Chapter 12

941 29 4
                                    

Kunot na kunot ang noo ni Andrew habang tinititigan ang package na nasa sahig pa rin. Nagkalat pa rin ang dugo doon. Lumapit na rin si Hunter dito na tila ba ngayon lang nakita ang dapat kanina pa nitong napansin. Naghalinhinan ang iba't-ibang emosyon sa mukha nito: pagkabigla, pag-aalala at galit. Sinulyapan nito si Carmela. The dark eyes became darker.

"Something is wrong." Usal nito at maya-maya pa ay tumayo at lumapit sa kanya. "Sigurado ka bang wala kang ibang napansin kanina?" Kalmante ang boses nito ngunit nagbabadya ng isang hindi magandang balita.

Umiling siya. Gumuhit na rin ang pag-aalala sa mukha niya. "Pagkagising ko ay sa kusina agad ako nagpunta. Nagugutom ako at nang mapansin ko ang package na kagabi pa dumating ay binuksan ko ito. And the rest, alam mo na."

Si Andrew ay isinuot ang gloves at maingat na pinagdadampot ang mga nagkalat. Isinilid niya ito sa isang plastic at pagkatapos ay tumayo. Nagkatinginan muna ang dalawang lalaki, bago magsalita muli si Hunter. 

"May... may pumasok sa bahay mo habang tulog ka. Say 30-40 minutes ago." Tinitigan siya nito na para bang tinatantiya ang damdamin niya. 

Kinilabutan siya. Nananayo ang mga balahibo niya at tila ba kay lamig ng hangin sa paligid niya. Tila pinipiga ang puso niya sa kaba. "A-ano ang ibig mong sabihin?" 

Humila si Hunter ng isang silya at pinaupo siya doon. Lumuhod ito sa harapan niya at ginagap ang mga kamay niya. "Kagabi pa iyang package kaya dapat lang na tuyo na sana ang dugo, ngunit sariwa pa ang dugo na andito ngayon." Tinapunan nito ng tingin ang hawak ni Andrew na plastic. "Kung sino man ang may gawa nito ay pumasok kanina habang wala ako at natutulog ka para palitan ang laman ng package."

Napasinghap siya. Hindi niya iyon naisip kaninang buksan niya ang package. Tama ito at ang isipin na may nakapasok sa bahay niya habang himbing na himbing siya sa pagtulog ay mas lalong nagpakilabot sa kanya. Kung gugustuhin ay maari siyang saktan ng kung sino man ang may gawa nito. Nanginig ang kalamnan niya. Nahagip niya ang matinding pag-aalala sa mata ni Hunter at kahit papaano ay naibsan ang emosyon niya.

"Huwag kang mag-alala, Carmela." Si Andrew na sa unang pagkakataon ay nagsalita. "Tatapusin ko kaagad ang pag-iimbestiga para mahuli na ang gumawa nito." Itinaas pa nito ang plastic na hawak. "The box is very distinct at may logo ito. Kailangan lang nating mahanap ang tindahan nitong box at ipagdasal natin na may CCTV sila."

Tumango-tango siya. Sinusubukan pa rin niyang intindihin ang mga nangyayari. The situation came out of nowhere. Hindi niya lubos maisip na may gustong manakot sa kanya. She does not stand out in anyway, except kung naghihisteriya siya na hindi naman madalas mangyari dahil siya na mismo ang umiiwas sa mga tao. 

"Sino kaya ang gumawa nito?" Wala sa loob na naisatinig ni Carmela ang iniisip.

Bago pa may makasagot ay tumunog ang door knocker.

"I'll get the door." Sabi niya at iniwan ang dalawang lalaki sa kusina. Nag-uusap pa ang mga ito sa mga dapat gawin.

Hindi pa man niyang masyadong nairerehistro sa isip ang pamilyar na mukhang nabungaran niya ay agad na siyang niyakap nito.

"Carmela!" Excited siya nitong usal. The woman breathes in her scent.

"A-Angeline?" Ngayon ay naikabit na niya ang mukha sa tamang pangalan. She's stunned. 

Kailan pa ito dumating? At kung nakauwi na ito, ay ganoon din ang asawa nito. Nagsimulang manindig ang kanyang balahibo. The thought of Marco being near and the feel of Angeline's skin on her added to the discomfort. Tinanggal niya ang mga braso nito sa leeg niya. Noong una ay tila ayaw pa nitong bumitiw, ngunit maya-maya ay nagkusa din ito.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon