Say hello to our new kumare messylittlesecret thank you for reading my story!
Chapter 14
KINABUKASAN pagkatapos nang insidenteng nangyari sa isla sa Batanes ay naging normal na ulit kay Asyneth ang lahat. Noong araw na nilisan nila ang isla ay 'yun din ang araw na umuwi na agad sila ng Maynila. At hindi na rin tinanggap ng kanilang kompanya ang naturang imbitasyon ng kliyente nila doon na i-advertise ang isla na pagtatayuan ng hotel and resort na dapat ay siya nilang pupuntahan ni Xenon.
Ang rason ng kanyang amo kung bakit hindi nito tinanggap iyon ay dahil delikado ang lugar. Which is totoo naman, dahil sila mismo ang nakaranas noon.
"Asyneth, parang namumula-mula 'yang pisngi mo, ah? Parang naputukan, ah." Puna sa kanya ng katrabaho niyang si Rica nang makasabay niya ito sa loob ng elevator.
Nabigla siya sa tinuran nito. Ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Siguro naman ay wala itong alam tungkol sa namagitan sa kanilang dalawa ni Xenon. Diba?
"Ano ba naman 'yang sinasabi mo? Naputukan ka naman diyan!" Sabi niya at umakto siyang hindi naaasiwa sa tinuran nito.
Umikot ang eyeballs ni Rica. "Naputukan ng blush on! Hay naku! Ang defensive." Sabi nito at nang tumunog na ang elevator ay lumabas na siya at naiwan sa loob si Rica na mukhang kalahi ni Boy Abunda kung sumagap ng chismis.
"Ganda mo naman ngayon, Asyneth." Papuri sa kanya ni Jennifer nang makasalubong niya ito papasok ng opisina.
"Ahh, salamat..." Naiilang niyang sabi bago siya tuluyang pumasok sa loob ng opisina.
Nadatnan niya sa loob si Xenon na prenteng nakaupo sa swivel chair nito at para bang hindi nito naramdaman ang presensya ng kanyang pagdating.
Kanina, bago siya pumasok ay ipinaghanda niya ito ng breakfast na karaniwan naman niyang ginagawa sa loob ng ilang buwan na pagsisilbi niya dito. At sanay siya na kinakausap siya nito habang kumakain o di kaya'y aalukin siya nitong sabayan niya itong kumain. Ngunit laking pagtataka niya ng hindi man lang siya nito pinansin kanina, at ni tapunan siya nito ng tingin ay hindi nito magawa.
Bakit kaya? Tanong niya sa kanyang isipan.
Alangan namang dahil nang nangyari sa kanila sa Batanes? Kung tutuusin nga ay dapat siya ang magalit, ang magkaroon ng hinanakit.. dahil siya itong babae na sa pangalawang pagkakataon ay nakuhanan ng pagkababae.
Nakuha ng lalaking hindi niya kasintahan.
Ngunit hindi niya iyon inisip. Kasi ang nakatatak sa kanyang kokote ngayon ay- ang lalaking mahal niya ang kumuha noon. Pero ang ikinasasakit lang ng kalooban niya ay ang pagiging malamig ng pakikitungo nito sa kanya.
Kape siguro ang kailangan, upang maging mainit ulit ang pakikitungo niya sa akin. Naisip niya at kaagad niya itong ipinagtimpla ng kape na siyang paborito nito.
"X, kape-"
"Call me sir." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
"S-sigurado ka ba? Paano yung nangyari sa atin?" Hindi niya alam kung saan siya humugot nang lakas ng loob at nagawa niyang itanong iyon dito.
"It's nothing. It is our way to survive on that island... I want us to act normal, nothing more and nothing less."
"Ganon' na lang yun?" Puno ng hinanakit na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Her Indecent Proposal (COMPLETED)
RomanceNAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang...