Chapter 16

847 18 6
                                    

"Cancel all my meetings." Si Hunter na lumabas mula sa opisina nito. Nagsasalubong ang mga kilay at tila may kinaiinisan.

"Sige po." Pormal na ulit siya sa pakikitungo dito. Ibang-iba na ang turingan nila. Tila may itinayong pader si Hunter sa pagitan nila. "Ano pong rason ang sasabihin ko sa mga kameeting niyo sana?"

He shrugged. "Make anything up. I don't care." Papasok na sana ulit ito nang may maalala. "Make me coffee."  

"Okay." Agad na tumayo siya at nagtimpla ng kape. Saka na niya aayusin ang schedule nito.

Papasok na siya sa opisina ni Hunter nang bumukas naman ang pintuan ng opisina niya at pumasok si Vera. She is elegant in her red slacks and white blouse. Naka ponytail and mahaba nitong buhok.

"Good morning, Carmela. Is Hunter in?" Ngumiti ito sa kanya.

Tumango naman siya. "Opo, Miss Vera. Katunayan ay para sa kanya itong kape. May gusto po ba kayong inumin?"

"Tubig na lang ang sa akin, please." Ang babae na ang nagbukas ng pintuan at hinintay na makapasok siya bago isarang muli.

Inilapag na niya ang kape sa executive table ni Hunter at tinungo ang mini-fridge nito upang kumuha ng tubig para kay Vera. Inilapag niya sa harap ng babae ang bottled water. Tatalikod na sana siya nang muli siya nitong tawagin.

"I want you to be the first to know." Todo ngiti ito sa kanya. Sinulyapan nito si Hunter na wala namang naging reaksiyon. Patuloy lang sa pagbabasa ng mga papeles ang lalaki. "We are getting married, Carmela."

Napasinghap si Carmela sa balita. Tila ba binagsakan siya ng napakalaking bato at naninikip ang dibdib niya. Inaasahan na niya iyon ngunit hindi ganoon kaaga. Bahagya lang niyang sinulyapan si Hunter. Ganoon pa rin ito. Nagbabasa lang ng mga papeles. Kahit napakasakit ng nararamdaman niya ay okay lang dahil matutulungan ni Vera at ng ama nito ang lalaki. Humugot siya ng malalim na hininga at ngumiti. 

"Congratulations." Iyon lang at tumalikod na siya. Nagsisimula ng uminit ang sulok ng kanyang mga mata at ayaw niyang umiyak sa harap ng mga ito.  

Ilang buntong-hininga ang ginawa niya bago makontrol ang emosyon. Hindi niya hahayaang tumulo ang luha niya. Tama lang naman ang mga nangyayari. Masaya din siya at si Vera ang mapapangasawa nito. Alam niya na mabait ang babae at maaalagaan nito si Hunter.

Mabigat pa rin ang pakiramdam niya ngunit binabaliwala niya. Sinimulan niyang mag-cancel ng mga meetings ni Hunter. Nasa kalagitnaan na siya nang tumunog ang cellphone niya. Unknown number ang tumatawag.

"Hello?" Bungad niya.

"Ahh. I missed your voice, Carmela." Ana ng tao sa kabilang linya.

"M-Marco?" Agad ang pagbangon ng takot sa dibdib niya.

Tumawa ito. "Should I be fluttered na kilala mo pa ako?"

"Ano ang kailangan mo?" Napalitan ng galit ang boses niya. Takot siya dito, ngunit hindi rin maipagkakaila ang matinding galit niya sa lalaki.

"Isauli mo lang ang kinuha mo sa bahay ko, Carmela. Iyon lang at hindi na kita guguluhin." Sumeryoso ang boses nito.

"Wala akong kinukuha sayo, Marco." Totoo na pinasok niya ang kuwarto nito at ni Angeline ngunit wala naman siyang nakuha doon.

"Huwag mo ng hintayin na mapuno ako, Carmela. Ibalik mo ang kinuha mo." Banta pa nito.

"Wala akong kinukuha." Ulit niya. "Kaya wala akong ibabalik." Pinutol niya ang linya dahil hindi na niya kayang makipag-usap dito. Nandidiri siya kahit ang marinig ang boses nito.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon