Chapter 18

869 21 3
                                    

Mabigat ang pakiramdam ni Carmela nang bumaba siya kinabukasan. Gising na si Andrew at may kausap sa telepono. Nang nagdaang gabi ay tumawag ang magkapatid na Henry at Angeline. Si Henry ay kasalukuyang nasa Maynila upang ipagamot si Monica. Lumalala daw ang sakit nito. Sinubukan niyang maging kaswal upang huwag mag-isip ng kung ano ang dalawa. Nag-aalala ang mga ito na mag-isa lang siya sa bahay niya at nagboluntaryo pa nga si Angeline na doon matutulog ngunit tinanggihan niya. Hindi niya sinabi na nandoon si Andrew dahil bilin na rin ng lalaki. Mas mabuting kung susubukan ni Marco na puntahan siya sa bahay niya ay masorpresa ito. 

Nagbuntong-hininga siya habang iniinit ang mga natirang pagkain kagabi. Wala siyang gana na magluto. Walang laman ang isip niya kundi ay mailigtas ang kaibigan sa kamay ni Marco. May nabuo na siyang plano ngunit hindi pa rin siya sigurado kung paano iyon ma-e-execute. Nagbuntong-hininga siya at pinatay ang kalan na may lamang lugaw. Kinuha din niya galing sa microwave ang friend chicken. Naghanda siya ng kanin para kay Andrew. Pumasok na din ang lalaki sa kusina. 

"Kumusta ka?" Tanong nito. Umupo ito sa bahagi na nilagyan niya ng place mat at plato nito. "Tumawag si Hunter at sinabing huwag ka ng pumasok."

Tumango siya at ini-on ang coffee maker. The mention of his name made her heart leap, ngunit sinupil niya iyon agad.

"Aalis sana ako ngayon." Malat pa rin ang boses niya.

Nagsimulang kumain si Andrew. "Sasamahan kita."

Natilihan siya sa sinabi nito. "H-hindi ba pwedeng ako na lang?" 

"Papatayin ako ng boyfriend mo kapag hindi kita sinamahan." Bahagya itong natawa.

Tumalikod siya upang itago ang lungkot na sigurado siyang halata sa mukha niya. Nagsalin siya ng kape sa dalawang mug. "Hunter is not my boyfriend, Andrew. Gusto ko lang linawin iyon." 

Napakunot-noo si Andrew and watched her for some time. Nagkibit balikat ito at ipinagpatuloy ang pagkain. "Kahit na hindi iutos ni Hunter, hindi ka pa rin pwedeng mawala sa paningin ko. Alam naman nating nanganganib ang buhay mo. Uusigin lang ako ng konsensiya ko kapag hindi kita naprotektahan."

Ngumiti siya dito. Kahit na gusto niya sanang mapag-isa sa lakad niya, na-appreciate naman niya ang sinabi nito. "Salamat, Andrew. Pero I would appreciate it if hindi na makakarating sa kahit na sino ang detalye ng mga lakad natin ngayon."

Sandali itong nag-isip at saka tumango.

Dalawang oras pa at nasa harap na sila ng bahay ni Alex. Nagpaiwan lang sa kotse si Andrew. Hindi rin naman siya masyadong nagtagal. Nagkuwentuhan lang sila saglit at maya-maya pa ay kausap na niya si Alex tungkol sa shares ng kanyang ama. Agad nitong ginawan ng dokumento ang lahat at pinapirmahan sa kanya. Idinagdag din nito na kakailanganin ang pirma ni Stella kaya magiging legal lang iyon pagdating ng matandang babae. Madali naman na iyon dahil alam nilang hindi magdadalawang-isip ang ina ni Hunter. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Alex ay dumeretso sa department store si Carmela.Matapos bilhin ang kailangan ay umuwi na sila. Nagpaalam siya kay Andrew na mananatili sa kwarto niya. Nagkunwari na lang siyang pagod upang masimulan niyang gawin ang plano niya. Ang lalaki naman ay nanatili sa salas.

Makalipas ang isang oras ay napapagod na pinatay niya ang computer niya. Parang unti-unting nauupos siya. Kanina lang ay napigilan niyang kumawala ang takot at kaba sa dami ng mga iniisip ay ginagawa niya sa labas ng bahay. Ngayon naman na tapos na siyang maghanda para sa plano niya ay saka niya nararamdaman ang mga iyon. Agad na pinahid niya ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. Hindi niya mapigilan ang bugso ng damdamin niya. Marami pa siyang gustong gawin, ngunit sa tingin niya ay hindi na niya iyon magagawa. Sa palagay niya ay hindi na siya makakaligtas sa kamay ni Marco sa pangalawang pagkakataon. Sinuwerte lang siya noong una dahil ang pinagtaguan sa kanya ay basement lang pala ng bahay-bakasyunan nila Salvador at hindi inaasahang marinig ni Henry ang sigaw niya nang tangkain na naman ni Marco na gahasain siya. Hindi naisara ni Marco ang pintuan noon dahil sa pag-aakalang walang tao roon. Ang hindi nito alam ay doon naglagi ng buong gabi si Henry dahil nag-away ito at si Salvador.

Nailigtas siya ni Henry noon, ngunit no one can be so lucky twice. Ang hinihiling na lang niya ngayon ay makaligtas si Haley at makulong si Marco. Kapag nagkaganoon ay idadawit na nito si Salvador sa mga bintang. Umaasa siya na umubra ang mga plano niya. 

"Carmela..." Si Andrew na kumatok bago pumasok.

Agad na inayos niya ang sarili at tumayo mula sa study table niya. "Ano iyon? May problema ba?"

Iniabot nito ang cellphone. "Si Hunter."

Tinitigan niya ang telepono. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin iyon o hindi. Namimiss na niya ito at kahit marinig lang ang boses nito ay sapat na, ngunit paano kung bigla siyang maiyak kapag narinig na ito. She is very emotional at the moment at ayaw niya na ma-spoil ang lahat. Umaayon sa plano niya ang nangyayari, pati na ang pagpapakasal nito kay Vera.

"Carmela." Untag ni Andrew sa kanya.

Napilitan niyang tanggapin ang telepono nang makita ang nagtatakang anyo ni Andrew. Mas ayaw niya ang sumailalim sa mga pagtatanong nito kapag nagkataon. Lumabas din ito kaagad.

"H-hello..." Hindi niya mapigilan ang panginginig ng boses. Kahapon lang ng iligtas siya ni Hunter mula kay Marco, ngunit tila isang buwan na niya itong hindi nakikita. Malakas ang pagtahip ng puso niya.

"Carmela..." Came the baritone voice. How she missed it. "Kumusta ka na?" Tumatagos pati sa cellphone ang pag-aalala nito.

Naupo siya sa kama. "Maayos naman ako. Salamat nga pala. Hindi na ako nakapagpasalamat kahapon sa iyo."

Narinig pa niya ang buntong-hininga nito. "Wala iyon. Gagawin iyon ng sino man ang makakita sa iyo sa ganoong sitwasiyon."

She nodded as if he can see her. Bago pa siya may masabi ay narinig niya ang boses ni Vera sa kabilang linya.

"Babe, okay na ba ito? Ipapakita ko na kay daddy." Sabi nito na sigurado siyang si Hunter ang tinatanong.

"Sige na, Hunter. Magpapahinga na ako at mukhang marami ka pang gagawin." Hindi niya inaasahan ang mararamdaman niyang sakit. Tila tinutusok ng maliliit na karayon ang puso niya. Kinapa niya ang engagement ring na ginawa niyang kuwintas. Isang kahungkagan ang naramdaman niya nang mapagtanto na wala doon ang pendant. Naalala niyang kinuha iyon ni Hunter ng magpropose ang lalaki sa kanya at hindi na naibalik. Nagsimula ng mag-init ang sulok ng kanyang mga mata sa pinipigil na luha.

"Busy lang ako ngayon, but I will visit you tomorrow." Sabi nito.

"H-Hunter..." Tinawag niya ito bago pa ito mawala sa linya. Naikuyom niya ang mga kamao upang pigilan ang damdamin niya. Ayaw niya iyong kumawala habang nag-uusap pa sila. Nang masiguro na nakikinig ito, "Ma-a-appreciate ko kung hindi ka muna bumisita. I would like to take a day off tomorrow para makapagpahinga. Nandito naman si Andrew para bantayan ako. Papasok naman ako sa susunod na araw. Saka na tayo magkumustahan." 

"Of course. Naiintindihan ko at mas maigi nga iyon upang bumalik na ang lakas mo at maghilom agad ang mga pinsala mo sa katawan." Muli itong nagbuntong-hininga bago nagpaalam. "I'll go ahead."

"Bye." Iyon lang at pinindot na niya ang end call

Agad namang tumulo ang mga luha niya pagkatapos ng pag-uusap nila ni Hunter. All of a sudden gusto niyang mag back out sa mga naisip niyang plano. Delikado ang plano niya at hindi niya alam kung magtatagumpay siya. She could actually die. Desidido na siyang itaya ang buhay niya mailigtas lang si Haley at maipakulong si Marco. Buong-buo na ang pasya niya, ngunit nang marinig ang boses ni Hunter ay bigla siyang nagdadalawang isip. Biglang pumasok sa isip niya ang mga bagay na gusto pa niyang gawin. Ang pagbabago ng isip ang dahilan kung bakit ayaw niyang bisitahin siya ni Hunter. 

Nakapagdesisiyon na siyang itaya ang buhay niya, ngunit kapag nakita niya ang lalaki siguradong uurong siya. Si Hunter ang nagdadala ng buhay sa kanya. He is always the contrast of her negativity. Natatakot siyang magbago ang isip niya. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag napahamak si Haley. 




Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon