November 9, 2013
The sound of a closing door woke up Carmela. Sinubukan niyang idilat ang kanyang mga mata ngunit wala siyang makita. It was pitch black at nararamdaman niya ang mahigpit na nakapulupot sa mga mata at bibig niya. She can't see and talk. Bumangon ang matinding kaba sa dibdib niya nang mapagtanto na hindi din niya naigagalaw ang buong katawan niya. Nakatali ang mga kamay at binti niya. Sinusubukan niyang kumawala ngunit mahigpit ang pagkakatali sa kanya. She tried screaming, but her voice was muted by the cloth over her mouth. Ano ang nangyayari? Bakit siya naroroon sa sitwasiyon na iyon?
Ang huling natatandaan niya ay nagpunta siya sa doktor dahil palagi na lang siyang nahihilo nitong huling mga araw. She felt tired and nauseous at suspetsiya niya ay nagdadalang tao siya. And she was right. The doctor confirmed her pregnancy. 6 weeks. Sunod na pinuntahan niya ay ang gumagawa ng gown niya. It's her final fitting. Dalawang linggo na lang ay ikakasal na siya. Naghihintay siya ng masasakyan pauwi nang may humintong van sa tapat niya. The men were in masked and forced her inside. Nagpupumiglas siya ngunit may itinakip ang isa sa mga ito sa mukha niya. Masangsang ang amoy niyon at nawalan siya ng malay. Sino naman ang gagawa nito sa kanya? Nag-uunahan ang tanong sa isip niya ngunit wala siyang sagot.
Sa bahay ng mga Ledesma.
Mainit na pagtatalo ang nangyayari sa loob ng study room ni Mario Ledesma. Maliban kay Mario ay nandoon din sina Edmundo Aragon at Salvador Diaz. Magkasosyo sa negosyo sina Mario at Salvador, habang head ng legal counsel ng kompanya si Edmundo. Mayroon ding kaunting share ang pamilya Aragon sa kompanya ngunit hindi kasing laki ng kina Mario at Salvador. Maya-maya pa ay dinaluhan sila nina Stella Ledesma, ang may bahay ni Mario, at Corazon Aragon, ang may bahay ni Edmundo. Ang dalawang babae ay agad pinakalma ang kani-kaniyang asawa, ngunit walang nagawa si Stella sa galit ni Mario
Mataas pa rin ang tensiyon sa loob ng study room. Matinding nagtatalo sina Mario at Salvador dahil sa natuklasang pagdispalko ng huli sa pera ng kompanya. Si Edmundo ang nagsisilbing nasa gitna ng dalawa. Subalit mas kumakampi siya kay Mario dahil ang may mali sa sitwasiyon na iyon ay si Salvador. Mario has all the evidences and he's determined to file a case and sever all ties with Salvador. Kaya nandoon si Edmundo dahil inihahanda nila ang kaso laban kay Salvador. Hindi nila inaasahan na matutunugan ni Salvador ang plano nila kaya ito napasugod sa mansiyon ng mga Ledesma.
"I won't let this pass, Salvador!" Mariing wika ni Mario. He was furious. "You will rot in jail!"
"Hindi mo iyan gagawin, Mario." Takot at galit ang naghahari sa puso ni Salvador. He was pacing the study room like a maniac. Hindi ito mapakali. Nagulo na rin ang buhok nito dahil maya't-maya nitong sinasabunutan ang sarili. "You can't do this, Mario. I won't let you do this."
"Kumalma ka, Salvador." Si Edmundo na hindi alam kung papaano mapapagaan ang sitwasiyon. "Can we talk this through without us shouting at each other?" Pakiusap niya sa dalawa.
"Kung ayaw mong makulong," Simula ni Mario na nakatingin sa hindi pa rin mapakaling si Salvador. "Bayaran mo ang mga ninakaw mo sa kompanya, Salvador."
Mas lalong umigting ang emosiyon ng may sala sa narinig. Saan siya kukuha nang kulang-kulang dalampung milyon? Nararamdaman niya ang pangingibabaw ng takot sa kanyang dibdib. Takot siyang makulong, mapahiya at baka madamay pa ang mga anak niya. At sa nakikita niyang anyo ni Mario ay alam niyang hindi nito mapapalampas ang ginawa niya. At that moment, he felt the poking cold metal on his side. His gun.
"I know you can't pay the price, Salvador." Si Mario ulit. Nakatayo ito malapit sa bintana. Nakakuyom ang mga kamao dahil sa galit. "Aminin mo na lang ang mga kasalanan mo at pagbayaran iyon sa loob ng kulungan."
BINABASA MO ANG
Marred (Completed)
RomantizmDalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bago ang kasal nila. Inalagaan niya ang galit niya sa nakalipas na mga taon. Nang magbalik siya sa baya...