Chapter 3

1.2K 24 0
                                        

Dalawang buwan matapos magpahayag ng damdamin si Hunter ay palagi na itong kasama ni Carmela. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kani-kanilang pamilya ang pag-ibig sa pagitan nila. They approved of it, lalo na si Haley. Magiging totoong magkapatid na daw sila pag nagkataon.

Masaya siya na tanggap siya ng pamilya ni Hunter, pero mas masaya siya na tanggap ng pamilya niya ang relasyon nila. Buong akala niya ay pagbabawalan siya ng kanyang ama dahil ayaw nitong makipagrelasiyon siya habang nag-aaral. Hunter was the exception to the rule. For once, he did asked for her parents' permission and they regarded him highly for that.  

Mga katok sa kanyang pinto ang nagpabalikwas sa kanya. She was doing her homework pero nagprocrastinate siya. Sinulyapan niya ang alarm clock niya. Alas siyete na ng gabi. Sino naman kaya ang kakatok sa kanya ng ganitong oras? Usually after dinner, her parents will retire for the night. And they just did that an hour ago. Baka si Yaya Anna.

"Pasok." She called out. Dumapa siya para ipagpatuloy ang paggawa ng assignment. Narinig niyang bumukas ang pinto. "Ano iyon, Yaya?" Tanong niya na ang mga mata ay nakatuon sa pagsusulat.

"Sorry to disappoint you, Doll, but Yaya Anna is not here." Si Hunter na nakatayo sa nakabukas na pinto.

Bigla ang ginawang paglingon ni Carmela. He's leaning against the door frame. One hand inside his pocket, the other is hanging on the side. He has undone two buttons from his dress shirt. Tiningnan siya ni Hunter mula ulo hanggang paa. A glint on his eyes when they lingered on her exposed legs. He adjusted his necktie. Nakaramdam naman ng pagkapahiya si Carmela. Naka oversized T-shirt nga lang pala siya dahil hindi naman niya inaasahan na may darating pa siyang bisita at matutulog na rin dapat siya pagkatapos ng homework niya. Umayos siya ng upo sa kama at tinakpan ng kumot ang mga binti.

Hunter dropped his eyes, a soft smile on his lips. He raised his head and bit his lower lip. "You're cute." Saad nito habang papasok sa kwarto niya.

Naramdaman ni Carmela ang pamumula ng pisngi niya. "What brings you here? Akala ko bukas ka pa uuwi."

Nagpunta ng Maynila si Hunter to take care of his own business. Bukod sa negosyo ng pamilya ay nagtayo ito ng sariling security agency. Nag double major ito sa college ng Business and Criminology. Naipasa nito ang dalawang kurso with flying colors. When he went abroad to major in Business ay nakatayo na ang security agency. Unti-unti na itong lumalaki.

Umupo si Hunter sa vanity chair. He crossed his legs. Kinuha nito ang naiwan niyang libro sa vanity table at sinimulan iyong buklatin.

"Yes. Bukas sana ang uwi ko." Simula ni Hunter habang nagbabasa. "Pero may gumugulo sa isip ko kaya umuwi ako ng maaga sa plano."

Concern flooded Carmela's face. "May problema ba sa negosyo niyo?"

"I'm not talking about business, Doll." Sinulyapan siya nito. "Ikaw ang tinutukoy kong gumugulo sa akin."

"Oh." She blushed.

"You are giving me sleepless nights." He once again adjusted his necktie. "Are you done?" Tinapunan nito ng tingin ang nakakalat niyang notebook at libro.

She nodded with a smile. Hindi pa siya tapos pero Sabado naman kinabukasan kaya may oras pa siyang gawin ang mga takdang-aralin.

Hunter closed the book and let his arm hang on the side. He smiled back, his other hand reaching for her. Tumayo si Carmela at hinayaang mahulog ang kumot na kanina ay itinabon niya sa kanyang binti. She took his hand and walked to him. Tumayo siya sa harap nito. Ibinalik ni Hunter sa vanity table ang librong hawak. He placed both hands on her hips and pulled her down. She's straddling him. His hands proceeded to rubbing her legs. Nagtayuan ang mga balahibo ni Carmela at bumilis ang tibok ng puso niya. They've never been this sensual. 

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon