Chapter 23

741 21 3
                                        

Tatlong araw matapos makalabas si Carmela sa hospital ay mabigat ang loob na bumangon siya. Alas sais ng umaga ang binabadya ng alarm clock niya. Ayaw pa niyang bumangon ngunit kailangan na niya maghanda sa pag-alis niya. Nang nagdaang mga araw ay inayos niya ang registration niya sa Berkeley. She's a little bit late, but luckily for her, tinanggap pa rin siya. Madali na lang iyong nagawan ng paraan dahil may imbitasyon naman siya. Nagbook siya ng one way ticket at nang nagdaang araw ay inihanda niya ang sarili mentally. She will be alone in an unfamiliar place. The thought is terrifying, but there is always a silver lining in every situation. At iyon ang pilit niyang inaaninag. 

Naupo siya sa kama at kinusot ang mga mata. Nanatili siya sa posisyon na iyon ng ilang segundo at pinakiramdaman ang sarili. Nang masiguro na maayos ang pakiramdam niya ay bumaba siya sa kama. Mabilis siyang naligo at bumaba sa kusina.

"Anong almusal, Yaya?" Dala na niya sa pagbaba ang isang maletang de gulong at shoulder bag niya. 

Nakahanda na rin ang matandang katiwala. Sabay silang aalis. Sa istasyon ng bus sila maghihiwalay. Siya ay tutungo sa Maynila at ito ay babalik na sa bahay ng anak.

Inihahanda na ng matanda ang mesa. "Maayos ba ang pakiramdam mo? Makakakain ka ba?" May halong pag-aalala nitong tanong. 

Tumango siya at naupo sa puwesto niya. "Hindi ako nahilo kanina. Nakikisama ang katawan ko ngayong araw."

The old woman smiled. Inihain nito ang sinangag, pritong itlog, bacon at ham.

"Ang dami naman nito." Komento niya. Nangingiti siya habang sinasalinan ni Yaya Anna ng sinangag ang pinggan niya. 

"Kailangan mong kumain." Nilagyan nito ng bacon at itlog ang pinggan niya. "At baka ito na rin ang huling pagkakataon na maipagluto kita, Carmela." 

"Yaya naman." Saway niya sa matanda na hinahagod na ang buhok niya at hinahalikan ang puno ng kanyang ulo. She is still not comfortable with skin contact, but she can tolerate it now. Lalo at galing sa Yaya Anna niya. Her second mother. "Paiiyakin mo pa ako niyan."

"Siya. Kumain na lang tayo. Walang dahilan para malungkot." Umupo na rin ang matanda at nagsimulang maglagay ng pagkain sa sariling pingga.

Gusto man niya ay hindi sumasang-ayon ang isip at puso ni Carmela sa sinabi ni Yaya Anna. Maraming dahilan para malungkot sa araw na iyon. Una na ang pag-alis niya. Good byes are always painful. She is going to miss the house, her few friends and Yaya Anna. Hunter. Bulong ng isang bahagi ng isip niya. And Hunter. Gusto niyang makausap ito bago siya umalis. Makapagpasalamat man lang dahil hindi pa niya iyon nagagawa simula noong iniligtas siya nito kay Marco. That's one reason. Isa pang mas mabigat na rason kung bakit gusto niyang makita ito ay dahil sobrang miss na miss na niya ang lalaki. Iyon ang damdamin na pilit niyang itinatago at maski sa sarili ay ayaw aminin. But her departure is getting the best of her. The void in her heart is making its presence known. Alam niyang hindi tama ang damdamin niya kaya nga hindi niya iyon binibigyan ng pansin. It would be very selfish of her kung bibigyan niya ng katuparan ang mga gusto niya. Nagpapasalamat na rin siya na si Hunter na mismo ang umiiwas. May asawa na ito at hindi tamang makipagkita at makipag-usap pa siya dito. Even if it will be the last time she will do it. Napabuntong-hininga siya at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Habang hinihintay ang taxi na susundo sa kanila ay pinagmasdan ni Carmela ang paligid. Nasa labas na sila at naisarado na ni Yaya Anna ang buong bahay. Hindi niya mapigilan ang pangingilid ng luha. She spent her entire life in that place. Malaki ang lupain nila. Ang mansiyon na nalipasan na ng panahon at sa isang banda ay ang rice field. Hindi kasing laki ng hacienda ng mga Ledesma, but they had a rice field. Isa iyon sa pinagkukunan ng kabuhayan nila noon. But when her parents died, kasamang namatay ang rice field. Hindi niya iyon kayang hawakan. She was very vulnerable and sick in the head. Hindi niya gustong nakakakita ng ibang tao at ang presensiya ng mga tauhan nila ay hindi nakakatulong sa kanya. Kasamang binili ng bagong may-ari ng bahay ang rice field. Kahit ang mansiyon ay niluma ng mga taon. Hindi niya rin iyon na maintain dahil wala naman siyang pera. Huli na niyang malaman na may 15% share siya sa Ledesma & Co. Ang kinita niyon ay ibinigay ni Stella sa kanya noong nasa hospital pa lamang siya. The amount could last her a lifetime without lifting a finger at iyon ang ginamit niya sa pag-aasikaso ng mga kailangan niya sa Berkeley. Kahit na sabihing mayaman na siya, gusto pa rin niyang makapagtapos ng pag-aaral at magtrabaho.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon