Carmela has been in and out of sleep for a couple of hours now. May itinusok si Marco sa kanya kanina na siyang sanhi ng matinding pagkahilo niya. Naduduwal din siya. Unti-unti na naman siyang nagigising. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para ma-focus ang paningin niya. Sinapo niya ang kumikirot na ulo at napagtanto na hindi na nakatali ang mga kamay niya. Agad niyang iniupo ang sarili at sumandal sa may pader. Napansin niya ang metal na nakapulupot sa isa sa mga paa niya. Alam na niya kung ano iyon. Kagaya noon, itinali ni Marco ang paa niya upang hindi siya makatakas. Sa may pader ay nakausli ang isang makapal na metal kung saan nakakonekta ang metal chain na nakapulupot sa bukung-bukong niya. Napabuntong hininga na lang siya sa sitwasiyon niya. Naibsan na rin ang takot niya ngunit nandoon pa rin ang kilabot na hindi na yata mawawala hanggat alam niyang nanganganib pa rin ang buhay niya. She has prepared for this, but she couldn't stop feeling the dread. No one wants to die.
Mahinang-mahina ang pakiramdam niya. Ang huling kain niya ay agahan pa at base sa nag-iisang bintana ay gabi na. Iginala niya ang paningin sa buong kwarto. Siya na lang mag-isa ang nandoon at sa may malapit sa pintuan ay tray ng pagkain. Kumalam ang sikmura niya. Ayaw niyang kumain dahil inihanda iyon ni Marco. Hanggat maari ay ayaw niyang tanggapin ang kahit na ano mula dito. Ngunit kakaiba ang kalam ng sikmura na nararamdaman niya. Parang kumukutkot iyon at mahapdi ang tiyan niya kaya kahit na ayaw niya ay dahan-dahan siyang gumapang doon. Mahina ang katawan niya at may pakiramdam siya na matutumba lang siya kapag tumayo siya.
Hindi pa man siya nakakadalawang galaw ay bumalandra na pabukas ang pinto. Parang umurong naman ang gutom niya pagkakita kay Marco. Sinipa nito ang tray ng pagkain at tumilapon iyon sa gilid. Madilim na madilim ang mukha nito at hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa silid na iyon. Tila hindi nito napapansin ang presensiya niya kaya minabuti niyang pagmasdan na lang ito. Mas gusto niyang hindi siya nito pinapansin. Nagsasalita itong mag-isa ngunit wala naman siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Maya-maya ay sumigaw ito at sinabunutan ang sarili. Kinakabahan siya sa ikinikilos nito. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa at nag-dial.
"Where the fuck are you?" Galit na galit na tanong nito sa kausap.
Nagsalita ang nasa kabilang linya. Sa pagkakataong iyon ay napatingin sa kanya si Marco. Napatiim-bagang ito at humakbang palapit sa kanya. Ganoon na lang ang kaba niya. Nanginig ang kanyang mga kalamnan. He squatted in front of her and pulled her hair. Sa higpit ng pagkakahawak nito sa buhok niya ay napasigaw siya at napaiyak. Tila matatanggal ang scalp niya.
"I will kill her if you don't show up." Pinakawalan nito ang buhok niya at tumayo. Lumakad ito ng ilang hakbang palayo sa kanya. "Hurry up, baby. I can't wait for another hour." Patuyang sabi nito sa kausap saka pinatay ang telepono.
Tinitigan siya nito at awtomatikong isiniksik niya ang sarili sa sulok. She hugged her knees as a barrier. Nilapitan siya nito at hinaplos ang pisngi niya. Agad ang kilabot na gumapang sa katawan niya. Namuo ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Inilayo niya ang mukha sa kamay nito. Alam niya ang tingin na ipinupukol sa kanya ni Marco. She will be raped and no one will save her. Tumulo na ang luha niya.
He chuckled. "Didn't you already know?" Kalmante nitong sabi sa kanya. "Gusto ko iyong natatakot ka sa akin, Carmela." May hinugot itong muli sa bulsa. "And you know what's more exciting? Iyong takot na takot ka at nanlalaban sa akin. You can punch, kick and scratch me. Oh, how I love that." Pagkasabi niyon ay sinusian nito ang metal cuff sa paa niya. Pinapakawalan siya nito.
Alam niyang hindi siya pinakawalan nito upang hayaan na siya sa buhay nito. He loves to play at ginagawa nito iyon upang kapag ginawan na siya ng kahalayan nito ay makapanlaban siya. Gustong-gusto iyon ni Marco. Gusto nitong nasasaktan at nananakit bago makapagparaos ng sarili. Iyon ang natutuhan niya noon. Kahit na ayaw niyang pagbigyan ang gusto nito ay hindi din naman niya maatim na hindi manlaban habang hinahawakan siya nito at hinahalik-halikan sa saan mang parte ng katawan niya. At alam niyang iyon din mismo ang gagawin niya sa pagkakataong iyon. Hindi niya hahayaan na babuyin siya nito. Mas gugustuhin pa niyang mamatay. Kahit na nanghihina ay inipon niya ang natitirang lakas. Ngunit nang hawakan siyang muli nito ay hindi niya kaya. Hindi niya kayang maramdaman ang balat nito sa balat niya.
BINABASA MO ANG
Marred (Completed)
RomanceDalawang rason kung bakit galit si Hunter kay Carmela: una, anak ito ng lalaking pumatay sa ama niya; pangalawa, niloko siya nito dalawang linggo bago ang kasal nila. Inalagaan niya ang galit niya sa nakalipas na mga taon. Nang magbalik siya sa baya...