Chapter 2
DINIG NA DINIG ni Asyneth ang tilaok ng mga manok nang kapitbahay niyang si Mang Ambo. At kasabay ng pagtilaok ng mga manok ay ang siya namang pagputak ng asawa nito.
"Puro ka sabong! Itong anak mo wala ng makain!" Dinig niyang sigaw ng asawa ni Mang Ambo na si Julita.
"Ha-ne, naman. Hayblad ka na naman." Sabi naman ni Mang Ambo at base sa tono ng pananalita nito, ay nilalambing nito ang asawa.
Napaismid siya bago tuluyang bumangon sa papag na kanyang kinahihigaan bago niya pa marinig ang susunod na eksena ng dalawa.
"Neth anak, kumain ka na." Bungad ng kanyang ina pagkalabas na pagkalabas niya pa lang sa kanyang kwarto.
Nagpapasalamat siya na hindi na muli inaatake ng sakit sa puso ang kanyang ina. Malaking bagay ang hindi nito pagkakaroon ng sakit dahil malaking kabawasan iyon sa kanilang gastusin.
"Anong ulam, ma?" Tanong niya habang kinakatok niya ang pinto ng katabi niyang kwarto.
"Ano pa? Edi, tuyong sapsap tsaka kape." Sagot ng kanyang ina at mapait siyang napangiti.
Hindi ganito ang klase ng buhay nila dati, kadalasan masasarap na pagkain ang bumubulaga sa kanya tuwing gigising siya ng umaga.
Nabago ang nakasanayan niyang buhay simula ng maghiwalay sila ni Lux, ang dati niyang kasintahan.
Simula kasi ng mawala ito sa buhay niya ay pakiramdam niya ay wala na siyang silbi, nilustay niya ang pera niyang naitabi sa bangko sa pag-inom ng alak at ang iba ay ipinamudmod niya sa mga batang solvent.
Ganoon siya katindi noong nasaktan siya. Ultimong perang pinaghirapan niya ay nawalan na siya ng pakialam.
"Naynay ko!" Bungad sa kanya ng batang kababangon lamang mula sa maliit na kutson.
"Ganda naman ng gising ng anak ko." Nakangiti niyang wika sa batang babae pagkatapos ay kanya itong binuhat at pinupog ng halik ang mukha nito.
Anak niya ang bata sa pagkadalaga. Nabuntis kasi siya ng isang estrangherong lalaki na nakilala niya sa may bar, apat na taon na ang nakakalipas.
Ninais niyang hanapin ang ama ng anak niya noong buntis pa siya. Pero hindi niya maalala ang hitsura ng lalaking nakabuntis sa kanya. Kaya hindi niya na hinanap ito dahil alam niyang wala din namang patutunguhan.
"Naynay, priti bako?" Malambing na tanong sa kanya ng anak niya.
"Sobrang pretty Xiana anak, sobra." Sagot niya sa bata pagkatapos ay hinalikan niya ang noo nito.
Totoong maganda ang kanyang anak. Porselana ang kutis nito, matangos ang ilong at may manipis na labi. At sa tingin niya, ay sa ama nito nakuha ang features na iyon.
Tanging ang kulot na buhok lamang ang nakuha nito sa kanya.
"Lalamig pa ang kape at kanin, kumain na kayong mag-ina." Sambit ng kanyang ina kaya naupo na siya sa harap ng hapag-kainan.
"Ma, sorry..." Nasambit niya habang malungkot na nakatingin sa kanyang ina.
"Bakit ka nagso-sorry?"
Napahinga siya ng malalim. "Kasi ma, hindi naman ganito ang buhay natin dati.. kung hindi lang sana ako naging tanga sa pag-ibig hindi tayo—"
"Kalimutan mo na iyon. Ang mahalaga ay natuto ka na sa nangyari sa iyo..." Pagputol nito sa nais niya pang sabihin.
"Salamat ma." Nakangiti niyang wika sa kanyang ina bago niya sinabawan ng kape ang kanin niya.
"Sana sa susunod wag ka ng magkamali anak, at utang na loob.. wag ka ng pupunta muli sa mga bar, mahirap na.. baka mabuntisan ka na naman ng kung sinumang pontio pilato diyan." Paalala nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Indecent Proposal (COMPLETED)
RomantikNAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang...