Kinabahan siya bigla. "Ano iyon ma? Wag mong sabihing pinatay mo naman ang alagang baboy nina Mang Pedring?" Tanong niya at natampal nito ang kanyang braso.

"Saan mo ba namana 'yang kalukahan mo?!"

"Sayo mama, anak mo ako, eh." Sabi niya at ngayon ay kinurot naman nito ang kanyang singit.

Ang brutal talaga ni mama. Naisip niya.

"Ano bang sasabihin mo kasi mama? Pa-suspense ka pa, eh." Naiinip niyang wika.

"Dadating kasi mamaya ang pamangkin ni Mang Ambo na galing Canada. Ang alam ko maganda, makinis, matangkad at maputi ang batang iyon.. hay naku! Siguradong kapag nakita iyon ni Xenon, mawawala ang pagmamahal na nararamdaman noon para sa'yo." Pagkawika ng kanyang ina ay nag-init ang kanyang tainga.

Maaaring galit siya kay Xenon, pero hindi niya hahayaan na matuon ang atensyon nito sa ibang babae.

Minsan na siyang naagawan, at hindi siya papayag na maulit muli iyon. Never, itinataga niya sa bato. Hindi na mauulit iyon.

"Oh, anak saan ka pupunta?!" Tanong ng kanyang ina ng nagmamadali siyang lumabas nang kanilang bahay.

"Kila Mang Ambo po! Susunduin ko na si Xenon." Sigaw niya at dahil tuloy-tuloy siya sa paglalakad ay hindi niya na napansin ang pagtawa nang kanyang ina na hindi naman totoo ang sinabi sa kanya tungkol sa pamangkin ni Mang Ambo.

Dahil wala talagang magandang pamangkin si Mang Ambo, ang nais lang ng kanyang ina ay mahanap ni Asyneth sa puso nito ang pagpapatawad at upang ma-realize din nito na hindi nito kayang mawala sa buhay si Xenon..

"Mang Ambo!" Pagtawag niya sa matandang kalbo na nakaupo sa may balde habang nakangisi kay Xenon na ngayon ay tumutungga sa poso.

"Bakit hija?"

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon