Nakatanaw sa kawalan si Carmela. It was a November afternoon at medyo umaambon. Hindi niya ininda ang mamasa-masang damuhan na kinauupuan niya. Nangingitim na ang kalangitan, tanda ng nagbabadyang ulan, ngunit hindi siya tumitignag. She traced the name on the tombstone on her left - Edmundo Aragon. Here lies her father's body who was accused of murdering his best friend and taking his own life days after. Sa tabi nito ay ang kanyang ina na hindi na rin kinaya ang iskandalong iyon anim na taon na ang nakararaan. Anim na taon nang wala ang kanyang mga magulang at anim na taon na din siyang naghahanap ng hustisya para sa ama at sa taong pinatay umano nito. Alam niyang hindi ang papa niya ang pumatay. She was there. She heard everything. She knew who it was. Wala lang siyang ebidensiya. Napabuntong hininga siya at mariing ipinikit ang mga mata para pigilan ang pag-iyak.
"Tulungan ninyo ako, ma, pa." Mahinang usal niya. May mga araw na nawawalan na siya ng pag-asa ngunit hindi siya sumusuko.
Nagsisimula ng pumatak ang ulan ng magdesisyon si Carmela na lisanin ang lugar na iyon. Tutuloy siya sa school dormitory at doon mamamalagi hanggang sa matapos ang semestral break. Isang linggo na lang ang hihintayin bago magsimula ang klase nila. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo sa kursong Mass Communication. Sa edad na 25 dapat ay tapos na siya sa pag-aaral at nagtatrabaho, ngunit nahinto siya noong mamatay ang mga magulang niya. Nawala ang lahat sa kaniya at muntikan na din siyang sumuko, ngunit binubuhay siya ng determinasiyong malinis ang pangalan ng papa niya. Hindi niya hahayaang isipin ng mga tao na mamamatay-tao at gahaman sa pera ang papa niya.
Lumalakas na ang ulan at lakad-takbo ang ginawa ni Carmela upang mabilis na makalabas sa sementryo. Sa labasan ay meron ng mga tricycle na pwedeng maghatid sa kanya hanggang sa pinapasukang paaralan. Malapit na siya sa labasan ng may mabangga siyang tao. Tumingala siya ngunit hindi naman niya nakita ang mukha nito dahil nakasumbrero.
"Sorry po." Hinging paumanhin niya saka nagpatuloy.
Hindi pa siya nakakadalawang hakbang nang may humawak sa braso niya. Bigla ang daloy ng kilabot sa buong katawan niya. Normal na iyon sa kanya. Sa maraming pagkakataon ay naghihisteriya siya, ngunit nakontrol na niya iyon. She pushed the the feeling down and slowly faced the man. Binawi niya ang braso at pinakawalan naman nito iyon.
"Bakit po?" Tanong niya na yakap ang sarili. Nilalamig na siya sa pagkakababad sa ulan.
The man removed his sunglasses. "Ikaw ba si Carmela?" Tanong nito.
Bigla siyang kinabahan. Konti lang ang mga kaibigan niya at wala siyang naisip na may maghahanap sa kanya. And this particular man in front of her is very unfamiliar. 6 footer ito, malaki ang katawan, nakaitim na fitted T-shirt and jeans. Parang gustong magwala ng mga masels nito sa suot na T-shirt. Iyong tipong pang bouncer. Ang mga kilay nito ay nagsasalubong sa gitna. Higit sa lahat, he doesn't look friendly. Parang kidnapper.
Nanlaki ang mga mata ni Carmela sa naisip. Kidnapper. Nagsisimula na namang bumangon ang takot at kilabot na pilit niyang pinipigilan mula ng hawakan siya ng estranghero. She can feel the dread rising from her gut. Nararamdaman niya ang mga namumuong pawis sa noo niya kahit na basang-basa siya sa ulan. Kidnapper. Ulit ng utak niya habang unti-unting umaatras. Ang mga sumunod na pangyayari ay tila sa pelikula. Slow motion. She turned to run. Malapit na siya sa labasan kaya sigurado siya na may makakatulong sa kanyang mga tricycle driver. She sobbed. Nagsisimula na ang histeriya niya. Kung hindi niya ito mapipigilan ay siguradong makikidnap na lang talaga siya dahil hindi na siya makakapag-isip ng matino. She ran as fast as her feet would let her, ngunit bago pa siya makarating sa bukana ay nahawakan na siya ng lalaki. Mahigpit at hinihila siya nito. Tuluyan ng kumawala ang lahat ng takot niya.
"Wag!" Sigaw niya sa lalaki na ipinulupot ang mga braso sa katawan niya. "Wag! Tulong!" Nagwawala siya. Masyadong mabilis ang tibok ng kanyang puso at pakiramdam niya ay masusuka siya. "Bitiwan mo ako! Tulong!" Isinisipa niya ang mga paa kahit wala naman itong natatamaan.
"Boss..." Tugon ng estranghero.
Hindi na napansin ni Carmela ang pagdating isa pang lalaki dahil nanlalabo ang paningin niya. Hindi ang kasalukuyan ang nakikita ngunit ang sunod-sunod na pagbabalik ng mga memoryang pilit niyang kinakalimutan. Her marred past. Always in the corner of her mind waiting to assault her.
"Carmela..." Tawag ng isang pamilyar na tinig.
Hindi makita ni Carmela ang mukha ng lalaking kaharap dahil sa mga luha, ngunit sigurado siyang ito ang tumawag sa kanya. Hindi ito mula sa memorya na naglalaho na nang unti-unti.
"Tulungan mo ako..." Pagmamakaawa niya.
"Sshh." Alo nito sa kanya. Kinuha siya mula sa lalaking bumibihag sa kanya.
Unti-unti na ring humuhupa ang paghihisteriya niya. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay ligtas na siya. Nang lumuwang ang pagkakahawak ng "kidnapper" ay agad bumuwal sa pagkakatayo si Carmela. Agad naman siyang sinalo ng lalaking may pamilyar na tinig. Napasubsob siya sa dibdib nito at napansin niyang pati ang amoy nito ay pamilyar. Pilit niyang inaaninag ang mukha ng tagapagligtas niya. Nanlalabo pa rin ang paningin niya ngunit nakita niya ang pares ng makakapal na kilay. His eyes are dark, intimidating and mysterious. They are familiar as well. Her stomach tightened deliciously. She knew the feeling as well. Umuukilkil sa isipan niya ang mukhang nagmamay-ari ng mga matang iyon. A memory came rushing again. This time, a good one.
A man in slacks and blue polo sitting on a chair, reading a book. Behind him is a vanity table. He looked up from his book and stared at her.
"Are you done?" He asked.
She nodded with a smile. And in slow motion, he closed the book and let his hand hang on the side, revealing his face. He smiled at her. His other hand reached out to her. She took them and walked to him. She sat on his lap.
"I missed you, Carmela." He whispered.
Her stomach tightened deliciously. "I missed you too, Hunter."
"Hunter..." Naisatinig niya bago siya mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Marred (Completed)
RomansaDalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bago ang kasal nila. Inalagaan niya ang galit niya sa nakalipas na mga taon. Nang magbalik siya sa baya...