Chapter 24

888 25 5
                                    

Nasabihan na siya ni Yaya Anna na palagi talagang tumitigil ang mga bus dahil nangunguha din ng pasahero sa daan ang mga driver niyon. Marami kasing mga pasahero na hindi na pumupunta sa istasiyon lalo na kung puwede naman silang daanan na lang ng bus. Kaya kahit na walang masyadong pasahero sa istasiyon ay malaki ang posibilidad na punuan ang bus pagdating sa Maynila. Kapag nagkaganoon ay hindi malayong may makatabi siya sa biyahe. Kahit na kaya naman na niya, ayaw pa rin niyang may tumabi sa kanya. Mas gusto niyang magpahinga kaysa guwardiyahan ang sarili sa kung sino man ang makakatabi. Kaya naman binayaran niya ang katabing upuan.

Naputol ang daloy ng pag-iisip ni Carmela nang maramdaman niya ang pagkawala ng maleta niya sa katabing upuan. Agad siyang nagmulat ng mga mata at bago pa niya mapagtanto kung ano ang nangyayari ay may humawak na sa kamay niya at hinatak siya patayo. Medyo nahilo pa siya sa biglaang pagtayo.

"Okay ka lang?" May halong pag-aalala sa boses nito.

She froze. "Hunter?" She recognized him even before she saw his face. She would never forget his voice in a million years. Her heart leaped. Gusto niya itong takbuhin at yakapin ngunit mariin niyang pinigilan ang sarili. "A-anong ginagawa -"

"I'll drive you." Putol nito sa sasabihin niya. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Tila sinusuri kung maayos ba siya at saka tiim bagang siyang hinila palabas ng bus.

Nagulat pa siya nang makita ang kotse ni Hunter sa gitna ng kalsada at pinipigilan ang bus na makadaan. Mabuti na lang at hindi matraffic ng mga oras na iyon. Ipinasok nito ang maleta niya sa trunk at saka pinagbuksan siya ng pinto.

"Get in." Hindi mababali ang tono nito.

Walang pag-aatubili na pumasok sa sasakyan si Carmela. Kapag nakipagdiskusiyon pa siya ay makakaabala pa sila sa ibang pasahero ng bus. Pumasok na din ito at kinabig ang kotse pabalik sa pinanggalingan niya.

Kunot-noong binalingan niya ang lalaki. "Akala ko ba ihahatid mo ako?"

Matalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Hindi ito nagsalita at ibinalik na ang tingin sa daan. Carmela sighed and settled on her seat. Sa labas niya itinuon ang tingin. Malabo ng makarating pa siya sa Maynila sa takdang oras. Hindi na rin niya magagamit ang plane ticket niya. Ipapa-cancel na lang niya iyon at magbo-book ulit ng flight. Ang problema lang eh kung tanggapin pa rin siya ng Berkeley kapag nahuli pa siya ng isang araw. If truth be told, hindi mabigat sa pakiramdam niya ang nangyari. Siguro nga ay pinilit niya lang ang sarili na mangibang bansa kahit na ayaw naman talaga niya. 

"Aalis ka na lang ba talaga ng hindi nagsasabi sa akin?" His voice cut into her thought.

"Sinabihan ko si Haley at Tita Stella. Bakit ka ba nagagalit?" Puna niya sa pagkakakunot ng noo nito.

Nagbuntong-hininga ito. "Hindi ako galit, Carmela. Hindi ko lang maisip kung bakit ka aalis ng hindi nagpapaalam sa akin." Kumalma na ang boses nito. "Marami lang laman ang isip ko ngayon."

"You could've spared yourself a headache kung hindi ka na nag-abalang habulin ang bus." Umiinit ang ulo niya sa takbo ng pangyayari. She was glad to see him, ngunit hindi niya nagugustuhan ang tugon ng puso niya. He is a married man now. She reminded herself.

Matalim pa rin ang tinging ipinupukol nito sa kanya, ngunit sa halip na patulan siya ay iniba nito ang usapan. "May gusto akong ipakipag-usap sa iyo."

"Spill." Nakatuon ang pansin niya sa labas.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Gusto kitang pasalamatan."

Bumaling siya dito. Wala na ang pagkakakunot ng noo nito at puno ng sinsiridad ang boses nito.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon