Chapter 14

876 16 6
                                    

Hinila siya ng lalaki sa may pinakamadilim na bahagi ng building na iyon at ikinubli siya sa hilera ng mga filing cabinets. Napakalapit nito sa kanya that she's already breathing him and he's breathing her. She knew it was Hunter. Sino pa ba naman ang nakakahawak sa kanya na hindi siya naghihisteriya. Also, she knew his smell. Nalanghap na niya iyon ng takpan nito ang bibig niya. She was suddenly feeling hot. She can also feel him. Idinikit pa niya ang sarili dito. Wala naman sigurong masama if they do a quickie there. Wala namang tao.

Tinanggal nito ang pagkakayap ng braso niya at binalya siya sa filing cabinet. "What the hell are you doing here?" Anas nito. Mahina ang boses nito na tila ba ayaw nitong may makarinig sa kanila kahit na wala namang tao sa paligid. Nararamdaman niya ang tensiyon sa mga kalamnan nito sa pinipigil na galit.

Nagulat si Carmela sa reaksiyon nito. "M-may... may h-hinahanap-"

"Sshhh." Tinakpan nitong muli ang bigbig niya.

Noon niya narinig ang mga yabag at mahihinang usapan na papalapit sa kanila. Napigil niya ang hininga at tumambol ang puso niya sa kaba. Naaaninag niya ang anino ng mga ito. Sigurado siya, si Salvador at Marco iyon. Naikuyom niya ang mga kamao sa pagkakakilala niya kay Marco. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng kalamnan niya. Hunter held her. Hinihimas nito ang likod niya and in an instant she relaxed. Pumasok sa opisina ni Salvador ang dalawa at wala pang tatlong minuto ay lumabas na ang mga ito.

Pinalipas muna nila ang ilang sandali bago kumilos. Iniangat ni Hunter ang mukha niya. Naaninag niya ang pag-aalala nito sa kakaunting liwanag na pumapasok sa bintana. Ibinuka nito ang bibig upang magsalita ngunit isinara ulit. Hinila siya nito palabas ng pinagkukublian nila. Wala itong imik habang binabaybay nila ang pabalik sa opisina nito. Madilim na buong paligid. Pinatay yata ni Hunter pati ang ilaw sa opisina nito upang hindi mahalata na may naiwan pa roon. Nararamdaman pa rin niya ang galit ni Hunter sa pagkakahawak sa kamay niya. Binuksan nito ang opisina niya at nagtuloy-tuloy sila sa opisina nito. Pabalya nitong isinara ang pinto. Marahas na binitawan ang kamay niya at naglakad patungo sa may binatana. Inihilamos nito ang mga kamay sa mukha at humarap sa kanya. His face looked tortured. 

"Hunter..." She whispered. Tila pinipiga ang puso niya sa itsura nito. 

"Ano ang ginagawa mo doon, Carmela?" Tila kulog ang boses nito. 

Napaigtad siya sa galit na nakikita niya sa mukha nito. "M-may... Hinahanap..."

Hindi na niya natapos ang sasabihin. "Shit!!!" Napamura ito at hinarap muli ang binatana. Sunod-sunod ang buntong-hininga nito.

Nagbuntong-hininga rin si Carmela. Naiintindihan niya ang pag-aalala nito. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likod. "I'm sorry."

Tinanggal ni Hunter ang kamay niya na nakayakap dito at humarap sa kanya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at matamang tinitigan. "Are you really sorry?" Kalmante na ang boses nito ngunit alam niya na nagagalit pa rin ito.

Umiling siya. "Kailangan ko iyong gawin, Hunter."

Inakay siya ng lalaki sa sofa at pinaupo habang ito ay lumuhod sa harapan niya. "Pinalagyan ko ng CCTV ang mga opisina dito without anyone knowing. Isa sa mga tauhan ko sa agency ang nakamonitor palagi. Itinawag sa akin ng tauhan ko ang Nakita niya. Of course, connected sa cellphone ko ang mga CCTV. You were doing something that you shouldn't, Carmela. Para kang magnanakaw. Tapos makikita ko pa si Salvador kasama si Marco na pabalik sa opisina." Ginagap nito ang kamay niya. "Papatayin mo ako sa kaba eh."

"Hunter... Darling, sorry for worrying you." Niyakap niya ito. Gumanti din ito ng yakap sa kanya.

"Huwag mo ng uulitin." He kissed her on the neck at isinubsob ang mukha sa leeg niya. Makalipas ang ilang sandal ay pinakawalan siya nito at umupo sa tabi niya. "Sasabihin mo ba sa akin kung bakit mo pinasok ang opisina ni Salvador o isa ito sa mga sekretong hindi mo pwedeng ibahagi sakin?" Walang halong sarcasm sa boses nito. He is simply inquiring.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon