Chapter 12

5K 110 13
                                    

Chapter 12

ILANG ORAS lang ang lumipas at nakarating na sila ng Batanes. Pagkababa nila sa chopper ay naglakad na sila patungo sa hotel na nakatayo ilang kilometro ang layo mula sa dagat.

"Careful, Asy." Paalala sa kanya ni Xenon ng muntik na siyang matumba habang umaakyat sa hagdan patungo sa kwartong pansamantala niyang tutuluyan.

"X, dito na lang 'yang mga gamit ko." Sabi niya ng akmang papasok ito sa loob ng kanyang kwarto.

Ibinaba nito sa sahig ang travel bag niya. "Okay. See ya' later at restaurant near beach front."

"Sige." Sabi niya at nakapamulsa ito ng maglakad papalayo sa kanya.

Kinuha niya ang travel bag at ipinatong iyon sa ibabaw ng king sized bed. At dahil hindi naman siya napagod sa byahe ay hindi na siya nahiga sa kama upang magpahiga.

Mapapagod ba naman siya? Eh, mahimbing nga siyang nakatulog sa dibdib ni Xenon habang mahigpit na nakayakap dito.

Napangiti siya ng sumagi sa kanyang isipan ang ginawa niyang pagyakap kay Xenon at ang pagsukli nito sa yakap niya.

"Ano ba self! Kalma mo pempem mo!" Pagkausap niya sa sarili at sinampal-sampal niya ang kanyang pisngi.

"Wag kang ma-fall sa kanya! Please!" Dagdag pa niya at sinampal niya ng malakas ang kanyang pisngi. At kasabay noon ay ang pagtunog ng kanyang cellphone.

From: Boss X
Where are you?

"Diyan sa puso mo!" Sabi niya sa sarili at wala siyang balak na itipa iyon sa keyboard ng kanyang cellphone.

To: Boss X
Papunta na po 😊

Pagkareply niya kay Xenon ay nagmamadali niyang tinungo ang banyo at tsaka naligo ng mabilis. Pagkatapos ay naglagay lang siya ng pulbos sa kanyang mukha at kulay rosas na lipstick sa kanyang labi.

At nang maisuot na niya ang kanyang pulang monica dress ay naglakad na siya papunta sa restaurant sa may beach front kung saan naghihintay ang kanyang amo.

"Hoy X!" Pukaw niya sa kanyang amo ng pagdating niya sa restaurant ay natulala ito sa kanya.

"B-bakit ganyan ang suot mo?"

Kumunot ang kanyang noo. "Pangit ba?"

"Hindi. Pero baka lamigin ka." Pagkawika nito ay hinubad nito ang suot na coat pagkatapos ay inilagay iyon sa hubad niyang balikat.

"Better." Nakangising wika ni Xenon at ipinaghila siya nito ng upuan.

"Ehhh!" Tili niya sa kanyang isipan. Kinikilig siya sa ginawa nito pero kailangan ay hindi nito iyon mahalata.

"Kain muna tayo. Habang hinihintay pa natin ang pagdaong ng yate."

"Sasakay tayo ng yate? Hindi ba ito ang lokasyon na ichecheck natin?" Nagtataka niyang tanong dito.

Umiling-iling si Xenon. "Hindi dito Asy, doon pa sa isang sila."

"Ahh." Yun lang ang nasabi niya pagkatapos ay nag-umpisa na siyang kumain.

Sakto namang pagkatapos niyang kumain ay dumaon na sa gilid ng dagat ang yate na kanilang hinihintay.

"Tara na." Pagyaya sa kanya ni Xenon at lihim siyang napangiti ng ibutones nito ang coat na isinuot sa kanya bago sila naglakad patungo sa yate.

Tiningnan niya ito na tila bang naghahanap siya ng kasagutan kung bakit nito iyon ginawa.

"Para hindi ka lamigin, kaya ko ibinutones." Sabi nito sa kanya.

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon