It has been three days since the package incident happened. Tatlong araw na ding sa bahay ni Carmela natutulog si Hunter. Pinapalitan nitong lahat ang lock ng bahay niya. He was very thorough about the locks. Magkasabay na rin silang pumapasok sa opisina. Kung noon ay hindi siya nag-e-elevator, ngayon ay sumasakay na siya basta't kasama ito. At nagsisimula na rin ang klase niya.
Although walang nangyayari in the past 3 days, hindi pa rin mapakali si Carmela. Tila napakatahimik ng nagdaang mga araw. Hindi iyon ang inaasahana niya ngayon na nakauwi na si Marco. Idagdag pa na ito ang pinaghihinalaan niyang nagpadala ng package sa kanya upang manakot.
"Insan, may alam ka bang ibang trabaho? Hindi ko makayanan itong boss ko." Sabi ng tinig na kapapasok lang sa CR.
Ipa-flush na sana ni Carmela ang toilet ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Rumehistro kaagad sa isip niya ang mukha ng bagong sekretarya ni Salvador na humalili sa kanya. Sinilip niya sa siwang ng toilet door kung tama ang hinala niya at hindi nga siya nagkamali. Nakaharap ito sa salamin at nagre-retouch habang ang cellphone ay nasa tile counter. Naka earphones ito kaya malaya nitong nagagawa ang pagre-retouch. Hindi niya ugali ang mag-eavesdrop ngunit na-curious siya sa sasabihin pa nito.
"Feeling ko may ginagawang illegal itong boss ko eh." Maya-maya ay sabi ng sekretarya ni Salvador. "Narinig ko ang usapan nila nung manugang niya. Kailangan daw nila iyong gawin para makuha ang kompanya. Hindi ko masyadong maintindihan pero ayoko lang madamay. Ihanap mo naman ako ng bagong trabaho."
Nagpaalam na din ang sekretarya sa kausap nito maya-maya pa. Bagsak ang mga balikat ng babae nang lumabas ito ng CR. Si Carmela naman ay napapakunot ang noo. Ano ang ibig-sabihin nito na kailangang gawin nila Salvador at Marco para makuha ang kompanya? Hindi maganda sa pandinig niya ang mga nalaman.
Halos hindi siya nakapag-concentrate sa klase niya dahil sa narinig. Maraming nabuong plano sa isip niya para makakuha ng ebidensiya sa mga illegal na ginagawa ni Salvador at Marco, ngunit lahat ng pumapasok sa isip niya ay laging may butas. Ilang oras na niyang iniisip ang mga dapat gawin. Alas otso y media na ng gabi at nasa last subject na siya ngunit wala pang kongkretong plano na nabubuo.
"Everyone can leave, except Carmela." Anang professor nila.
Nagising siya sa pag-iisip sa pagkakabanggit ng pangalan niya. She gathered her things at lumapit sa mesa ng professor niya. The old woman adjusted her lenses. Ngumiti ito sa kanya at pinaupo siya sa pinakaunang desk malapit sa mesa nito. May kinuha ito sa folder na dala. An envelope; larger than most envelopes.
"Buksan mo." Ibinigay nito ang envelope sa kanya. Nakangiti pa din ito sa kanya. Tila ba excited itong makita niya ang laman ng envelope.
Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Carmela ang return address na nakasulat sa envelope. Binuksan na lang niya iyon gaya ng sabi ng professor niya. Kinuha niya ang alam niyon at binuklat. Una niyang nakita ang header. Logo iyon ng isang paaralan : Ang university seal at kasunod ay nakasulat ang "Berkeley" at sa ilalim "University of California". Sunod na nabasa niya ang pambungad. Nakasulat doon ang apelyido niya. Napansin kaagad niya ang opening ng sulat, "Congratulations!" ang nakasulat doon. Nangunot ang noo niya.
"Ano po 'to?" Naguguluhang tanong niya. Sa kanya ba ang sulat na iyon? Sino naman ang magpapadala ng sulat sa kanya mula sa prestihiyosong paaralan na iyon?
Nag-atubili ang propesora sa nakikitang reaksiyon niya. Parang hindi nito inaasahan na malilito siya imbis na matuwa. "Well," Simula ni Mrs. Cruz. Ngumiti itong muli. "Remember that article you wrote last semester? Iyong na feature sa university newspaper."
She nodded. Natatandaan niya ang article na iyon. Sa loob ng apat na taon sa mass communication ay noon lang siya pumayag na sumulat para sa university publication. Her professors have praised her for her writing skills, but she refused the continuous invitation to write something for the university paper. Pumayag lang siya noong tinakot siya ni Mrs. Cruz na baka bumagsak siya sa subject nito dahil siya na lang ang hindi nakakapag contribute sa university newspaper. Maganda naman ang kinalabasan ng article niya. She received praise not only from professors, but also from her co-students. She was actually proud of it.
"I sent that article along with some other articles that you've written so far. They offered a scholarship for mass communication students from outside the USA. Sinubukan ko lang naman. I was so surprised to receive that letter yesterday." Sabi ni Mrs. Crus. The old woman actually looked genuinely happy and proud.
"P-pero, Ma'am..." The opportunity is very tempting pero hindi niya kaya iyon. Her mental state won't allow her.
"Think it over, Carmela." Sabi ni Mrs. Cruz bago pa lang niya masundan ang sinasabi. "You have 2 months to think about this. Sayang ang opportunity."
Sumasang-ayon siya sa sinasabi nito. Sayang ang opportunity. "Cge po, Ma'am. Pag-iisipan ko muna ito."
Halos kalahating oras na siyang naghihintay kay Hunter. Bumalik siya sa opisina pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mrs. Cruz. Tinanggal niya muna sa isipan ang tungkol sa scholarship na natanggap. Mas iniisip niya ngayon ang dapat gawin para mabisto si Salvador. Lumabas muna siya ng opisina para mag.CR nang makasalubong niya ang sekretarya ni Salvador. Halos mag-a-alas diyes na ng gabi at masyadong gabi na para sa pag-uwi nito.
"Nita, ngayon ka lang uuwi?" Pukaw niya sa babae na tila wala sa sarili na naglalakad.
Medyo napaigtad pa ito nang marinig siya. "O-oo, Carmela. May pinapatapos lang si Sir. Kakaalis lang din niyon. Masyadong busy para sa darating na board meeting."
Tumango siya at nagpaalam. Habang nasa CR ay may nabuo ng plano sa isip niya. Kinakabahan siya, ngunit kailangan na niya iyong gawin. Ngayon lang siya magkakaroon ng ganitong pagkakataon. Nagpapasalamat siya na ginabi si Hunter sa mga meetings nito.
Nakatayo si Carmela sa harap ng opisina ni Salvador. Sa isang kamay niya ang ang duplicate key ng opisina na iyon. Habang tinuturuan niya ang bagong sekretarya ni Salvador ay nagkaroon siya ng pagkakataon na ipaduplicate nga ang susi ng opisina. Ngayon ang tamang panahon para gamitin iyon. Madilim na sa bahaging iyon ng building dahil wala ng tao. Sa katunayan ay sa malapit sa opisina na lang ni Hunter may ilaw.
Tinungo ni Carmela ang pintuan ng opisina ni Salvador at isinilid ang susi sa susian. She already anticipated the click when it opened, ngunit nagulat pa rin siya. Kinakabahan siya sa ginagawa ngunit kailangan niya iyong gawin. Ganoon talaga siguro kapag mayroon kang gagawin na hindi dapat. Madilim sa buong silid. Ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang buwan at mga ilaw sa labas ng building. Hindi iyon naging hadlang dahil kabisado niya ang opisina ni Salvador. Ang una niyang pinuntahan ay ang mga filing cabinets. Inaaninag niya ang mga dokumento gamit ang cellphone. Nang wala namang makita na kakaiba ay binuksan niya ang drawers sa executive table nito. Madaming files din ang nakasilid sa drawers ngunit wala doon ang hinahanap. Halos kalahating oras na siya sa loob ng silid na iyon at pinagpapawisan na siya. Ang kaba niya ay dumudoble sa paglipas ng mga minuto. Frustrated din siya dahil tila lalabas siya ng silid na iyon na hindi nagtatagumpay. Binuksan niya ang computer nito ngunit wala din siyang makita doon. She sighed at ibinagsak ang sarili sa swivel chair ni Salvador. Inililibot niya ang paningin sa madilim na silid at iniisip kung saan pa pwedeng may paglagyan ng hinahanap niya. Ni hindi nga niya alam kung ano ang gusto niyang makita. Just anything out of ordinary. Bulong ng isip niya.
Tatayo na sana siya sa pagkakaupo ng maagaw ng isang folder sa ibabaw ng mesa ni Salvador ang pansin niya. Naiilawan ito ng naka-on na computer. Nasa pinakailalim ang folder na iyon na napasama sa mga dokumento na kinakailangang pirmahan ni Salvador. Iyong mga dokumento na ipinapasa ng kanyang sekretarya na kailangan pa niyang pag-aralan. Naalala niya ang sekretarya ni Salvador. Sigurado siya na ang sekretarya ang may lagay ng mga folders na iyon sa mesa ni Salvador. Kasali ba ang folder na may pangalan ng ama niya?
Kinuha niya iyon at binuklat. Hindi masyadong pumapasok sa isipan niya ang mga nakasulat doon kaya naman napagdesisyunan niyang i-scan iyon at isend sa email niya. Binuhay niya ang scanner at ini-scan ang may sampung pahinang dokumento. Pumunta siya sa gmail at tamang-tama naman na hindi nai-log out ni Salvador ang account nito. Kinuha muli ng isang email ang pansin niya. Nandoon ulit ang pangalan ng ama niya. Kasama ang email na iyon na ifinorward niya sa email niya. Pagkatapos i-send ang dapat i-send ay binura niya ang sent items. Butil-butil ang pawis niya ng patayin niya ang scanner at computer. Ibinalik din niya sa hilera ang folder na kinuha niya. Dahan-dahan niyang tinungo ang pintuan at lumabas.
Pinakawalan niya ang pinipigil na paghinga ng makalabas na siya. Madilim pa rin sa labas ng opisina ni Salvador gaya ng inaasahan. Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa opisina ni Hunter. Ngunit hindi pa man siya nakakailang hakbang ay mag humawak na sa braso niya.
"Carmela..."
Napasinghap siya at muntik ng mapasigaw kung hindi lang nito tinakpan ang bibig niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/205541913-288-k276113.jpg)
BINABASA MO ANG
Marred (Completed)
Roman d'amourDalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bago ang kasal nila. Inalagaan niya ang galit niya sa nakalipas na mga taon. Nang magbalik siya sa baya...